Sulo

Sulo

Share

Layunin ng Sulô na isulong ang karapatan sa de-kalidad at ligtas na edukasyon kaakibat ng epektibon

17/12/2020

Sulo Vlogs 5: Ang Sikreto ng Ligtas na Balik Eskwela

Alam naman natin kung gaano karami ang isyu na hinaharap ng bawat mamamayan ngayong nagka-pandemya. Kabilang na rito ang pagdarami ng mga tumigil muna sa pag-aaral dahil sa kahirapan.

Sa ikahuling bahagi ng rebyu ng mga miyembro ng Sulô sa aklat ni Rhonda Byrne na The Secret, ating sinsinin kung epektibo nga ba ang sinasabing Law of Attraction bilang solusyon sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

Ano nga ba ang tunay na sikreto sa pagkamit ng ?

16/12/2020

Noong Lunes, Disyembre 14 , inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng face-to-face discussion sa mga paaralan na nasa mga lugar na mababa ang posibilidad na hawaan ng COVID-19.

Ito ay inalmahan ng ilang mga grupo lalo na sa sektor ng edukasyon, dahil ayon sa kanila, ito ay maaaring maging dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ngunit iginiit ng Kalihim ng Edukasyon na si Leonor Briones na ayon sa mga pag-aaral, mas malaki ang posibilidad na mahawaan ng COVID-19 sa loob ng tahanan kaysa sa mga paaralan.

Sang-ayon ba kayo sa naging pahayag ng DepEd? Dapat na nga bang ibalik ang face to face discussion sa mga lugar na low-risk sa COVID-19? Ibahagi ang inyong opinyon sa comment section ng post na ito.


10/12/2020

: Isang anyo ng pagkilala sa karapatan sa edukasyon

Tuwing ika-10 ng Disyembre bawat taon, ay ipinagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Pantao. Ito ay isang espesyal na araw upang ipaalala sa lahat ang kahalagahan ng ating mga karapatan na ating ipinaglaban sa harap ng mga inhustiya, at hindi pagkakapantay-pantay sa loob ng mahabang panahon. Ngayong taon, ang tema ay “Recover Better – Stand Up for Human Rights” na nangangahulugan ng pagbangon mula sa kasalukuyang pandaigdigang suliranin na dulot ng pandemya, at kaalinsabay nito ay ang pagtindig para sa karapatan ng bawat isa para sa isang pantay, nagkakaisa, at makataong mundo.

Ang edukasyon ay isa sa mga batayang karapatan ng bawat Pilipino, at isang mahalagang serbisyong panlipunan na dapat ay natatamasa ng bawat mamamayan. Sa pagpapatupad ng distance learning sa taong pampaaralan 2020-2021, hindi iilan ang mg a suliraning kinaharap ng sektor. Nariyan ang hindi pa naipamimigay na modyul, mabagal na koneksyon sa internet at pahirapan sa paghahatid ng modyul sa mga mag-aaral.

Bukod pa riyan, hindi pa rin natutugunan ang panawagan ng sapat at nakabubuhay na sahod para sa mga g**o at mga non-teaching staff. Nariyan din ang tumataas na bilang ng mga hindi nakakapag-enroll dahil sa kulang na mga kagamitan para sa online class. Bukod pa sa mga ito, marami pa ring kakulangan sa mga kagamitan na angkop sa pagsasagawa ng distance learning gaya ng laptop, smartphone, at iba pa. At hindi pa rin humihinto ang patuloy na pagsagka sa academic freedom, pati na rin ang hayagang pangre-redtag sa mga estudyanteng kritikal sa kasalukyang administrasyon.

Ang mga problemang umusbong ngayong panahon ng bagong kadawyan o new normal, at ang mga matagal nang problema na hindi pa rin natutugunan ng estado ay repleksyon ng problematikong sitwasyon ng sektor ng edukasyon, na ang pangunahing naaapektuhan ay ang mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan. Ang hindi sapat na pagtugon sa mga problema ng sektor ay isang anyo ng paglabag sa karaatang-pantao ng mga mamamayan.

Ang Sulô ay nakikiisa sa panawagan na tumindig para sa karapatang pantao ng bawat Pilipino na naaapektuhan ng pandemya. Ang grupo ay naniniwala na ang pangunahing adbokasiya nito na ay isang anyo ng pagkilala sa karapatang pantao ng bawat Pilipino, partikular sa karapatan sa de-kalidad, makatao, at ligtas na edukasyon ngayong panahon ng pandemya, pati na rin ang panahon matapos ito.



