MLQ SHS Barkada Kontra Droga

MLQ SHS Barkada Kontra Droga

Share

This organization helps to prevent abusing drugs.

Photos from Manuel Luis Quezon Senior High School's post 21/10/2022
21/10/2022

Grammar? Drug addiction ? Anong konek?? "

Batay sa isang artikulo mula sa The American Journal of Psychiatry, ipinaliwanag ng mga mananaliksik na ang adiksyon ay kumakatawan sa isang pathological na pagkuha ng mga neural na mekanismo na responsable para sa pag-aaral at memorya.

Dahil sa ilegal na droga na tumatagal sa sistema ng iyong utak para sa pag-aaral at memorya, ang talamak na pagkalulong dito,ay maaaring humantong sa pangmatagalang pagbabago sa daloy ng isip na pinagbabatayan ng karaniwang proseso sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo at mga estudyante sa high school ang pinaka apektado rito,dahil ang ating utak ay hindi natatapos sa pag-unlad, hanggang sa edad na 25.

Batay sa pag-aaral, ang mga kabataang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, ay karaniwang mahina ang akademikong pagganap.Marami sa mga ito ay palaging lumiliban sa klase, may mababang marka, at wala sa sarili.

Ang mga mag-aaral na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,ay maaaring makaranas ng pagbaba sa kanyang IQ level na maaaring magdulot nang pagbagal sa kanyang kakayahang matuto. Ang pagkagumon ay nakakagambala at nakakaapekto rin sa kakayahan ng isang tao upang magpokus.

Iginuhit ni John Lloyd Lopez, Gr.12 - ABM

09/10/2022

“There’s not a drug on Earth that can make life meaningful.”
– Sarah Kane

09/10/2022

Pag may problema,kapit agad sa bisyo.Baga ay sunog, mistulang upos na sigarilyo.Walang pinipiling edad, bata man o binatilyo.Umiwas ka na! Iwanan na ang mundong magulo.

Batay sa World Health Organization,tinatayang mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, na nasa edad 7 hanggang 15, ang lulong sa paninigarilyo at sa iba pang mga bisyo.Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa to***co at walang humpay na promosyon nito sa bansa.Nasira ang kanilang buhay gayundin ang kanilang kalusugan.Marami ang huminto sa pag-aaral at naging tambay nalang sa daan.Ibahin mo ang landas mo.Pahalagahan mo ang buhay mo.

Mula sa organisasyon ng Manuel Luis M. Quezon Senior Highschool Barkada Kontra Droga, kami ay nagbibigay paalala.Marami na ang buhay na nasayang.Ilang landas na ang nasira at napunta sa wala.Kaya oras na para kumawala.Umiwas na sa masama.
Kabataan isigaw! Wala ng landas na maliligaw!

Iginuhit ni John Lloyd Lopez

12/09/2022

Keep safe everyone!

JUST IN: Malacañang allows the voluntary wearing of face masks in outdoor settings. | via Argyll Geducos

12/09/2022

Simulan natin ang linggong ito sa pag-alala sa ating mga mahal sa buhay at kaibigang humaharap sa matinding pagsubok.

Kung isa ka sa kanila, ang panalanging ito ay para sa'yo. Hindi ka nag-iisa. May karamay ka. May pag-asa.

Patuloy nating ipanalanging maging magkakatuwang tayong lahat sa pagpapalaganap ng mensahe ng pag-asa sa ating mga paaralan, opisina, at tahanan.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila