Katipu๐—ก๐—œ๐—ก๐—˜

Katipu๐—ก๐—œ๐—ก๐—˜

Share

Official page of Bachelor in Social Science Education IV-9 (Batch Dagitab).

04/06/2026

Happy birthday to the ever reliable, Dayne! ๐Ÿ’ป๐ŸŽ‰

May the year ahead be filled with God's abundant blessings, unwavering strength, and lasting joy. May it also bring you countless opportunities, memorable experiences, and happiness in all that you do. ๐Ÿฅณ๐Ÿ’–

01/06/2026

Happy birthday to our resident photographer, Moses Karl! ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ๐Ÿ“ธ

May your year ahead be filled with picture perfect moments, new adventures worth capturing, and countless memories! โœจ

Photos from PNU - USC Student Electoral Commission's post 07/05/2026

๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ฌ - ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฃ๐—ก๐—จ-๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ

Sa kasalukuyan, danas ng mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas โ€“ Maynila ang epekto ng mga pandaigdigan at pambansang isyung sosyo-ekonomik at sosyo-politikal. Mula sa pagpapatupad ng work-from-home set-up ng mga opisina tuwing Miyerkules at Sabado bilang hakbang sa conservation of energy hanggang sa pagsasagawa ng isang buong terminong pang-akademiko sa loob lamang ng isang buwan, ramdam ang bigat ng mga hakbang at pagbabagong ito sa akademikong danas ng sangkaestudyantehan. Bagamaโ€™t may maayos na layunin ng mga hakbang na ito, malinaw na ang mga mag-aaral ang higit na nakararanas ng represyon mula sa sistemang โ€˜di buoโ€™t ganap na makaestudyante.

Kabilang sa mga direktang naaapektuhan ang PNU-USC Student Electoral Commission bilang organisasyong namamahala sa halalang pangmag-aaral sa loob ng Pamantasan. Sa kasalukuyang 2026 PNU-USC General Elections, nagkaroon ng mga limitasyon sa pasilidad at kakayahan sa pagsasakatuparan ng mga gawaing panghalalan, na nakaapekto sa partisipasyon ng mga mag-aaral. Sa kabila nito, nananatiling mahalaga ang general elections bilang daluyan ng demokratikong partisipasyon, kung saan ang mga di-gradwadong mag-aaral ang pumipili ng mga kinatawang uupo sa konsehong pangmag-aaral at tatayo sa representasyon ng sangkaesudyantehan. Ang mga lider na ito ang magsisilbing tagapaglingkod at magiging boses ng mga panawagan, hinaing, interes, at adhikain ng mga PNUan.

Hindi lamang sa usaping halalan nararanasan ang mga limitasyong ito. Nananawagan din ang mga mag-aaral hinggil sa limitadong student spaces sa loob ng Pamantasan na sa ngayon ay tila kulang ang mga espasyo na maaaring pagdausan ng pag-aaral, pagpapahinga, at gawaing pang-organisasyong pangmag-aaral. Sa gitna ng kakulangang ito, mahalagang matiyak na mabigyan ang mga estudyante ng espasyo sa loob ng kampus na tunay na nagsisilbi sa ating kapakanan, pagkatuto, at pagkilos.

Sa nakaraang Kalatas Pampamantasan (University Memorandum) Blg. 140 mula sa University President, isinulong ng Komisyon ang panawagan para sa asynchronous na moda upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawaing panghalalan sa ika-08 ng Mayo 2026, ang taunang pagtitipon ng mga mag-aaral para sa isang Miting de Avance. Kaakibat nito ang panawagan sa pagsusulong ng makaestudkyanteng at makatarungang hinga sa akademik, na tumutugon sa kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral. Sa harap ng pinaikling termino at ibaโ€™t ibang hamong panlipunan, mahalagang maisaalang-alang ang kapakanan at kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral nang hindi isinasantabi ang kalidad ng edukasyon at hindi nahaharangan at naantala ang demokratikong batayang karapatan ng bawat mag-aaral sa partisipasyon, pagpapahayag, at paghahalal.

