Maki-alam at Makialam Y4JP Series: Anton Altarejos, LFS-UPM
Anong tingin sa pagpasok ng US Military Troops sa West Philippine Sea?
"Kung babalikan natin ang kasaysayan, 'yung US ang perpetrators ng mga human rights crimes... kaya patunay lang ito na 'yung bansang iyan na nagkukunwaring mga allies ay may mga sariling interes na sila lang ang makikinabang."
Ano ang dapat gawin ng mga kabataan?
"Kailangan nating mag-aral, hindi lang ng math, science at english kung hindi pati ng kasaysayan... nararapat rin na 'wag sayangin ng mga kabataan ang kanilang lakas at enthusiasm para ipaglaban ang pagkakaroon ng isang independent foreign policy."
π½π ππ£ πππ«π€πππ©π π€π π
πͺπ¨π©πππ ππ£π πππππ! ππ€π‘πͺπ£π©πππ§ π¬ππ©π πͺπ¨!
Sign up here: https://l1nk.dev/JoinY4JP
Follow us at https://x.com/Y4JP_NCR
May Pag-asa: Cultural and Educational Caravan for Nationalism
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from May Pag-asa: Cultural and Educational Caravan for Nationalism, Education Website, Manila.
May Pag-asa: Cultural and Educational Caravan for Nationalism (MPC) is an enrichment activity composed of a series of cultural workshops, and economic and environmental forums aimed at allowing students to learn and practice genuine love of country.
"Simple lang naman yung kinakailangang gawin ng Tsina, kailangan nitong kilalanin ang walong taon nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration at panghawakan ang pareho nating niratipikang United Nations Convention on the Laws of Seas..."
Pahayag ni Ysa Briones, spokesperson ng Youth for Justice and Peace, tungkol sa pinakabagong pangyayari sa West Philippine Sea kung saan isang mangingisdang Pilipino ang nawawala at imbitasyon para sa gaganaping protesta ng mga kabataan bukas sa ika-8 taong anibersaryo ng desisyon ng UNCLOS.
------
π½π ππ£ πππ«π€πππ©π π€π π
πͺπ¨π©πππ ππ£π πππππ!
ππ€π‘πͺπ£π©πππ§ π¬ππ©π πͺπ¨!
Sign up here: https://l1nk.dev/JoinY4JP
Follow us at https://x.com/Y4JP_NCR
11/07/2024
Maki-alam at Makialam Y4JP Series: Barbara Nicole Dela Cruz, Student Government House Speaker, National Teachers College
Sumama sa mobilizations bukas, July 12 bilang paggunita at paggiit ng ating tagumpay at soberanya sa West Philippine Sea alinsunod sa paborableng desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
π½π ππ£ πππ«π€πππ©π π€π π
πͺπ¨π©πππ ππ£π πππππ! ππ€π‘πͺπ£π©πππ§ π¬ππ©π πͺπ¨!
Sign up here: https://l1nk.dev/JoinY4JP
Follow us at https://x.com/Y4JP_NCR
13/05/2024
ANO ANG IMPERYALISMO AT BAKIT GIYERA ANG HATID NITO? π€
ANO NAMANG MAGAGAWA NATIN TUNGKOL DITO? π§
Upang malaman ang sagot sa iyong mga katanungan, tingnan at basahin ang bagong polyeto ng May Pag-asa: Cultural and Educational Caravan for Nationalism!
Para sa mga interesado sa mga diskusyon patungkol sa imperyalismo at epekto nito sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa, maaari ninyo kaming kontakin dito sa aming page.
Muli, naniniwala tayo na sa sama-samang pagkilos ng mamamayan! βββ
09/11/2023
PAHAYAG TUNGKOL SA GYERANG AGRESYON, OKUPASYON, AT HENOSIDYO NG ZIONISTANG ISRAEL KASAPAKAT ANG ESTADOS UNIDOS SA PALESTINE
Gerang agresyon (pangngalan) β Ang gerang agresyon ay ang pakikipagdigmaan sa isang partikular na lokasyon, grupo, komunidad o estado na ang paraan ay agresibong nakikipagdigmaan nang hindi isinasaalang-alang ang mga sibilyan o kalikasang namamatay dahil dito.
