PCU SHS Filipino Club

PCU SHS Filipino Club

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCU SHS Filipino Club, School, 1648 Taft Avenue, Corner Pedro Gil Street, Malate, Manila.

13/05/2026

๐Ÿ“ฃ ENROLLMENT ON-GOING! ๐Ÿ“ฃ
Philippine Christian University
Senior High School | SY 2026โ€“2027

PCU Manila Senior High School is now accepting students for:

โœ… Grade 11 (New Strengthened Curriculum)
โœ… Grade 12 โ€“ Old Curriculum Completers

Available Tracks and Pathways

๐Ÿ”น ACADEMIC TRACK

ABM
๐Ÿ“Š Business, Finance & Enterprise Pathway

HUMSS
๐Ÿ“š Humanities & Education Pathway

HUMSS
โš–๏ธ Governance, Justice & Public Service Pathway

STEM
๐Ÿฉบ Allied Health & Medical Sciences Pathway

STEM
๐Ÿ—๏ธ Engineering & Architecture Pathway

Sports Track
๐Ÿ… Athletic Performance & Wellness Pathway

๐Ÿ”น TECHNICAL-PROFESSIONAL TRACK (TECH-PRO)

ICT
๐Ÿ’ป Digital Technology & IT Pathway

HE
๐Ÿฝ๏ธ Hospitality Services Pathway

HE
โœˆ๏ธ Tourism, Travel & Event Management Pathway

๐Ÿ“ Campus Location

1648 Taft Ave. cor. Pedro Gil St., Malate, Manila
(PCU Auditorium)

๐Ÿ“ž Contact Us

โ˜Ž๏ธ (02) 8248-5370 / 8248-5390 local 231
๐Ÿ“ฑ 0945-430-8635 (SHS)
๐Ÿ“ง [email protected]

Enroll Online PCU Online Enrollment Portal
https://myportal.pcu.edu.ph/padmission

๐Ÿ“ฒ Or scan the QR code on the poster.

Take the next step toward your future.

Enroll now at PCU Manila Senior High School!

22/02/2026

Maligayang Kaarawan, Janelle!

Sa bawat pagbuklat ng aklat โ€” bawat pahinang binabasa'y na naglalaman ng talinhaga at nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa. Mga titik at pangungusap na lumilikha ng mga salaysay at mga kuwento na naghahatid ng aliw at saya. Sa likod ng mga obrang ito, mayroong mahusay na manunulatโ€”si Janelle Banal.

Sa bawat pagkumpas ng panulat, pagdaloy ng tinta sa mga pahina, hinahangad magbigay kahulugan sa mga letrang inuukit. Ang plumang hawak-hawak mo ay hindi lamang nagbibigay-buhay sa iyong imahinasyon, kundi hinuhubog din nito ang mga alamat at mga kuwento tungo sa katotohanan.

Isang mainit na pagbati sa reyna ng tugma at ng mga obrang makata. Sa awtor ng aming mga lathalain, sa aming pinakamamahal at pinakamahusay na manunulat ng Filipino Club, Maligayang Kaarawan Janelle Banal!

Ang mga ngiti mong nakakahawa, mga birong nagdadala ligaya at walang magawa kundi matawa. Tulad ka ng araw, sa init mong dala na parang yakap ng ina. Hindi ka nakakasawang kasama. Isa sa mga pundasyon ng ating samahan, sa panibagong pahina ng iyong buhay nawa'y makamit mo ang iyong mga pangarap at mithiin sa buhay. At tulad ng tinta, ang ating mga pinagsamahan ay hindi mabubura kailanman. Muli, Maligayang Kaarawan Janelle Banal!


20/02/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—˜๐—บ-๐—ฒ๐—บ ๐—ฌ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ผ

Maligayang Kaarawan po, Gng. Em-em Yangao! Isang gurong may mahinahon na kilos, ngunit matatag na prinsipyo. Sa likod ng kalmadong anyo ay isang gurong may tapang, talino, at pusong lubos ang malasakit sa kabataan.

Ang bawat salita at aral na inyong iniiwan ay tumatagos at nananatiliโ€”patunay na ang tunay na lakas ay hindi kailangang ipagsigawan. Sa inyong panatag na paggabay, maraming kabataan ang natutong maniwala sa sarili at pahalagahan ang pagiging mabuting tao. Ang impluwensiyang inyong naitanim ay patuloy na mamumunga sa mga pusong inyong nahubog.

Nawaโ€™y mapuno ang inyong kaarawan ng kapayapaan at kagalakang Karapat-dapat sa isang gurong may pusong bayani. Muli, Maligayang kaarawan po!!! ๐Ÿ’


28/01/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—ฏ. ๐—•๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ!! โœฐโ

Kagaya ng masiglang araw sa karagatan ng asul na ulap, may isang gurong walang-sawang namumuno at pumapatnubay nang may katingkaran ng arawโ€”ang pinakamahusay sa lahat, ang minamahal naming si Bb. Belle. At ngayong araw ay kaniyang kaarawan, kaya't ating ipaabot sa kanya ang ating mainit at punong-puno ng pagmamahal na pagbati.