08/12/2020

Sulo Vlogs 4: Ang The Secret at sa kung paanong maaari itong mapunta sa ideya ng Victim Blaming sa pagtalakay ng mga insidenteng may kaugnay sa problema sa Edukasyon

TRIGGER WARNING: KARAHASAN (VIOLENCE), PAGPAPATIWAKAL (SU***DE)

Sa ika-apat na bahagi ng rebyu ng mga miyembro ng Sulô sa aklat ni Rhonda Byrne na The Secret, binigyan ng kritika ang ideya Law of Attraction at kung paanong maaari itong mapunta sa ideya ng Victim Blaming sa pagtalakay ng mga insidenteng may kaugnay sa problema sa Edukasyon.

Ang pagvi Victim Blame o Ang paninisi sa biktima ay nagaganap kapag ang biktima ng isang krimen o anumang maling kilos ay ang sinisisi dahil sila ay may buo o bahagyang may kasalanan sa pinsalang kanilang sinapit.

Mula sa Rebyu, Sinasabi na kung gagamitin ang Law of Attraction sa pagtalakay ng mga nasabing insidenteng may kaugnay sa problema sa edukasyon, lalo sa mga hindi maka-akses nito dahil sa mga kasalukuyang problemang panlipunan. Ang ideya ng Law of Attraction na tila maaaring mapunta sa ideya ng Victim Blaming o ang paninisi sa biktima ay maaari pang magbunga ng iba pang mga problema.



03/12/2020

OPISYAL NA PAHAYAG NG SULÔ SA PAGPAPATUPAD NG ACADEMIC EASE SA PNU SYSTEM AT PATULOY NA PAGSUSULONG NITO SA BUONG BANSA

MAGANDANG BALITA!

Pagtapos ng ilang linggong panawagan para sa , nakamit din ng mga mag-aaral ng Philippine Normal University ang kanilang isinusulong na adhikaing makatutulong para sa kanilang kapwa mag-aaral at g**o. Patunay na makakamit din ang dekalidad na edukasyon para sa lahat kung sasamahan ito ng kolektibong pagkilos ng mga mag-aaral at kaguruan!

Ayon sa inilabas na memorandum, magkakaroon ng Academic Ease ang Philippine Normal University-Manila mula Disyembre 1 hanggang 19, 2020 kung saan:

1. Lilimitahan lamang ang synchronous classes sa 60 minuto para sa mga regular na klase, 75 minuto para sa mga may 4 na unit ng kurso, at 90 minuto naman sa mga graduate classes.

2. Binanggit din sa memo na magpokus sa self-paced asynchronous activities ang mga g**o at estudyante para sa natitirang oras ng termino. Ibabawas na rin ang mga gawaing nangangailangan ng malaking bandwidth ng internet.

3. Pinahaba rin ang panahon ng pagpapasa ng akademikong gawain para sa mga estudyante hanggang Enero 15, 2021, at ang pag-eencode ng mga grado ng propesor hanggang Pebrero 1-5, 2021.

Gayunpaman, hindi pa nagtatapos ang ating laban! Kailangan hindi lamang ito natatamasa ng ating mga kapwa mag-aaral sa Philippine Normal University-Manila, gayundin dapat sa iba’t-ibang paaralan at unibersidad sa ating bansa, kung saan nakararanas din ng matinding academic workload at hindi makatwirang mga polisiya ngayong may krisis pangkalusugan dulot ng Covid-19. Nararapat na ikonsidera ang kundisyon ng bawat isa, sapagkat ang dekalidad na edukasyon at kaligtasan nararapat ipagkaloob sa bawat mag-aaral at g**o hindi lamang para sa iilan!

Bukod dito, nangangailangan pa rin ang ilang mga estudyante at kaguruan ng mga sapat na tulong pinansyal lalo na sa mga kinakailangang kagamitan upang makilahok sa remote learning bilang moda ng pagkatuto ngayong may pandemya. Kung kaya’t, patuloy pa ring itinatambol ng Sulo ang panawagang at gayundin ang para sa lahat ng paaralan at unibersidad sa buong bansa.

Tara na’t makiisa sa Sulô, hindi pa tapos ang ating laban! Hanggang sa tagumpay!





Photos from Sulo's post 02/12/2020

From Dr. Serafin Arviola of Philippine Normal University-Manila:

Bangon Luzon 4.0
A Relief Operation for the victim of recent typhoon in Albay, Cagayan and Dingalan, Aurora.
We would like to thank all our UNESCO Clubs nationwide, UNESCO Clubs from other countries, partner institutions and individual donors. As of today, December 2, 2020 the total collected in-cash donation is 500,000.00.

