TEES SELG

TEES SELG

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TEES SELG, Elementary School, A. Bautista St., Punta, Sta. Ana, Manila.

Photos from TEES SELG's post 10/03/2026

Isang malaking karangalan para sa akin na maging kinatawan ng Tomas Earnshaw Elementary School sa ginanap na Federation of Supreme Elementary Learner Government Election and Oath Taking na ginanap sa Florentino Torres High School na dinaluhan ng iba pang mga SELG President para sa School Year 2026–2027.

Sa araw na ito, hindi lamang ako natuto ng maraming bagay bilang isang lider, kundi nakilala ko rin ang mga bagong kaibigan mula sa iba’t ibang paaralan. Isang napakasayang karanasan na aking babaunin at hindi ko malilimutan, sapagkat ito ang isa sa mga unang hakbang sa aking paglalakbay bilang SELG President. At dahil kami ay malapit na sa paaralan ng ating dating punungg**o, Ma’am Dancel Udquim, sya ay amin binisita! Muli kaming nagkita na may ngiti at pananabik.

Lubos po akong nagpapasalamat sa patuloy na paggabay ng aking SELG Adviser na si Ma’am Shane Guillermo at sa walang sawang suporta ng aming Punongg**o na si Sir Uldarico Fundal Jr. Maraming salamat po sa tiwala at pagkakataon!

Para sa mga mag-aaral, para sa liderato, para sa mas magandang kinabukasan!


✍️ Niasha Jari Remaldora
SELG President SY2026-2027
👩‍🏫 Ms. Shane Guillermo
SELG Adviser

Photos from TOMAS Earnshaw Elementary School's post 04/03/2026

Matagumpay nating naisakatuparan na maging daan sa kalinisan ng ating sintang paaralan, TOMAS Earnshaw Elementary School.

Ang TEES SELG ay taos pusong nagpapasalamat sa ating Yorme Isko Moreno Domagoso sa agarang pagtugon ng aming munting hiling na paglinis sa ating school ground sa pamamagitan ng pag-flushing na isinagawa ng mga masisipag na miyembro ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Dept. sa pangunguna ni G. Arnel Eustacio M. Angeles, Director Manila City DRMM Department and Executive Director, sa tulong ni Hon. Sherwin Cañete, Chairman Barangay 894.

Maraming Salamat po sa ating punung g**o, G. Uldarico Fundal Jr. at Gng. Shane Guillermo, SELG Adviser sa paggabay sa aming mga batang lider.

Sa pangunguna ng batang lider,
makakamit ang kalinisan ng paaralan.
Kaya tayo’y sama samang kumilos,
Para sa Malinis na Paaralan!”

Tatak ng Batang TEESians




Photos from TOMAS Earnshaw Elementary School's post 04/03/2026

Congratulations 🍾🎉🎈
Grade Six
Best Heart Reactions ❤️

At sa iba pang nag wagi!

Maraming Salamat sa lahat ng pumuso sa ating Art Exhibit mula sa iba’t ibang baitang.
Tunay na nagpamalas suporta at pagmamahal ang Batang TEESians!



Photos from TOMAS Earnshaw Elementary School's post 04/03/2026

CONGRATULATIONS to all winners 🏆
Tunay na ang galing sa sining ay ating naipamalas, talentong mula sa Itaas 🙏🏻

Pagbati Mula sa TEES SELG ❤️

Photos from TOMAS Earnshaw Elementary School's post 24/02/2026

Ipinagmamalaki naming ibahagi ang Art Exhibit ng lahat ng Grade Level ng Tomas Earnshaw Elementary School, na ngayon ay naka-display sa Ground Floor Exhibit Area.

Masdan ang makukulay at malikhaing likhang-sining na sumasalamin sa husay, imahinasyon, at talento ng ating mga mag-aaral.

Pindutin ang link
Para makita sa page ang mismong entry bawat level, ating suportahan at PUSUAN ❤️



13/02/2026

Maligayang Kaarawan,
Nikole Andrei Grafil! 🎉

Isang masipag, maaasahan, at tunay na batang lider ng Supreme Elementary Learners Government at Grade 4 Representative ng Tomas Earnshaw Elementary School!

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng karunungan, tapang, at pusong handang maglingkod. Salamat sa iyong dedikasyon at magandang halimbawa sa kapwa mag-aaral. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging inspirasyon sa lahat!