Maraming bagay ang maihahalintulad sa kanya. Siya ay malaya, katulad ng mga ibong nagliliparan sa himpapawid ng liwanag at katotohanan. Maaari rin siyang maging isang bulaklak sa gitna ng berdeng damuhanโ€”kakaiba at nag-uumapaw sa kanyang sariling espesyal na kulay. Sa katunayan, siya rin ay kaaya-ayang sinag ng buwan sa mataimtim na ilogโ€”banayad at organisado. Ngunit higit sa lahat ng bagay na maaari siyang maging, ay ang kaniyang natural na pagkataoโ€”dalisay at may katapangan.

Para sa Filipino Club, siya ay isang mabuting modelo, isang kaibigang maaring sandalan at lapitan sa panahon ng pangangailangan. Isang kaibigang handang makinig, magbigay ng payo, at handang tumingin sa magkabilang panig nang may pantay at makatarungang pagmamahal. Sa kanyang puso ay tangan ang ilaw na panghabang-buhay na magbibigay ng pag-asa sa kahit sino mang mapalad na makakasilong sa lilim ng kanyang pagkalinga.

Mula sa Filipino Club, aming ipinapa-abot ang aming tapat na pagbati, Bb. Belle! Nawa'y mapuno ng liwanag ang iyong araw at ang mga susunod pang darating!! ๐Ÿฆ‹๐Ÿ„



27/01/2026

๐ŸŽคGet ready for an unforgettable night! Join us for Pintig ng Pag-ibig: PCU Valcon 2026 on February 10, 2026, at Freedom Park, Philippine Christian University!๐ŸŽค

โœจ Enjoy performances from:

FitterKarma

Shirebound

Deny

Donโ€™t miss this incredible musical celebration of love and talent! Mark your calendars, bring your friends, and letโ€™s make this night unforgettable! ๐Ÿ’™๐ŸŽถ



Caption by: De Jesus, A.
Graphics by: Arellano, P.
Posted by: Malonzo, G.

Photos from PCU SHS Filipino Club's post 22/01/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ!!!

Aming ipinaaabot ang taos-pusong pagbati sa mga kasapi ng PCU SHS Filipino Club na ginawaran ng mga karangalang pang-akademiko. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay patunay na kapag sinabayan ng puso ang talino, tiyak na may aanihin itong maganda. Nawaโ€™y magsilbi itong munting tapik sa balikatโ€”isang paalala na kayo ay nasa tamang landas.

Ipagpatuloy ninyo ang mahusay na gawain at huwag matakot mangarap nang mas mataas. Patuloy ninyong abutin ang mga bituin, at panatilihing buhay ang mahika sa inyong mga puso. Sa mga hindi man pinalad sa pagkakataong ito, huwag mawalan ng pag-asaโ€”may mga tagumpay na dumarating nang tahimik ngunit mas tumatagal. Ang pag-abot sa ikalawang semstre ay isa nang malaking tagumpay, at maging ito ay karapat-dapat na ipagdiwang.

Nawa'y palagi ninyong tandaan na ang Filipino Club ay laging naririto, isang tahanang maaari ninyong balikan kapag napapagod, naliligaw, o nais lamang ng kaunting pahinga.

๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต!!! ๐ŸŽ‰โค๏ธ๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ



14/01/2026

๐๐Ž๐•: ๐„๐ฑ๐š๐ฆ ๐ฐ๐ž๐ž๐ค ๐ง๐š ๐ฉ๐ž๐ซ๐จ ๐ง๐š๐ฌ๐š โ€œ๐ ๐ก๐จ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ž๐ซ๐šโ€ ๐ค๐š. ๐Ÿ‘ป๐Ÿ“š

Hindi ka iniwan ng ka-talk moโ€”
iniwan ka lang ng notes mo.

Seen mo ang reviewers,
pero hindi mo sineryoso.
Ngayon, ikaw na ang na-ghostโ€ฆ
ng stock knowledge mo.

Sa exam week na โ€™to,
huwag mong i-ghost ang:
๐Ÿ“– lessons na tinuro
๐Ÿ“ notes na tinamad kang basahin
๐Ÿง  sarili mong potensyal

Dahil mas masakit ma-ghost ng exam
kaysa ma-ghost ng ex.

Balik-loob muna sa aral.
Balik-paramdam sa pangarap.

โœ… 100% Faith
โœ… 100% Character
โœ… 100% Service
โŒ 0% Ghosting sa Pag-aaral

Isang shot (ng kape) โ˜• para sa mga babawi sa exam week.