We are still accepting in-cash donation via

Landbank
Account Name: NCBUCP INC
Account Number: 1981-1777-69
Branch: LDP-YMCA Branch
Address: 350 A. Villegas St. (formerly Arroceros), Ermita, Manila
Swift Code: TLBPPHMMXX

GCASH number - 09479824155

(Please Send your GCASH transaction and Land Bank deposit slip at [email protected])

For in-kind donation (no used clothes will be allowed), you can bring it at Eurotel Hotel North Edsa on December 9-10, 2020 from 10:00 am to 3:00 pm. We are at the second floor function room for the repacking of relief goods. These relief goods will go to Dingalan, Aurora.

Our UNESCO Clubs spearheaded by St. Paul University PVCD in Cagayan is now repacking the relief goods to be distributed in the most affected areas brought about by the floods.

29/11/2020

Sulo Vlogs 3: Bakit Hindi Sagot ang Law of Attraction sa Panawagang

Sa ikatlong pagsipat ng Sulo sa Law of Attraction na para kay Rhonda Byrne, sa kanyang aklat na The Secret (2006) ay ang sikreto upang makuha ang lahat ng bagay, nagbigay ng mga punto patungkol sa ideyang ito ang isa sa mga miyembro ng Sulo.

Tunghayan ang mga dahilan kung bakit hindi nakikita ang mga ideyang ipinunto ni Byrne bilang sagot sa kasalukuyang problema ng ating lipunan, partikular sa sektro ng edukasyon.



27/11/2020

TRIGGER WARNING: KARAHASAN (VIOLENCE), PAGPAPATIWAKAL (SU***DE)

Kamakailan, Nobyembre 21 ay naiulat ang kaso ng pagpatay at posibleng kaso ng panggagahasa kay Vee Anne Banico, isang Grade 7 na mag-aaral sa San Narciso, Quezon. Ayon sa ulat, ang nasabing mag-aaral ay lumabas ng kanilang bahay upang makasagap ng maayos na signal para makausap ang kanyang g**o ukol sa module sa paaralan. Natagpuan sa masukal na lugar sa Barangay Punta ang bangkay ni Banico na walang buhay at wala ring saplot, at tadtad ng saksak.

Noong Nobyembre 22 naman ay naiulat ang kaso ng pagpapatiwakal ng isang Grade 12 na si Christian Dave Mendoza, mag-aaral ng Our Lady of Sacred Heart College sa Nueva Ecija. Ang itinuturong dahilan nito, ayon sa pamilya, ay ang hirap sa pagsagot sa mga module na maiuugat sa mga problema sa pamamaraan ng pagtuturo ng online ng mga paaralan sa kanilang lugar.

Nakikiramay ang Sulo sa pamilyang naulila ng mga mag-aaral, at nakikiisa sa panawagan ng hustisya para sa mga ito. Manipestasyon ang mga kasong ito na maaaring maapektuhan ang kaligtasan ng mga mag-aaral kung hindi matutugunan ang mga problema sa edukasyon ngayong panahon ng bagong kadawyan. Nararapat lamang na matugunan ng DepEd at CHED ang mga problema sa sistema ng edukasyon ngayon sa ating bansa, upang maiwasan na rin ang paglobo ng mga kaso ng karahasan at pagpapatiwakal ng mga mag-aaral dulot ng problema at hirap sa pag-aaral sa kasalukuyang panahon.

Nananawagan ang Sulo sa mga paaralan at sa Kagawaran ng Edukasyon para sa patuloy na pagtutok sa kalusugan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani, partikular na sa kanilang kalagayan, kabilang na ang mental na kalusugan nila, sa pamamagitan ng regular na konsultasyon at pagdaragdag ng mga guidance counselor na maaaring malapitan ng mga ito kung mayroon man silang nararanasan na problema. Ipinapanawagan din ang pagpapatupad ng academic ease o pagpapagaan sa pagbibigay ng mga gawaing pang-akademiko sa mga mag-aaral, pati na rin sa mga school-related na gawain ng mga g**o at kawani ng paaralan.

Iminumungkahi rin ng Sulo ang pagpapabilis ng Internet at pagpapalawak ng distansyang naaabot nito sa buong bansa. Ito ay upang maibsan na ang paglabas sa kabahayan ng mga mag-aaral, g**o o kawani para maghanap ng maayos na signal sa kanilang lugar, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Patuloy na naninindigan at maninindigan ang Sulo na ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ay isa sa mga dapat na pangalagaan at pangunahing prayoridad, bukod sa kalidad ng edukasyon na dapat matamasa ng mga ito. Ito ay isa sa mga mahalagang aspeto ng panawagang na pangunahing panawagan para sa sektor ng edukasyon.