Kaugnay ng mga isyung nabanggit, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ก๐—จ-๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐˜๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ. Sa mga pagkakataong ito, higit na mapaiigting ng masang PNUans ang ating boses at tindig bilang mga tagapangalaga ng demokrasya sa loob ng ating kampus at sa larangan ng edukasyon, at bilang mga mamamayang may aktibo at makabuluhang pakikilahok sa lipunang ating ginagalawan.

๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜•๐˜œ-๐˜œ๐˜š๐˜Š ๐˜š๐˜ต๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ธ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฃ๐—ก๐—จ-๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€; ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ; ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ค๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.





๐…๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ๐ฌ, ๐–๐ž ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž!
๐‘บ๐’†๐’“๐’ƒ๐’Š๐’”๐’š๐’ ๐‘ด๐’–๐’๐’‚, ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’ ๐‘ท๐’‚๐’Œ๐’Š๐’Œ๐’Š๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚!

Photos from FBeSS Executive Committee's post 06/05/2026

๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—›๐—”๐—  ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ ๐—›๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—–๐—›๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐——๐—จ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—จ๐—ฅ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐— 

Ang Faculty of Behavioral and Social Sciences Executive Committeeโ€”isang samahan ng mga organisasyon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas na nakatuon sa pagtataguyod ng pag-aaral ng Humanidades at Agham Panlipunanโ€”ay mariing sumasalungat sa itinakdang mga pamantayan ng Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa Reframed General Education Curriculum. Nilalayon ng polisiyang ito na bawasan sa 18 yunit o anim na kurso lamang ang kinakailangang General Education sa mga Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa. Isang hakbang na naglilimita sa saklaw at lalim ng mga kurso, partikular sa larangan ng Humanidades at Agham Panlipunan.

Malaki ang gampanin ng Humanidades at Agham Panlipunan sa pagtupad sa layunin ng General Education bilang pundasyon ng makabuluhan, mapanuri, at makataong pagkatuto. Alinsunod sa Artikulo II, Seksyon 17 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, tungkulin ng edukasyon na palaganapin ang pagkamakabayan at nasyonalismo, pabilisin ang panlipunang pag-unlad, at itaguyod ang ganap na kalayaan at pag-unlad ng tao. Kaakibat nito, dapat nitong hubugin ang mga gradweyt na may humanistikong oryentasyon, matibay na kakayahang magsuri at lumutas ng mga suliranin, kamalayan sa etikal at panlipunang implikasyon ng kaalaman, at kakayahang mamuhay nang makabuluhan sa isang masalimuot at mabilis na nagbabagong lipunan.

Sa ganitong diwa, ang Humanidades at Agham Panlipunan ay hindi maaaring ituring na dagdag o palamuti lamang sa kurikulum. Ang mga disiplinang ito ang humuhubog sa kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang malalim, makatao, at mapanagutan; umunawa sa lipunan at kasaysayan; kumwestyon sa mga mapang-aping sistema; at makilahok sa pagbubuo ng mas makatarungan, demokratiko, at makabuluhang kinabukasan.

Kitang kita sa repormang ito ang tahasang pagbubura ng diwang kamalayan ng mga kabataan sa pagsasanib ng mga kursong The Life and Works of Rizal at Readings in Philippine History sa iisang kursong tinatawag na Rizal and Philippine Studies. Ito ay tahasang paglabag sa RA 1425 at lantarang pagsasawalang bahala sa paglinang ng ating pagkakakilanlan at diwang makabayan. Hindi nararapat pagsamahin sa iisang asignatura ang mga akda ni Rizal at ang ating kasaysayan, sapagkat nagreresulta ito sa pagnipis ng lalim at paghina ng kritikal na pag-unawa ng mga mag-aaral sa kasaysayan na lubhang nakababahala. Ang pag-aaral sa buhay at mga akda ni Rizal ay nangangailangan ng masusing pagtalakay bilang mahalagang salamin ng kolonyal na karanasan at pakikibaka ng mga Pilipino. Sa kabilang banda, hindi dapat isinisiksik ang pag-aaral ng kasaysayan dahil nangangailangan ito ng sapat na oras at masusing pagtalakay ng mga pagbabagong panlipunan na siyang batayan ng ating pambansang kamalayan, identidad at kritikal na pakikibahagi sa lipunan.