Okupasyon (pangngalan) β Pananakop o pang-ookupa sa isang tiyak na teritoryo.
Henosidyo (pangngalan) β Sistematikong pagpatay sa isang lahi
Zionistang Israel (pangngalan) β Ideolohiya ng Estado ng Israel na naniniwalang kinakailangang makabalik ng mga hudyo at maitatag ang Israel bilang pinangakong lupain ayon sa Bibliya
OPISYAL NA PAHAYAG NG MAY PAG-ASA CULTURAL AND EDUCATIONAL CARAVAN COMMITTEE SA GERANG AGRESYON, OKUPASYON, AT HENOSIDYO NG ZIONISTANG ISRAEL KASAPAKAT ANG ESTADOS UNIDOS SA PALESTINO.
Ang May Pag-Asa Cultural and Educational Caravan (MPC) Committee ay buong kampanyang sumusuporta sa mga Palestino sa kanilang laban para sa pambansang kalayaan. Ang MPC ay binuo sa pagsisikap na pataasin ang kamalayang makabayan ng mamamayang Pilipino sa harap ng dekadang banta at unti-unting pananakop ng mga dayuhang bansa sa ating ekonomya, pulitika at kultura.
Malinaw na hindi magkaiba ang nararanasang walang upat na gyerang inilulunsad ng Zionistang Israel kasapakat ang Estados Unidos sa ginagawang pagsupil ng estado ng Pilipinas sa mga mamamayan sa tabing ng kontra-insurhensyang nangyayari sa bansa. Okupasyon sa mga lupang ninuno at lupa ng magsasaka gayundin ang walang pakundangang pagbebenta ng bahagi ng tabing dagat para sa mga proyektong reklamasyon ang ginagawa ng ating gobyerno para tuluyang mapaalis ang mga katutubong Mangyan, Lumad, Dumagat, mga magsasaka, mangingisda at maralitang lungsod sa kanilang mga lupain at sakupin ng mga negosyong hindi magsisilbi para sa ating pambansang interes.
Sa kasalukuyan, umabot na sa sampung libo ang namatay na mga Palestino. Hindi pa kasama ang bilang mula noong maitatag ang Israel sa lupain ng mga Palestino noong 1948, sa kabila ng ginarantiyang humanitarian truce ng United Nations para sa mga Palestino. Sa Pilipinas, sa isang taon ng ilihitimong rehimen ni Marcos Jr., nakapagtala ng kabuuang 1,582,232 intimidasyon, pananakot at harassment ang mga Pilipino ayon sa datos ng KARAPATAN. Mahigit pitong libong beses na pambobomba sa kanayunan at walong libong indiscriminate firing na tiyak na ang mga sibilyan ang apektado tulad ng nangyayari sa mga Palestino. Lahat ito ay naitala sa patuloy na pag-iral ng Anti-Terror Law at Executive Order 70 na ipinapatupad ng ahensyang National Task Force to End Local and Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Samantala, Estados Unidos ang numero unong sumusuporta sa Zionistang Israel at kumikita sa gerang agresyon na ito bilang pangunahing nagbebenta ng mga kagamitang pandigma. Ang Estados Unidos rin ang nagsusuplay at nagbebenta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga gamit pandahas sa mamamayan upang protektahan ang mga negosyanteng nais kamkamin ang mga lupain ng mga katutubo at magsasaka sa mga remote areas ng bansa.
Mahigpit na nakikiisa ang mga mamamayang Pilipino sa mga Palestino sa parehong pagsisikap natin na labanan ang mga gerang agresyon at okupasyon ng mga dayuhang mananakop sa ating mga bansa. Kaya naman, tulad ng panawagang pagkakaisa, patuloy rin naming dadalhin sa mga paaralan, komunidad, pagawaan at malalawak na palayan ang edukasyong patungkol sa nangyayari sa mga Palestino para sa malawak pang suporta at pagpapakilos para sa internasyonal na pagkakaisa.
09/10/2023
From the river to the sea, Palestine will be free!