TRIGGER WARNING: KARAHASAN (VIOLENCE), PAGPAPATIWAKAL (SU***DE)

Last November 21, a slay-rape case of a Grade 7 student named Vee Anne Banico was reported in San Narciso, Quezon Province. According to a report, the said student went out of their home to look for a spot with a better signal because she wanted to talk to her teacher about the module in their school. And soon after, her lifeless body without clothing and with numerous stab wounds was found in a dense portion of Barangay Punta.

This November 22, Christian Dave Mendoza, a Grade 12 student at Our Lady of Sacred Heart College in Nueva Ecija Province was found dead, the report said Mendoza committed su***de. The family blamed the difficulties in answering modules that can be rooted to the problems of online teaching in the school.

Sulo expresses its condolences to the bereaved families of the students, and one with them in calls for justice and accountability. These cases are manifestations of the worst effects to the safety and well-being of the students if the problems regarding the education in the New Normal remain unchecked. It is a must for DepEd and CHED to address those problems in order to halt the increasing number of violence and su***de cases due to the problems and rigors of the education system amid the pandemic.

Sulo calls for the schools and education sector agencies to continuously monitor the health and well-being of the students, teachers and staffs, especially their mental health through conducting regular consultations and increase in the number of guidance counselors that can be reached in times of need of help.

Sulo also calls for the implementation of academic ease, or giving academic tasks for students, and school-related works for teachers and staffs, in moderation of academic workloads.

The page also calls for improving the speed and the coverage of Internet connectivity across the Philippines. It may help the reduction of cases where students, teachers and staff are forced to go out of their houses in order to look for stable and strong signal in their residences, since the threat of COVID-19 virus is still at large.

Sulo firmly stands that safety and well-being of education stakeholders should be prioritized taken care of, aside from quality of education to deliver today. It is one of the important aspects of the or call for Safe Reopening of Schools in the Philippines, which is the primary advocacy of the group.

Pinagkunan: https://www.facebook.com/anakbayanphils/posts/4142178672464198

https://www.facebook.com/cegpcentral/posts/4210260828989329

https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/765102/grade-7-student-looking-for-signal-for-online-class-found-dead-in-quezon/story/

18/11/2020

Sulo Vlogs 2: Sa Pagsipat sa Sikreto at ang Adbokasiya sa Lipunan at Edukasyon

Sa ikalawang bahagi ng pagsipat ng mga miyembro ng Sulô sa aklat ni Rhonda Byrne na The Secret na inilathala noong 2006, binigyan ng kritika ang ideya at ang paggamit ng Law of Attraction (o ang The Secret ayon kay Byrne) sa kasalukuyang sistema ng lipunan.

Ayon sa rebyu na ito, ang pagiging positibo at optimistiko sa lahat ng oras na isa sa mga pangunahing ideya ng Law of Attraction ay maaaring magdulot ng toxic positivity na kung saan hindi binibigyang-pansin ang tunay na nararamdaman at kalagayan ng indibidwal ukol sa mga suliraning nakaaapekto sa kanya at sa kapwa kasapi ng lipunan.

Isa sa mga mahalagang aral na mapupulot sa kritika ay ang kaisipan na ang kahirapan at anumang uri ng hindi pagkakapantay-pantay ay isang uri paglabag sa karapatang-pantao.

Ang pagkakaroon ng ligtas, de-kalidad, at ingklusibong edukasyon ay isang batayang serbisyong panlipunan at karapatan na dapat ay matamasa ng bawat mamamayang Pilipino, anuman ang kanyang katayuan sa lipunan, at ang hindi pagpansin o hindi sapat na pagtugon sa mga kasalukuyang problema nito ay isang pagyurak sa karapatan ng bawat mamamayan.

Mula sa rebyu, sinasabi na magiging ganap ang kahulugan at esensya ng Law of Attraction sa bawat isa kung ang lipunan na kinabibilangan ng mga ito ay malaya sa anumang uri ng hindi pagkakapantay-pantay at nakapagbibigay ng oportunidad sa bawat isa na umunlad.

Maituturing na malaking hamon sa kasalukyang panahon ang pagiging ganap ng Law of Attraction sa kaisipan na ang susi sa pag-unlad ng lipunan ay ang de-kalidad na edukasyon dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng problema na nakaaapekto sa bawat isa. Ito rin ay nananawagan ng panlipunang pagbabago.





