06/09/2026
๐๐ผ๐ฟ๐๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ๐ธ๐ฎ 2026: ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐๐ -๐ฃ๐ก๐จ ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด.
Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 5, 2026, ang Forum Pangwika: โ๐๐๐ฝ๐ฎ๐๐๐ผ, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฑ, ๐ฎ๐ ๐ง๐๐ป๐ด๐๐ต๐ถ๐ปโ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผโ matapos ilipat sa Alternative Delivery Mode dahil sa masamang panahon at malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Nakasentro ang talakayan sa mga usapin tungkol sa espasyo, balakid, at tunguhin ng wikang Filipino, kabilang ang mga hamong kaugnay ng ๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐ฟ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐บ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฒ๐ป๐ (RGECC) sa edukasyon ng bansa.
Ang talakayan ay pinangunahan ng susing tagapagsalita na si ๐๐ผ๐ธ. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น ๐. ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฒ. Kung saan inilihad niya na hindi sapat ang kaalaman kung walang paninindigan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pag-uugnay ng mga akademikong talakayan sa aktuwal na karanasan at mga kalagayang kinahaharap ng lipunan.
Sinundan naman nito ng Katuwang na Dekano ng Fakulti ng mga Wika at Literatura na si ๐๐ผ๐ธ. ๐๐ผ๐ฒ๐น ๐. ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป. Ang kaniyang punto ay kaugnay ng pangangailangang maghanda at kumilos sa harap ng mga hamon sa Filipino at Panitikan sa ilalim ng RGECC. At sa huli ay nag-iwan siya ng makabuluhang tanong, โ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ? ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐?โ
Matapos ito, sinimulan ni ๐๐ผ๐ธ. ๐ ๐ฎ. ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐ผ๐น๐ถ๐ ang malaman na pagbabahagi ng paksa na tumitingin sa ibaโt ibang lente. Aniya hindi kailangang pag-awayin ang Filipino, English, at mga wikang rehiyonal dahil may kanya-kanyang lakas at gamit ang mga ito. Pinahalagahan din niya ang planadong paggamit ng wika upang mapalawak ang access at mapalalim ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sinundan ito ng pagbabahagi ng Katuwang na Dekano ng Fakulti ng Pangkalahatang Edukasyon at Pangkaranasang Pagkatuto na si ๐๐ผ๐ธ. ๐ฉ๐ผ๐น๐๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐๐ฎ. Ipinaliwanag niya na ang Filipino ay hindi lamang tungkol sa gramatika at kakayahang lingguwistiko. Aniya mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga institusyon upang mapalawak ang espasyo ng Wikang Filipino sa ibaโt ibang larangan.
Huling nagpahayag naman si ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ. ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ . ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐น๐ฎ๐บ na mula sa Fakulti ng Agham, Teknolohiya at Matematika. Binigyang-diin niya ang pagiging praktikal sa paggamit ng Filipino, lalo na sa pagpapaliwanag ng mga konseptong matematikal. Ayon sa kaniya, hindi kailangang isalin ang bawat terminong matematikal; maaaring gamitin ang Filipino upang gawing mas malinaw at madaling maunawaan ang mga komplikadong ideya.
Matapos ang malaman na pagbabahagi ng mga tagapagsalita, nagbahagi ng pahayag ang Pangulo ng ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก, ๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐. ๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐๐ฒ. Dito ay mariin niyang inilatag ang paninindigan ng kapisanan at sinabing naniniwala ito na posible ang repormaโngunit ang repormang iyon ay hindi dapat maging pagbubuwal sa karapatan ng mga mag-aaral na matuto nang malalim at ng mga g**o na magturo nang marangal.
Kaugnay ng pagbabahagi ng mga tagapagsalita, inilunsad din ang ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ก๐จ (GEM-PNU) bilang pagpapalawak ng espasyo at pagkilos sa loob ng pamantasan. Nagkaroon din ng nominasyon para sa mga magiging convenor na magsisilbing mga kinatawan ng ๐๐๐ -๐ฃ๐ก๐จ at tagapagpatuloy ng mga layunin nito.
Naging daan ang ๐๐ผ๐ฟ๐๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ๐ธ๐ฎ upang mapalalim ang pagtalakay sa espasyo, balakid, at tunguhin ng Wikang Filipino sa edukasyon at lipunan. Ipinakita rin ng mga tagapagsalita na ang kinabukasan ng Filipino ay nangangailangan hindi lamang ng kaalaman, kundi ng sama-samang pagkilos, pagsusuri, at paninindigan.
Nagtapos ang Forum sa panawagan na patuloy na ๐ฉ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ง, ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง, at ๐ข๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ang Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng edukasyon, kultura, at paghubog ng makabuluhang kamalayan.