15/12/2025
𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗙𝗢𝗥 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 💌
On behalf of Rose Flores, an ABP 3-3 student, kami ay kumakatok po sa mga mabubuting puso na baka maaari ay magbigay tulong po tayo sa emosyonal at pinansyal na suliranin ni Rose sapagkat ang kanyang pusa nitong umaga ng Disyembre 15 ay tinaga ng suspek na inaalam pa ng pamilya rin ni Rose.
Naidala ni Rose ang kanyang pusa sa Veterinary Clinic at naoperahan ito. Sa kabutihan, naagapan ang natamong sugat ng kanyang pusa at ngayon nakauwi na sa kanilang bahay upang magpagaling. Subalit, may malaki paring pinansyal na problema sa Vet bills na hindi lang operasyon kundi iba pa na kinakailangang bayaran para sa CBC ng pusa dahil maraming dugo ang nawala, emergency fee ng Vet Clinic, at mga kinakailangan pang gamot.
Sa kabuoan, kinukulang pa sila Rose ng 4,585 pesos upang mabayaran nang full ang kanilang Vet bill next week. Gayunpaman, kumakatok kami sa inyong puso na baka may maitutulong po kayo na donasyon kahit anong halaga po malaking tulong na ito para sa kinakailangan ng pusa at pinansyal na sitwasyon nila Rose ❤️🩹