MISIS NA NAGTITIIS, MAKALAYA MULA SA ABUSO BA ANG IYONG NAIS?
Ang Reublic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay naglalayong tugunan ang paglaganap ng karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak. Ito ay batas na nagsisilbing proteksyon para sa mga babae at kanilang mga anak na nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang asawa o kinakasama.
Alamin ang iba't ibang uri ng pang-aabuso at busisiin kung ang iyo bang nararanasan ay naayon pa sa batas.
SBU 4D & 4E Clinical Legal Education Program
SBU 4D & 4E Clinical Legal Education Program AY 2022-2023
KAPITBAHAY PERO MORTAL NA KAAWAY?!
Ayusin natin ang inyong alitan para sa maayos at tahimik na samahan sa ating barangay.
Ang KATARUNGANG PAMBARANGAY ay ang matiwasay at patas na pamamaraan ng pagsasaayos ng mga sigalot o gulo sa mga pamayanan kung saan idinudulog ng mga mamamayan ang kanilang mga hinain or reklamo sa lupong tagapamayapa upang maayos ang mga simpleng sigalot sa komunidad.
Sa video na ito, tatalakayin natin ang mga dapat na malaman tungkol sa KATARUNGANG PAMBARANGAY o Barangay Justice System.
TSEKE NA TUMALBOG?!
Sa mga tseke na na-isyu, ngunit ito ay dinishonor o hindi tinanggap ng bangko dahil walang sapat na pondo ang inisyung tseke saiyo, maaaring magsampa ng kaso sa paglabag ng BP 22. Sa video na ito, alamin ang mga kahihinatnan ng pag-isyu ng tseke na walang pondo!
UTANG NA DI MASINGIL?!
Sa mga obligasyong sibil kung saan ang reklamo ay paniningil ng bayad na di humihigit sa P1 Million, maaring dumaan sa proseso ng SMALL CLAIMS. Sa video na ito, pag-usapan natin kung ano-ano nga ba ang gagawin para makasingil sa mabilis at legal na paraan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Mendiola
Manila