02/12/2023
Sirinadya Event Productions
Adamson University Events Class 2023-2024
02/12/2023
27/11/2023
𝐇𝐞𝐥𝐥𝐨 𝐊𝐥𝐚𝐬𝐦𝐞𝐲𝐭𝐬! 👋🏻
It's the time of the year to discover the delight in giving! 🎁✨ Come be part of our initiative by gathering donations to share happiness. It's not just about the gift you offer, but the difference it will bring.
𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐟𝐨𝐫 𝐠𝐫𝐚𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐥𝐲 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐮𝐫 𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞! With your support, we're bringing joy to others. 😊🩵
20/10/2023
Klasmeyt, kumusta? 😁✨
Nawa'y naiwan namin sa inyo ang mga hindi malilimutan at masayang ala-ala pagkatapos ng ating event na ginanap noong ika-13 ng Oktubre. 🍃🍂
Ngunit gayon pa man, nais pa rin naming malaman ang inyong mga opinyon ukol sa dinaluhang General Assembly. 🫶🏻🤩
Hinihiling namin sa inyo na sagutan ang aming survey sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa litrato o i-click lamang itong link: https://tinyurl.com/PigingAtAdhika
Maraming salamat! ✨🌠
16/10/2023
Tuklasin ang mga masasayang pangyayari na sabay-sabay nating pinagsaluhan noong General Assembly. ✨🤎
𝗣𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗔𝗱𝗵𝗶𝗸𝗮: 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝘁𝗮𝗻𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻 🌠
16/10/2023
16/10/2023
Klasmeyt, Inilunsad na! ✨🌟
Tingnan ninyo ang inyong mga sarili na nakangiti at masaya kasama ang paborito ninyong barkada! 👀🌃
14/10/2023
Isang masigla at magandang gabi ✨⭐️
Nais naming magpasalamat sa inyo, klasmeyts, sa aming mga sponsors, at sa iba pang mga taong tumulong para maisakatuparan ang programang ito! Ngunit ang lubos at labis naming pasasalamat ay para kay Sir Rhenz Haldos, ang aming propesor na tunay na nag-akma at hindi kami iniwan sa kahit anong suliranin na aming pinagdaanan. 🙌🏻🫡
Maraming salamat po sa tulong, payo, pagod, at pasensya na inyong inilaan para sa aming lahat! Ang HM402 ay labis na nagagalak sa inyo sapagkat ikaw ang naging aming g**o. Nawa'y makapagpasibol ka pa ng maraming mag-aaral na tulad namin! ☀️💕
Taos pusong pasasalamat, Sir Rhenz! 🤎
13/10/2023
Magandang araw!!🤩
Nais naming ipaalam sa inyo ang magiging takbo ng programa ng ating General Assembly. Dito, makikita ang oras ng simula ng programa at ang oras ng tapos nito.
Pinapabatid din namin sa inyo na ang mga tao na darating nang maaga sa ating venue ay may matatanggap na gantimpala o premyo! Kaya 'wag nang papahuli!
Paalala, inaabisuhan ang lahat na maging strikto sa oras ng pagtitipon. Maaring dumating at magpresinta ng mas maaga kesa sa oras ng paninimula ng registration o pagpapalista. Maraming salamat!
13/10/2023
Pagpupugay! ✊🏻
Nais naming ipakilala sa inyo ang mga indibidwal na nag-ambag ng malaking bahagi para maging matagumpay ang ating inaabangan na kaganapan! Ito ay kinabibilangan ng ating Event Manager, Co-event Manager, Secretariat, Sponsorship at Administration na naglaro ng napakahalagang papel sa gaganaping pagpupulong. Sila ang nagtaguyod at nagtrabaho ng maayos upang tiyakin ang kaganapan ng lahat ng aspeto ng ating pagtitipon! 🫶🏻✨
13/10/2023
Tuklasin natin ang mga indibidwal sa likod ng pampublikong ugnayan! 📣
Ang grupo ng Promosyon ang nangasiwa sa pag-iimbita, pagsusulong, at paghahanap ng mga dadalo sa ating kaganapan, habang ang grupo ng Lumilikha ay nagtatrabaho sa pagbuo ng mga layout, Pag-eedit ng Video, at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon na ipinopost sa ating pahina! ✨🫶🏻
13/10/2023
Magandang Umaga! ☀️
Ipinapakilala namin sa inyo ang aming finance team na siyang namahala at nangasiwa ng pondo para sa General Assembly. Sila ang nagbuo ng budget at nagtiyak na lahat ng nakolektang pera mula sa mga kalahok at sponsor ay naipamahagi nang wasto. ✨🫶🏻
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
900 San Marcelino Street Ermita
Manila
1000