08/05/2026
Paninindigan ng Samahan ng mga Mag-aaral Gradwado sa Pagtuturo ng Filipino Laban sa Reduksyon ng General Education at Pagpapahina sa Humanidades at Pambansang Edukasyon
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ng mga mambabatas, sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED) na bawasan ang espasyo ng mga asignaturang humuhubog sa kamalayang panlipunan at pambansang identidad sa antas tersiyarya. Noong 2013, inilabas ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20 na nagtanggal sa Filipino, Panitikan, at Konstitusyon bilang mga mandatoryong asignatura sa General Education (GE). Bagamaโt pinagtibay ng Korte Suprema noong 2018 ang konstitusyonalidad nito, sinalubong ito ng malawakang pagtutol mula sa akademya at ibaโt ibang sektor. Gayunman, ang kasaysayang ito ay hindi lamang tungkol sa isang polisiya, kundi patunay ng paulit-ulit na tensyon sa pagitan ng edukasyong nakaugat sa pambansang identidad at edukasyong nakatuon sa pandaigdigang kompetisyon.
Sa kasalukuyan, ang panukala ng CHED na bawasan ang GE mula 36 tungo sa 18 yunit ay radikal na reporma na nakatuon sa restrukturisasyon ng layunin ng edukasyon. Sa ilalim ng lohikang ito, ang mga asignaturang kabilang sa humanidadesโFilipino, Panitikan, Pilosopiya, Kasaysayan, Etika, at Siningโay itinuturing na โredundantโ o maaari nang ipaloob sa pinagsama-samang kurso. Ang ganitong pananaw ay nagpapakita ng isang makitid na pag-unawa sa edukasyon bilang paghahanda lamang sa agarang pangangailangan ng merkado, sa halip na isang proseso ng paghubog ng kritikal, etikal, makatao, at makabayang mamamayan.
Ang pagbibigay-priyoridad sa agham, teknolohiya, at โglobal skillsโ ay kinakailangan din. Subalit nagiging mapanganib ito kapag isinasagawa sa kapinsalaan ng mga disiplina na nagbibigay saysay, direksyon, at etikal na gabay sa paggamit ng kaalamang teknikal. Ang agham na walang pilosopiya ay nagiging instrumento lamang; ang teknolohiya na walang etika ay maaaring magpalalim ng hindi pagkakapantay-pantay; at ang edukasyong walang kasaysayan ay madaling mawalan ng kritikal na kamalayan. Sa ganitong konteksto, ang reduksyon ng GE ay hindi lamang pagliit ng bilang ng yunit kundi pagnipis ng intelektwal at moral na pundasyon ng mga mag-aaral. Bagamaโt pilit na ipinapadron ang sistema sa edukasyon ng mga kanluraning bansa, taliwas at iba naman ang tunay ng katayuang panlipunan ng Pilipinas.
Kasabay nito, malinaw ang impluwensya ng neoliberal na balangkas kung saan ang edukasyon ay nakikita bilang mekanismo ng produksyon ng lakas-paggawa para sa pandaigdigang merkado. Sa ganitong pananaw, ang tagumpay ng edukasyon ay nasusukat sa bilis ng pagpasok sa trabahoโlalo na sa ibang bansaโimbes na sa kakayahang mag-ambag sa pambansang kaunlaran. Ang ganitong oryentasyon ay lalo lamang nagpapalalim sa problema ng brain drain, kung saan ang mga Pilipinong propesyonal ay hinuhubog para sa dayuhang ekonomiya kaysa sa sariling bansa. Sa kalaunan, nagreresulta ito sa isang sistemikong pagdepende sa labor export at sa patuloy na pag-asa sa banyagang teknolohiya, paghihiwalay ng magpapamilya at kaalaman.
Sa hinaharap, ang ganitong direksyon ay maaaring magbunga ng isang henerasyon ng mga gradwadong mataas ang teknikal na kasanayan ngunit kulang sa kakayahang magtanong, magsuri, at magpasya batay sa kontekstong Pilipino. Maaaring maging bihasa sila sa paggamit ng teknolohiya, ngunit hindi kritikal sa implikasyon nito; sanay sa global na pamantayan, ngunit hiwalay sa lokal na realidad; produktibo sa merkado, ngunit walang matibay na kamalayang panlipunan. Sa ganitong kalagayan, ang edukasyon ay nagiging instrumento ng adaptasyon, hindi ng transformasyon.
Higit pa rito, ang labis na pag-asa sa teknolohiya bilang sentro ng kurikulum ay nagbabadya ng isang edukasyong umaasa sa external na sistemaโmga platform, software, at kaalamang hindi naman lokal na nalilikha. Kung walang matibay na pundasyon sa humanidades at pilosopiya, ang paggamit ng teknolohiya ay nagiging mekanikal at walang kritikal na direksyon. Ang panganib nito ay ang unti-unting pagkawala ng kakayahan ng bansa na lumikha ng sariling kaalaman, diskurso, at inobasyon na nakaangkla sa sariling karanasan.
Dahil dito, ang pagtatanggol sa Filipino, Panitikan, Pilosopiya, Kasaysayan, Etika, at iba pang larangan ng humanidades ay hindi lamang usapin ng kurikulum kundi ng pambansang soberanya sa larangan ng kaalaman. Ang mga disiplinang ito ang nagsisilbing balangkas ng pag-unawa, paghatol, at pagpapahalaga sa mga kakayahang hindi mapapalitan ng anumang teknikal na kasanayan.
Mariing iginigiit na ang General Education ay dapat manatiling malawak, interdisiplinaryo, at nakaugat sa parehong humanidades at agham. Ang anumang reporma ay hindi dapat magresulta sa pagbura o paglusaw ng mga asignaturang kritikal sa paghubog ng tao bilang mamamayan, hindi lamang bilang manggagawa. Ang Filipino at Panitikan, kasama ang Pilosopiya, Kasaysayan, Etika, at Sining, ay dapat manatiling magkakahiwalay na asignatura na may sapat na lalim at kredito.
Sa huli, ang tanong ay hindi lamang kung ilang yunit ang dapat sa GE, kundi kung anong uri ng tao at lipunan ang nais nating buuin. Ang edukasyong nakatuon lamang sa agham at merkado ay maaaring lumikha ng mahusay na manggagawa, ngunit hindi nito matitiyak ang paghubog ng mapanuri, makatarungan, at makabayang mamamayan. Kung ipagpapatuloy ang ganitong direksyon, ang kinabukasan ng edukasyong Pilipino ay hindi lamang magiging teknokratikoโito ay maaaring maging hiwalay sa sariling bayan.
Hindi lamang kami tumatayo bilang organisasyong ng mga mag-aaral sa Gradwado ngunit tumatayo kami bilang mga g**o na ipinaglalaban ang karapatan ng aming mga mag-aaral sa kolehiyo at ang karapatan naming mga g**ong tagapagsulong ng wika, kultura, at makabayang lipunan. Kami ay naninindigan na ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat sa dami ng empleyadong naipapadala sa ibang bansa, kundi sa kakayahan ng edukasyon na maglinang ng mga mamamayang may malalim na pag-unawa sa sarili, sa lipunan, sa bansa at sa mundo. Ang humanidades ay hindi sagabal sa progreso, bagkus ito ang nagbibigay ng saysay at direksyon. Hindi namin pahihintulutan ang edukasyong Pilipino na maging instrumento ng pagkalimot sa sarili at tuluyang pag-asa sa iba.