28/07/2022
We are pleased to finally reveal the official logo for History Month!
This logo was officially unveiled this afternoon at the NHCP Museo ni Emilio Aguinaldo by National Commission for Culture and the Arts and NHCP Chairman Dr. Rene R. Escalante with Councilor Armie Aguinaldo representing Kawit, Cavite Mayor Angelo G. Aguinaldo. Joining them are officials from the Municipality of Kawit, City of Imus, and NHCP.
The logo together with its tagline “Our History Continues” was conceptualized by the NHCP History Month Creative Team led by Deputy Executive Director Alvin Alcid and designed by NHCP Artist Jovan Soriano.
The Baybayin “Ka” for “Kasaysayan” with two diverging arrows representing the past and present narratives of the Filipinos. The Baybayin “Pa” for Pilipinas in the form of a book and quill pen, symbolizing the sources of our history as authentic, truthful, and scientific. As part of its brand messaging, the NHCP adopts “Our History Continues” as the official tagline of History Month. The messaging is reflective of the nation's shared history and its continuous unfolding, as the Filipino people carries on with its aspirations of building a strong, comfortable, and secure society.
The logo will be the official icon of the annual celebration of History Month every August. The logo is the commitment of the National Historical Commission of the Philippines to the National Action Plan 2019-2022 of the Local Historical Committees Network.
***
The official posters and schedule of activities may be downloaded through this link: https://drive.google.com/drive/folders/1ljtKZsIdpHzgluiioD4a7DeppxwtTMQX?usp=sharing
12/06/2022
Nakikiisa ang Tanghalang Metropolitan sa paggunita ng ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Ang pagdiriwang ngayong taon, na pinamumunuan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines), ay may temang “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”.
Ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas tuwing Hunyo 12 ay pormal na idineklara matapos lagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Atas Tagapagpaganap blg. 4166 noong Agosto 4, 1964.
Naging batayan ng pagsasabatas ng pagdiriwang na ito ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898, na pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo at ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa puwersang Espanyol. Kasabay nito ang unang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas habang tinutugtog ang Pambansang awit.
Hinihikayat ang lahat ng mga Filipino na panatilihin sa isipan at puso ang diwa ng ating kalayaan at ang kahalagahan ng pagtugon sa hamon na maglingkod at magalay ng sarili para sa bansa.
Mabuhay ang Bayang Filipino!
09/06/2022
Tatlong araw na lang at mapapanood na natin ang :"BAYANG PINAPANGARAP: Mga Awitin sa Pagdiriwang ng ating Kasarinlan"!
Mapapanood ng LIVE ang pagtatanghal sa MET ngayong Linggo, ika-12 ng Hunyo, sa ganap na ika-7 ng gabi. Kita-kits!
Photo Credits: Roman Fornesa
03/06/2022
Sa pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng ating bayan at sa ika-50 taon ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining (Order of National Artists), ihinahahatid ng Tanghalang Metropolitan ang konsiyertong BAYANG PINAPANGARAP: Mga Awitin sa Pagdiriwang ng ating Kasarinlan.
Mapapanood ng LIVE ang pagtatanghal sa MET sa araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo, sa ganap na ika-7 ng gabi. Kasabay itong ipapalabas ONLINE sa aming page.
Mangyaring magpatala sa aming Google Forms na matatagpuan sa link na ito:
https://bit.ly/3zboUoO
28/05/2022
The National Historical Commission of the Philippines joins the Filipino people in celebrating National Flag Days starting today, the 124th anniversary of the Battle of Alapan.
It may be remembered that after Filipino forces won in Alapan, Imus City, Cavite on 28 May 1898, President Emilio Aguinaldo unfurled the National Flag for the first time in his headquarters in Cavite City.
For details on this morning's program in Alapan, please see here: https://nhcp.gov.ph/celebrating-the-araw-ng-watawat/
The NHCP - Museo ng Katipunan-Pinaglabanan Memorial Shrine invites everyone to a webinar at 10:00 am on the proper use of the National Flag. Learn more here: https://nhcp.gov.ph/do-it-the-right-way-the-proper-display-and-disposal-of-the-philippine-flag-webinar-to-be-held-on-28-may/
An e-book on the proper use of the National Flag is now available. Read it in this link: http://surl.li/cbnks
Download posters for National Flag Days and Independence Day through this link: tinyurl.com/Kalayaan2022posters
17/12/2021
Graciano Lopez Jaena
Disyembre 18, 1856 - Enero 20, 1896
Si Graciano Lopez Jaena ay isang mamamahayag, mananalumpati, propagandista, at isang bayani na nakilala dahil sa kanyang pahayagan na La Solidaridad.
