21/12/2020
PILIPINAS! Sa kasagsagan ng pandemya ilang mga pangyayari ang sumubok sa mamamayang Pilipino. May mga bagyong nagdala ng kasawian, pagbaha at pagkasira ng ari-arian. Mayroon din naman na mga pangyayaring sumubok sa pagpapakatao ng ilan. Kung ating natatandaan, isa sa mga aralin na ating tinahak noong tayo ay bata pa lamang ang siyang humuhubog sa ating pagpapahalaga at kaasalan. Ngunit, sa panahon ngayon, ito ay sinubok kung papaano maipapakita ng isang taong alagad ng batas.
Ika-20 ng Disyembre, 5:10 nang hapon sa Barangay Cabayaoasan in Paniqui, Tarlac ay winakasan ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46 taong gulang ang mag-inang nagngangalang Sonya at Frank Anthony Gregorio, 56 taong gulang at 25 taong gulang. Ang alitan ay sinabing nagmula sa ingay ng Boga, ito ay gawa sa PVC pipe o kaya ay sa kawayan. Ang komprontasyon ay di lamang naganap sa araw na iyon bagkus ay may naganap na rin na alitan noon pa man dahil sa right of way. Ito ay naayos na sa barangay ngunit may sumibol na di pagkakaunawaan dahil naman sa ingay ng boga. Ang pangyayaring ito ay tumagal nang mahigit sampung minuto, yakap yakap ni Ginang Gregorio ang anak upang di mahila ng nasabing pulis. Hindi paawat ang magkabilang Partido, siya rin namang makikita ang pagsali ng anak ng kriminal na kalaunang nagmitsa ng pagbunot at pagbaril ng pulis sa mag-ina.
Umani ng batikos sa Internet ang di kaaya-ayang paguugali ng bata na ang pangalan ay Elisha Nuezca. Bago patayin ng pulis ang mag-ina ay may binanggit ang batang ito patungkol sa dalawa, “My Father is a Police Man!” Lingid sa kaalaman ng bata ang bigat ng iniwan niyang mga salita. Dahil dito makikita natin ang ilan sa mga Hashtags mula sa Twitter App, gaya ng at MY FATHER IS A POLICEMAN. Ang pagbibitaw ng linyang ito ay nagbigay ng pasilip sa kung paanong pamamaraan pinalaki ng pulis ang kanyang anak. Malaki ang gampanin ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, na nabibigyan sila nang maayos na paggabay at patnubay sa paglaki.
Kabahagi ng Extra Service Ph, nanawagan kami sa pagkilala sa ilang karumal dumal na krimen ng kapulisan na magkaron ng malawakang reporma sa ikabubuti ng kapulisan. Para na rin sa ikapapayapa ng mag-inang si Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
21/12/2020
Support our advocacy by:
1. liking and following our page,
2. using this frame and this caption:
We call the world to heed on the rampant exploitation of women, men and children through prostitution. It is the duty of everybody — it is an effort that needs to be carried and joined by many — to create a society that fosters social justice.
I am (name) from (school or organization) and I am with the Extra Service PH in calling to end the commodification of body.
20/12/2020
MALAKING POPULASYON! Ang patuloy na pag-igting ng kahirapan sa Pilipinas at kapabayaan ng pagpapatupad sa batas ang isa sa dahilan kung bakit dumarami ang kababaihan at kabataan na naaabuso ng prostitusyon at human trafficking.
Ang dalawang lugar na nabanggit ay ilan lamang sa lugar na ang mga negosyante at siyang nagmamay ari ng bar ang tumatamasa ng benepisyo mula sa mga kababaihan na naaabuso sa sekswal na pamamaraan. Mahigit 500,000 na s*x workers amg matatagpuan sa Pilipinas, 3000 dito ay makikita sa Baguio, isa sa dinarayo ng mga turista sa Pilipinas. Ayon kay Tex, isang Baguio-based rights advocate at miyembro ng Philippine S*x Worker Collective, “ Ang dahilan kung bakit patuloy pa rin nagaganap ang pang-aabuso ay dahil sa hindi ito ganong binibigyang pansin ng pamahalaan.” (Dumlao, 2013)
Upang mabawasan ang stigma sa mga s*x workers, isang NGO, bilang bahagi ng kanilang kampanya, ang W***E (Women Hookers Organizing For Their Rights and Empowerment), na siyang nakipag-usap sa ilang s*x workers sa Baguio upang ipromote ang kanilang karapatan.