Dagdag dito, ang pagtanggal ng Ethics at paglimita nito bilang integrasyon sa anim na natitirang GE siubjects, imbes na maging malaya at nag-iisang asignatura, ay nagbabawas sa lalim ng pagtalakay sa mga prinsipyong moral at etikal. Mahalaga ang Ethics bilang hiwalay na asignatura sapagkat dito nahuhubog ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsuri ng tama at mali, magpasya nang may pananagutan, at umunawa sa mga komplikadong usaping panlipunan. Kung itoโ€™y isasama lamang sa ibang kurso, nawawala ang sapat na espasyo para sa kritikal na pagninilay at diskurso na mahalaga sa paghubog ng makatao at mapanagutang mamamayan. Gayundin, ang pagtanggal ng Understanding the Self bilang hiwalay na asignatura ay may malaking epekto sa sikopanlipunan sapagkat nababawasan ang pagkakataon ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kamalayan sa sarili, emosyon, at pagkakakilanlan.

Binabawasan ng repormang ito ang holistikong kaunlaran ng mga mag-aaral na mahalaga sa paglinang ng kanilang kritikal na pag-iisip at akademikong pagganap. Sa ganitong kalagayan, maaaring humantong ito sa pagtingin sa mga mag-aaral bilang mga indibidwal na nakatuon lamang sa paggawa at pagsunod, sa halip na mga taong may kakayahang mag-isip nang malaya at kritikal. Ito ay salungat sa layunin ng maginhawa at makabayang edukasyon na dapat ay naglalayong linangin ang kanilang intelektwal na kalayaan at aktibong pakikilahok sa lipunan.

Kung ang etika at moralidad ay ituturo lamang sa pamamagitan ng datos at estadistika, makabubuo tayo ng mga mamamayang maaaring mahusay sa teknikal na pagsusuri at paghawak ng impormasyon, ngunit kulang sa malalim na pag-unawa sa pananagutan at moral na tungkulin sa lipunan. Sa ganitong kalagayan, nagiging mekanikal ang paghubog ng pagpapasya at nakasandig lamang sa datos sa halip na sa pagpapahalagang naka-ugat sa katarungan at pakikipagkapwa. Lalo naโ€™t naging marupok din ang pundasyon ng mga mag-aaral sa estadistika dahil sa pagtanggal ng asignaturang Statistics and Probability sa Senior High School, na bunsod din ng walang sawang pagrerebisa ng kurikulum bilang pagtugon sa lumalalang krisis sa edukasyon. Ang tunay na reporma ay dapat patuloy na iginigiit ang tunay na layunin ng GE, na ang edukasyon ay hindi lamang sa pagpapahubog ng kasanayang teknikal, kundi nakasandig din sa malalim na kamalayan sa mga umiiral na realidad sa kasalukuyang istruktura ng ating lipunan.

Hindi maikakaila na ang repormang ito ay pahiwatig ng lalong pagkomersiyalisa ng sistema ng edukasyon. Sa ganitong pananaw, ang mga kabataan ay tila tinatanaw bilang mga kalakal na maaaring hubugin ayon sa pangangailangan ng mga korporasyon at interes ng mga burukrata-kapitalista. Sa kalaunan, nagiging banta ito sa paghubog ng mga indibidwal na may malayang pag-iisip at maaaring humantong sa pagiging mga manggagawang sunud-sunuran at nakatuon lamang sa tungkuling kapaki-pakinabang sa produksyon.

Nananawagan ang FBeSS Executive Committee na ibasura ang repormang ito at magsagawa ng malawak at tunay na konsultasyon ang CHED sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, mga eksperto, at mga propesor upang matiyak na ang kurikulum ay hindi dinidikta lamang mula sa itaas kundi nakaugat sa aktwal na pangangailangan ng akademya at lipunan. Bilang mga magiging g**o ng bayan, pinaninindigan ng samahan na sa ganitong mga uri ng komersiyalisadong reporma, lumalabnaw ang pagtalakay sa kasaysayan, etika, sikolohiyang pilipino at araling panlipunan, na nagreresulta sa mas limitadong paghubog ng kritikal na kamalayan ng mga mag-aaral.