Itinuturing ng mga istoryador na sina Lopez Jaena, kasama sina Marcelo H. del Pilar at Jose Rizal, bilang triumvirate ng mga propagandistang Pilipino. Sa tatlong ilustrado na ito, si Lopez Jaena ang unang nakarating sa Espanya at maaaring sinimulan ang Kilusang Propaganda na nagsulong sa reporma ng Pilipinas na kolonyal ng Espanya at kalaunan ay humantong sa armadong himagsikan na nagsimula sa Maynila noong 1896. Ang kilusang propaganda ay isang pangunahing hakbang patungo sa isang pambansang pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Si Graciano Lopez Jaena ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 18, 1856. Ang kanyang mga magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Dahil sa paniniwalang ang pagkasaserdote ay ang pinaka-marangal na propesyon, ipinadala siya ng kanyang ina upang mag-aral sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Jaro. Habang naroon, nagsilbi siyang sekretarya ng kanyang tiyuhin na si Claudio Lopez, na naging honorary vice consul ng Portugal sa Iloilo.
Sa kabila ng nais ng kanyang ina na maging pari, ang tunay na ambisyon ni Lopez Jaena ay maging isang manggagamot. Matapos makumbinsi ang kanyang mga magulang, sinubukan niyang pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit siya ay tinanggihan dahil sa kailangan ng Bachelor of Arts degree na wala sa seminaryo ng Jaro. Sa halip, siya ay nakapasok sa San Juan de Dios Hospital bilang baguhan. Kalaunan dahil sa problemang pinansyal, huminto siya ng pag-aaral at bumalik sa Iloilo upang magsanay manggamot.
Sa edad na 18, isinulat niya ang kwentong Fray Botod na naglalarawan ng isang mataba at mahalay na prayle. Ang laging bukambibig ni Botod ay ang Birheng Maria at Diyos kahit hindi makatarungan ang kanyang mga gawain. Nagdulot ito ng galit sa mga prayle. Kahit hindi nailathala ang kwento, naikalat ang kopya nito sa Iloilo ngunit hindi mapatunayan ng mga prayle na si Lopez Jaena ang may-akda nito.
Minsan ay nahirapan siya sa pagtanggi na magpatotoo na ang ilang mga bilanggo ay namatay sa natural na dahilan, ngunit malinaw na namatay sila sa kamay ng alkalde ng Pototan. Si Lopez Jaena ay nagpatuloy na kalugin ang hustisya at kalaunan ay nagtungo sa Espanya dahil sa mga banta sa kanyang buhay. Si Lopez Jaena ay naglayag patungong Espanya noong 1880. Doon ay naging isang pangunahing manunulat at tagapagsalita para sa reporma ng Pilipinas.
Ipinagpatuloy ni Lopez Jaena ang kanyang pag-aaral sa medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit hindi ito natapos. Minsan ay sinisi ni Jose Rizal si Lopez Jaena kung bakit hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral sa medisina. Tumugon si Lopez Jaena, "Sa mga balikat ng alipin ay hindi dapat manatili ang kapa ng manggagamot." Kumontra si Rizal, "Ang mga balikat ay hindi pinupuri ang kapa ng mangagamot, ngunit ang kapa ng mangagamot ay pinupuri ang mga balikat."
Lumipat si Lopez Jaena sa larangan ng pamamahayag. Nawalan siya ng interes sa politika at akademikong buhay, kalaunan ay inaliw ang mamuhay sa Barcelona at Madrid. Gayunpaman, pinatawad siya ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang talento sa mga salita. Si Mariano Ponce na isa sa mga propagandista sa Espanya ay siniyasat, "...isang nakakabinging papuri kasunod ng pagsasara ng peremonya, ang mga kababaihan ay ikinaway ang kanilang mga panyo, at ang mga kalalakihan ay nagpalakpakan nang tumayo sila mula sa kanilang mga upuan upang yakapin ang tagapagsalita." Nabanggit din ni Rizal, "Ang dakilang pag-ibig niya ay politika at panitikan. Hindi ko sigurado kung mahal niya ang politika upang makapaghatid ng mga talumpati o mahilig siya sa panitikan upang maging isang politiko."