Bukod sa Baguio, ang Angeles City, Pampanga, ay isa sa mga US Military base ay nagmistulang hotspot para sa mga dayuhan na naghahanap ng makakatalik. Ang aksyon ng pamahalaan ay hindi sapat para sa pagpuksa sa problemang ito. Bilang karagdagan, nagbitaw ng pahayag ang pangulo na nagsasabing, “They are all on the beach, sunbathing.” Binanggit niya ito noong State of the Nation address niya noong Hulyo na nagsilbing paanyaya sa mga taong may masamang hangarin sa kababaihan at kabataan.
Ang bilang ng mga kababaihan at kabataan sa Angeles, Pampanga na siyang ginagamit sa s*x work ay umabot ng 9000, sila ay nirehistro bilang mga entertainers upang maiwasan ang restriksyon ng batas. Higit na 100 kabataan kada taon ang dumaragdag sa bilang ng mga s*x worker dito para mapunan ang pangangailangan ng mga dayuhan. (Redfern, 2020)
Dahil sa pagsasawalang bahala ng pamahalaan sa isyung ito ay naapektuhan ang kaligtasan ng kababaihan at kabataan. Ito ay panawagan sa mga awtoridad upang paghusayin ang pagpapatupad ng batas para maging ligtas ang kababaihan at kabataan.
Masasabi ba natin na ligtas ang Pilipinas para sa kababaihan at kabataan?
04/12/2020
Sa panahon ng pandemya hindi lamang mga ordinaryong serbisyo ang napunta online dahil sa lockdown at pangangailan ng physical distancing. Mula nang magsimula ang lockdown sa Pilipinas at sa buong mundo, napunta na rin ang pagbebenta ng katawan sa mga online platforms.
Mula twitter hanggang sa iba't ibang live streaming sites tulad ng Chaturbate at OnlyFans, sandamakmak na mga apektado ng lockdown ang tumuloy upang magbenta ng kanilang mga hubad na larawan at mahahalay na video para sa mga lokal at dayuhang parokyano.
Ipinakikita ng mga estadistika na tumaas lalo ang bilang ng mga taong nagnais/napilitan pumasok sa pagbebenta ng katawan online. Masaklap ay maging mga menor de edad ay nasasabak sa gawaing ito.
02/12/2020
Bangon Luzon 4.0
A Relief Operation for the victim of recent typhoon in Albay, Cagayan and Dingalan, Aurora.
We would like to thank all our UNESCO Clubs nationwide, UNESCO Clubs from other countries, partner institutions and individual donors. As of today, December 2, 2020 the total collected in-cash donation is 500,000.00.
We are still accepting in-cash donation via GCASH number - 09479824155
For in-kind donation (no used clothes please), you can bring it at Eurotel Hotel North Edsa on December 9-10, 2020 from 10:00 am to 3:00 pm. We are at the second floor function room for the repacking of relief goods. These relief goods will go to Dingalan, Aurora.
Our UNESCO Clubs spearheaded by St. Paul University PVCD in Cagayan is now repacking the relief goods to be distributed in the most affected areas brought about by the floods.
30/11/2020
ARAW NI BONIFACIO! | Kasama ang parehong mga prinsipyo ng pagpapahalaga sa karangalan, kalinisan at kaginhawaan, nakikiisa ang Extra Service PH sa pag-gunita sa kapanganakan ng Pangulo ng Katipunan — G*t Andres Bonifacio!
25/11/2020
SI DEXTER, 'DI NIYA TUNAY NA PANGALAN | Ang mundo ng alter o alternative accounts lalong lalo na sa twitter ang isa sa naging paraan ng pagsabay ng prostitution sa inobasyong handog ng teknolohiya. Mula sa mga casa, sa cabaret, sa beerhouse, sa kalye ngayon ay nasa social media na rin ang pag-aalok ng katawan at serbisyong sekswal. Minsan katuwaan pero madalas pinagkakakitaan ang pakikitalik sa mga bagong kakilala sa social media gamit ang alter accounts.
Bilang talima sa aming layunin na galugarin at malalimang siyasatin ang daigdig ng prostitution, kinapanayam namin si Dexter, di niya tunay na pangalan, na aminadong gumagamit ng alter account para maghatid ng serbisyong sekswal kapalit ng ilang materyal na benipisyo mula sa ibang tao. Alamin natin ang kwento, opinyon, at saloobin ng taong naniniwalang maaaring gawing komoditi maging ang sariling katawan.
.
______________________________________________________________________
Support our campaign by liking our page! :)