The League of Filipino Students - National Capital Region invites you to a Study Circle on the Ongoing Resistance of the Palestinian People tonight at 6 p.m. at the UP Manila Student Center and via Zoom.
For those interested, you may register here:
http://lnkiy.in/OntheOngoingResistanceofthePalestinianPeople
From the river to the sea, Palestine will be free!
The League of Filipino Students - National Capital Region invites you to a Study Circle on the Ongoing Resistance of the Palestinian People tonight at 6 p.m. at the UP Manila Student Center and via Zoom.
For those interested, you may register here:
http://lnkiy.in/OntheOngoingResistanceofthePalestinianPeople
09/10/2023
The League of Filipino Students - National Capital Region stands in solidarity with the Palestinian people in their fight for national liberation!
From Palestine to the Philippines - Stop the US war machine!
From the River to the sea, PALESTINE WILL BE FREE!
09/10/2023
βPag-aralan ang kasaysayan, Mamulat sa lipunan, Gamitin ang sining sa katotohanan, May Pag-Asa sa Paglaban.β
Wassup mga marissa! Nilakbay nila Raf at Yema ang Intramuros para sa ikalawang episode ng FACT, GANERN!βοΈ
Sa napakagandang lugar ng Intramuros, mapapaisip tayo kung ano ba ang naging kultura ng mga taong nanirahan nito. Kaya naman ay tatalakayin ng ating mga marisa ang salitang KULTURA.
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng kultura at paano ito nakakaapekto sa kasaysayan at sa kasalukuyan?π€
Ang kultura ay mga paniniwala, tradisyon, batas, kaugalian at gawi ng isang pangkat. Ang kultura ay ay nakakaapekto sa kasaysayan at sa kasalukuyan. Gaya na lamang ng rehimen ni Marcos Sr. at ng kanyang anak na ni Marcos Jr. na kasalukuyang Presidente ng bansa. Ang kasaysayan ng pagnanakaw at paghihirap noong panahon ni Marcos Sr. sa sambayanan ay siyang binubura at pinagtatakpan ng kasinungalingan ni Marcos Jr.
Maaaring mapanood sa video ang kabuuang detalye tungkol sa Kultura.
Ang kultura ay hindi lang mababaw na salita na nagpapakita ng gawi ng isang grupo. Sa patuloy ng pag-aaral ng ating kultura y makikita natin ang yaman at masalimuot na kasaysayan. Ito ay magiging tuloy sa pag-unawa sa pagkakakilanlan ng ating sarili at ng ating bansa.
Huwag natin kapaguran ang pag-aaral ng kasaysayan at alamin ang katotohanan dahil MAY PAG-ASA sa paglaban. β
29/09/2023
On this Day,
Ika-24 ng Setyembreβ¦
Taong 1993, Setyembre 24 ng si dating first lady Imelda Marcos ay napatunayang may sala sa usaping korapsyon. Dalawang kaso ng korapsyon ang pinatong sa kaniya at maaaring makulong mula 9 hanggang 12 taon sa bilangguan.
Kinasuhan siya sa salang paglabag sa tungkuling bayan, paglustay at pagnanakaw ng kabang bayan sa ilalim ng rehimen ng kanyang pumanaw na asawa na si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Karamihan sa asset ng mga Marcos ay nasa Switzerland. Ayon sa Swiss Federal Tribunal noong 1990, napagpasiyahan na ibabalik sa pamahalaan ng Maynila ang $350 million kung ang korte ng Pilipinas ay hahatulan si Imelda Marcos sa patas na paglilitis.
Sa ngayon ay malaya pa rin si Imelda Marcos. Ang ganitong kaso ay nagpapakita na kapag may kapangyarihan ka ay makakalusot ka. Dapat walang nakakataas sa batas kahit ikaw ay isang mataas na opisyal o kilalang personalidad.
Isa rin itong paalala sa mga Pilipino na ang mga opisyal sa gobyerno maging sa mga lungsod ay dapat magsilbi sa tao at sa interes ng bayan at hindi sa pangungurakot at pagnanakaw ng kaban ng bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Manila