Bilang karagdagan siya ay inaalala ng sambayanan dahil sa kanyang kontribusyon sa panitikan sa kilusang propaganda. Itinatag ni Lopez Jaena ang kada-kinsenas na pahayagang La Solidaridad. Nang lumipat ang tanggapan ng publikasyon mula Barcelona patungong Madrid, ang editorship ay naipasa kay Marcelo H. del Pilar. Ang kanyang talento ay makikita sa publikasyon "Discursos y Articulos Varios" o Mga Talumpati at Iba't ibang Artikulo.
Si Lopez Jaena ay namatay sa sakit na tuberkulosis noong Enero 20, 1896 sa Barcelona. Nang sumunod na araw, siya ay inilibing sa isang libingang bayan sa Montjuïc Cemetery sa Barcelona at ang kanyang mga labi ay hindi naibalik sa Pilipinas.
mga sanggunian:
• History of The Filipino People (8th ed.), ni Teodoro A. Agoncillo (1990).
• Graciano López Jaena
https://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/history/jaena.htm
• Graciano Lopez Jaena's remains still in Barcelona
https://news.abs-cbn.com/global-filipino/03/11/13/graciano-lopez-jaenas-remains-still-barcelona
• Philippine History and Government, ni Gregorio F. Zaide (1984).
👍🏽 Ang Supremo
01/12/2021
Ang Labanan sa Pasong Tirad
Disyembre 2, 1899
Ang Pasong Tirad ay isang makitid na lagusan sa Bundok Tirad na bahagi naman ng kabundukan ng bayan ng Concepcion na Gregorio del Pilar ngayon, Ilocos Sur sa may kanlurang bahagi ng Cordillera. May taas itong 1300 metro na natatakpan ng mga ulap tuwing maulan.
Dahil sa tarik nito, hindi makikita ng sinumang paakyat ng paso ang mga nakatuntong dito. Dahil sa estratehiko nitong posisyon, pinili ni Heneral Gregorio del Pilar ang nasabing lugar upang harangin at gulatin ang pangkat ng Amerikano na nais hulihin si Pangulong Emilio Aguinaldo na tumatakas nang pahilaga. Inutusan niya ang kaniyang 59 piling kawal na maghukay sa tatlong level ng paso. Dito, maaari nilang barilin at tapunan ng bato ang mga paakyat na Amerikano.
Noong 2 Disyembre 1899, ginulat nina del Pilar ang nasa 500 sundalong Amerikano na pinamumunuan ni Major Peyton C. March. Nahirapan ang mga Amerikano na masupil sina del Pilar dahil sa kasikipan at katarikan ng nasabing paso.
Sa kasamaang-palad, nalaman ng mga Amerikano ang tanging daan papunta sa itaas ng Pasong Tirad sa mismong likuran nina del Pilar, sa tulong ng isang katutubong nagngangalang Januario Galut. Sumalakay ang puwersang Amerikano sa pamamagitan ng daang ito. Pagkatapos ng ilang oras na pagsalakay ay nagapi ang puwersa ng mga Pilipino at kasama si del Pilar sa mga nasawi.
Matapos ang labanan, kinuha ng mga Amerikano ang talaarawan ni del Pilar. Narito ang isang bahagi nito:
“Ibinigay sa akin ni Heneral ang lahat ng tauhan na maaring ilaan sa akin at inutusan niya ako na ipagtanggol ang paso. Nauunawaan ko kung gaano kabigat ang ipinagagawa sa akin, pero pakiramdam ko, ito ang pinakamaluwalhating sandali ng aking buhay. Wala nang sakripisyo ang hihigit pa sa gagawin ko para sa aking mahal na bayan.”
sanggunian:
• Pásong Tírad
https://philippineculturaleducation.com.ph/pasong-tirad/
👍🏽 Ang Supremo
25/11/2021
EPS Session 4: YOUth Veggie Garden at Home
November 26, 2021 at 10:00 am| Facebook Live
Mapapa Oh My Veggie! ka talaga ngayong Friday. Sasamahan tayo ni Mary Joyce Gaviola upang bigyan tayo ng tips in establishing vegetable garden at home.🤩💚💙
Please register at https://blssyfd.weebly.com/registration. Certificate of Participation will be provided within 2 weeks upon completion of the evaluation form. The link to the evaluation form will be announced at the end of the session.
You may also visit the Youth Formation Division official website: www.blssyfd.weebly.com for more details.