Musikang ginamit: Down With The Sickness by Disturbed (Instrumental Version)

Photos from Sulo's post 16/11/2020

BAKIT ACADEMIC EASE AT ACADEMIC BREAK?

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses, hindi maitatanggi na malaki ang naging epekto nito hindi lamang sa ekonomikal na aspeto, kundi pati na rin sa emosyonal at mental na kalagayan ng bawat nasalanta.

Ang sektor ng edukasyon ay isa rin sa mga sektor na naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad. Upang matugunan ang mga ito, isinusulong ng Sulô ang Academic Ease at pagbibigay ng sapat na araw para sa Academic Break para sa mga mag-aaral, g**o at non-teaching personnel. Sapagkat ang Ligtas Na Balik Eskwela ay nangangahulungan din na dapat ang mga mag-aaral ay pisikal, emosyonal, at mental na handa upang ang pagkatuto ay hindi lamang makatwiran kundi makatarungan para sa mga g**o at estudyante.

Narito ang mga paliwanag at mungkahi ng Sulô ukol sa kanilang bitbit na panawagan





Photos from Sulo's post 14/11/2020

Sa Patuloy na Pagbangon at Pagsulong: Mga Inisyatibo para sa mga Naapektuhan ng Nagdaang Kalamidad

Hindi maikakaila ang mga epekto at pinsala ng mga nagdaang bagyo mula Rolly hanggang Ulysses. Maraming buhay, ari-arian ang nasalanta ng mga ito. Patuloy pa ring naghihirap ang marami sa ating mga kababayan ngayong panahon ng kalamidad. Hindi rin maitatanggi na naapektuhan din nito ang sektor ng edukasyon sa pangkabuuan, mula sa mga pasilidad hanggang sa mga mahahalagang tao na gumagampan dito gaya ng mga g**o, mag-aaral, non-teaching personnel, pati na rin ang mga opisyales at administrasyon ng mga paaralan.

Bilang tugon sa mga epekto ng mga nagdaang kalamidad, narito ang ilang mga inisyatibo at donation drives na maaaring paglagakan ng mga tulong at donasyon para sa ating mga kababayang nasalanta.

Naniniwala ang Sulô na sama-sama tayong makakabangon pagkatapos ng sakuna, at walang dapat maiwan dito. Makababangon tayo, at muling kikilos para sa ating kinabukasan at maayos na buhay na nararapat para sa bawat isa sa atin.

PAHABOL: Maaaring maglagay ang bawat isa ng mga detalye ng kanilang mga inisyatibo at donation drive para sa mga nasalanta ng mga bagyo.





VIRAL: Principal nag-ala-construction worker para matapos ang proyekto ng paaralan 10/11/2020

Hinangaan ng mga netizens ang pagbabahagi ni Jose Elvis Michelet ng mga larawan ng kanyang amang punongg**o sa Habada Integrated School na si Elmer. Nagpasya ang punongg**o na siya mismo ang tatapos sa riprap at ginagawang kongreto sa nasabing paaralan noong ika-28 ng Oktubre.

Ipinapakita nito ang kabutihang-loob ng punongg**o at ang kanyang pagpapahalaga sa nasabing paaralan, gayunpaman, naroromantisa ng mga tao ang naging aksyon na ito imbis na gamiting pagkakataon para manawagan sa pamahalaan. Sapagkat naipapakita nito na dahil sa kawalan ng sapat na pondo para sa pagsasagawa ng paaralan, kahit ang punongg**o mismo ay nakiisa sa pagsasagawa ng nasabing paaralan upang matapos lamang ito.

Maaari nating hangaan ang ginintuang puso ng punongg**o, ngunit nararapat din nating punahin ang kakulangan ng pamahalaan at sistema sa kulang at mabagal na pagtugon sa sitwasyon ng mga lugar na nangangailangan ng maayos na pasilidad para sa .

Naninindigan ang Sulo na hindi dapat iromantisa ang mga kundisyong nagpapahirap sa sektor ng edukasyon lalo na’t may kapasidad naman ang pamahalaan na tugunan ang mga ito.



VIRAL: Principal nag-ala-construction worker para matapos ang proyekto ng paaralan Halos 10 taon nang punongg**ong si Elmer Lumbo ng Aklan na sanay aniya sa mabibigat na trabaho dahil laki ito sa hirap.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila

Opening Hours

Monday 9am - 8pm
Tuesday 9am - 8pm
Wednesday 9am - 8pm
Thursday 9am - 8pm
Friday 9am - 8pm
Saturday 9am - 8pm
Sunday 9am - 8pm