14/01/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—น๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ! โ™ฅ๏ธŽโ˜…

Sa bawat tagumpay ng samahan, may isang lider na walang kapaguran sa paggabay at paghubog ng bawat hakbangโ€”si Alfred Joemari Concepcion. Maihahalintulad sa kagalakan ng sikat ng araw, siya ang nagbibigay sigla sa kanyang paligid. Ang kaniyang tinig ay musika na nagdadala ng kataimtiman sa mga alon na nangangahas na buwagin ang kanyang pinamumunuan. At kahit ano pang mangyari- basta't nariyan s'ya ay may kaligtasan.

Sa bawat proyekto at gawain, siya ang gabay na matatag sa gitna ng kalupitan ng unos, maingat na nagbabalangkas ng bawat hakbang, at pinagsasama ang bawat hibla ng ideya upang maging isang buo at makulay na tapiserya. Lulan ang ilaw ng pagmamahal, lahat ng myembro ay ramdam ang kanyang malasakit at pag-unawa... tila hangin na dumarampi sa balatโ€”banayad ngunit nagbibigay-buhay. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nabubuhay ang kaayusan, at ang bawat suliranin ay nagiging isa na namang hakbang tungo sa tagumpay.

At kapag nariyan si Alfred, ang Filipino Club ay nagiging tahanan ng pagkakaisa at tiwala, isang lugar kung saan bawat isa ay may puwang at bawat tinig ay pinapakinggan. Tunay ngang sa bawat hibla ng samahan, naroroon ang di-mabilang na kulay ng kanyang impluwensiya, ang sining ng kanyang pagkataoโ€”hindi mawawala, hindi kailanman matatapos.


14/01/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ฎ๐—ฒ๐—น ๐—”๐—ป๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ! โ˜…๐‘

May mga taong hindi kailanman humihingi ng pansin, ngunit sa kanilang pagdating ay tahimik na nagbabago ang tibok ng samahan. Si Vicente Raphael Anquilero ay tulad ng malamig na simoy ng hanginโ€”banayad, payapa, ngunit tunay na kapansin-pansin, at sa sandaling dumampi sa balat ay mararamdaman hanggang kaibuturan. Hindi siya nangingibabaw sa ingay, ngunit ang kanyang presensiya ang nagpapanatiling buo sa Filipino Club, isang paalalang may lakas ang katahimikan kapag itoโ€™y nagmumula sa malasakit.

Sa likod ng mga kurtina siya kumikilos, masinop at tapat, inilalagay ang sarili sa lugar kung saan higit siyang makapaglilingkod. Maaaring hindi siya laging nasa gitna ng liwanag, ngunit ang kanyang kahusayan ang tahimik na nagtutulak sa entablado upang magningning. Sa bawat proyektong naisakatuparan, may bakas ng kanyang pagsisikapโ€”isang impluwensiyang hindi sumisigaw, ngunit laging nararamdaman.

Kahit bahagyang nahuli ang pagbati, ang pasasalamat at paghanga ay nananatiling buo. Sapagkat ang Filipino Club ay hindi magiging ganap kung wala ang mga taong tulad ni Raphโ€”tahimik, ngunit mahalaga magpakailanman.


09/01/2026

๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ผ

Ngayong araw โ€” ika-9 ng Enero โ€” ay ating ipinagdiriwang ang Pista ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Sa piling ng Itim na Nazareno, ating natutuhang maglakad sa bigat ng mga pasanin nang may pananalig. Sa kaniya ay makikita ang larawan ng pag-ibig na hindi sumusuko, ng sakripisyong hindi humihingi ng kapalit, at ng pag-asang nananatiling buhay sa kabila ng kadiliman at paghihirap. Sa Kanyang katahimikan, naroon ang lakas; sa Kanyang pagdurusa, naroon ang kaligtasang patuloy na inaasam ng sambayanan.

Nawaโ€™y ang pistang ito ay magsilbing liwanag sa ating mga puso โ€” na magpakatatag sa gitna ng pagsubok, magmahal sa kabila ng paghihirap, at magtiwala kahit hindi kalinawan ang daang tinatahak. Sa bawat hakbang ng pananampalataya, sama-sama nating buhatin ang krus ng buhay, tangan ang pag-asa, pagkakaisa, at wagas na debosyon.

Bilang isang samahan, ang Filipino Club ay kaisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng banal na pistang ito. Sama-sama nating ipinapahayag ang ating pananampalataya, paggalang, at debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Janelle Banal | Manunulat
Arlene Gasmen | Debuhista
Cleofe Mae Agualada | Tagapagpamahala ng Social Media G12


Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


1648 Taft Avenue, Corner Pedro Gil Street, Malate
Manila