Ang paulit-ulit na pagbabago ng kurikulum ay hindi matutugunan ang tunay na ugat ng krisis sa edukasyon sa bansa. Taasan ang pondo sa edukasyon, dagdagan ang sahod ng mga kaguruan, at bigyang pansin ang pasilidad ng mga paaralan.




Mga organisasyong nakiisa sa pahayag:
PNU Social Science Club
PNU Samahan ng mga Tagapagtaguyod ng Edukasyon sa Pagpapakatao (PNU STEP)
PNU Psychology and Counseling Society
Kabataang Pangarap ni Rizal - PNU Chapter
PNU Kabataang Urduja
PNU Geografika
PNU UNESCO Club
Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan - PNU
PNU Philosophical Society

BSSE IV-9 Katipunine
BSSE IV-10 Sampulitikal
BSSE IV- 8 Soceighty
BSEVE II-21 Lum21na
BVE III-12 Dozen Light
BVE IV-11 Pi11ars
BSSE III-10 Sampulo
BSESS 1-20 Salin Dua
BSSE III-9 DagSiyam
BSESS II-2 Dos Unidos
BSMA IV-13 Tredepsych
BSMA III-13 Parasikolaya
BSMA II-6 6KOLOHIYA
BSESS II-1 1SALAYSAY
BSESS II-3 SocieThree
BSSE III-8 AdvocEIGHTS
BSESS I-19 Sigasig
BSMA I-24 P2YCHOL4CE

24/04/2026

Happy birthday to the ever passionate speaker, Margie! ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐ŸŽ‚

May your year ahead be filled with exciting moments, meaningful conversations, and endless reasons to keep that passion burning bright. ๐ŸŒŸ

09/04/2026

Happy birthday to the one who's quiet but radiates such warmth, Charizz! ๐ŸŒŸโค๏ธ

May your day be filled with joy, love, and endless blessings ahead! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ†

26/03/2026

Happy birthday to our ever supportive mowm na never nagkaroon ng bad eyelash day, Kimberly! โœจ๐Ÿ‘๏ธ๐Ÿ‘๏ธโœจ

May your year ahead be filled with love, laughter, and all the little moments that make you feel appreciated, just like how you make everyone else feel. ๐Ÿฅณ๐Ÿ’–

Photos from Katipu๐—ก๐—œ๐—ก๐—˜'s post 12/03/2026

๐—œ๐—ฉ-๐Ÿต ๐—•๐—ฆ๐—ฆ๐—˜'๐˜€ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐˜„๐—ป. ๐ŸŒŸ

๐——๐—ฒ๐—ฎ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ | ๐—”.๐—ฌ. ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ
๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ (๐—–๐—ง๐——)
Faculty of Behavioral and Social Sciences

Academic excellence is not merely about surviving a term; it is about mastering it. The College of Teacher Development (CTD) proudly recognizes the outstanding performance of its students throughout Terms 1โ€“3 of A.Y. 2024โ€“2025, including those from Bachelor in Social Science Education IV-9.

Securing a spot on the Deanโ€™s List is a feat reserved for those who demonstrate unwavering consistency and intellectual grit. In a program as demanding as Social Science Education, balancing a regular academic load while maintaining a record of integrity is a challenge that few can meet.

Congratulations to all!

21/02/2026

Happy birthday sa nag-iisang "AM" mula sa Caloocan na mahal namin, boss Aluaps Malupit! ๐Ÿ˜œ๐ŸŽ‰

Wishing you more blessings, good health, and continued success in everything you do! ๐ŸŽ‚โœจ

16/02/2026

Happy birthday, Wency! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’ซ

May this year bring you new adventures as you continue to live life to the fullest. ๐Ÿง˜โ€โ™‚๏ธโšก

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila