12/06/2025
Higit sa kasaysayan, ang kalayaan ay responsibilidad.
Ngayong araw ay ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan o Independence Day. Ito'y isang paalala sa sakripisyo ng mga nauna sa atin na lumaban para sa isang bansang malaya sa pananakop at pang-aapi.
Ngunit hindi rito natatapos ang usapan, dahil sa bawat araw na tayo'y tumatamasa ng kalayaang magpahayag, magsalita, at mamili ng tama, tayo ay may tungkuling pangalagaan at ipaglaban ang ating kalayaan.
Maligayang Araw ng Kalayaan, Independent Juans! π΅πβ¨
Caption by: Adrienne Estoque
Layout by: Aj Paradero