Muli, Maligayang Kaarawan! 🎂
With love,
Your SELG Family

Photos from TEES SELG's post 13/02/2026

Isang makasaysayang sandali ang nasaksihan ngayong ika-13 ng Pebrero, 2026 sa Tomas Earnshaw Elementary School sa ginanap na Oath Taking Ceremony ng bagong halal na Supreme Elementary Learners Government (SELG) Officers para sa School Year 2026–2027.

Sa pangunguna ni Gng. Shane Guillermo, at sa pagsinaya ng ating butihing punungg**o na si Sir Uldarico Fundal Jr., taimtim na nanumpa ang mga batang lider na gagampanan nila ang kanilang tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at pusong handang maglingkod.

Ang panunumpang ito ay hindi lamang simbolo ng tagumpay sa halalan, kundi isang pangako ng tapat na serbisyo at makabuluhang pamumuno para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Bilang pagdiriwang ng matagumpay na eleksyon at Oath Taking, nagkaroon din ng pagkakataon ang pamunuang SELG na makadaupang-palad at makasalo sa hapag—isang sandaling nagpapatibay ng samahan, pagkakaisa, at iisang layunin para sa paaralan.

Sa bagong yugto ng pamumuno, nawa’y patuloy na manaig ang tinig ng kabataan, ang lakas ng pagkakaisa, at ang serbisyong may puso.





Photos from TOMAS Earnshaw Elementary School's post 13/02/2026

Maraming Salamat po sa aming mapagmahal na punung g**o, G. Uldarico Fundal Jr. Kami ay inyong napasaya sa iyong munting handog para sa amin, nag-enjoy po kaming lahat!
Maligayang Araw ng mga Puso!



Photos from TEES SELG's post 13/02/2026

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ang mga SELG Officers sa gabay ni Gng. Shane Guillermo para sa ating paaralan, Tomas Earnshaw ay naghandog ng bulaklak at Walking Photobooth bilang munting pasasalamat at pagpupugay sa ating mahal na punungg**o na si Sir Uldarico Fundal Jr., sa ating masisipag na mga g**o, at sa ating masigasig na non-teaching personnel.

Sa simpleng paraan, ating pinaramdam na ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang tungkol sa regalo, kundi sa pagpapahalaga, pagkilala, at taos-pusong pasasalamat sa mga taong araw-araw na nagbibigay gabay at serbisyo sa ating paaralan.

Mula sa puso ng bawat batang lider—
Maligayang Araw ng mga Puso! ❤️
Pagmamahal na may aksyon, Serbisyong may puso—mula sa inyong SELG Officers.



Photos from TEES SELG's post 10/02/2026

Isang makasaysayang araw ang ika-10 ng Pebrero para sa ating paaralan! Puno ng pag-asa, sigla, at pagkakaisa ang ginanap na SELG Election, kung saan muling pinatunayan na ang boses ng kabataan ay mahalaga at makapangyarihan.

Taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag at maaasahang g**o na nagsilbing katuwang sa polling center — Ma’am Sarah C. Viado Master, Ma’am Eunice S. Laplano, at Ma’am Ma. Janina Divina Mae V. Alcantara sa maayos at matagumpay na halalan.

Pinasinayaan naman ni Ma’am Shane Guillermo, SELG Adviser, ang proclamation ng mga nanalo — isang sandaling puno ng karangalan at inspirasyon para sa lahat.

Congratulations sa mga bagong halal na opisyal ng SELG SY 2026–2027! 🎊

President: Niasha Jari D. Remaldora
Vice President: Princess Ruby D. Dimailig
Secretary: Nikole Andrei Grafil
Treasurer: King Danry Villafañe
Auditor: Reine Margarethe Ruazol
P.I.O.: Merlyn Cator
Protocol Officer: Gwyneth Evangelista
Grade 6 Rep: Jennyca Ann Lopez
Grade 5 Rep: Sophia Ocampo
Grade 4 Rep: Gerrel Gabriel Aclado
Grade 3 Rep: Mykylla Marentes

Nawa’y magsilbi kayong huwaran ng tunay na pamumuno — may puso, may paninindigan, at may malasakit sa bawat mag-aaral.

Binabati namin kayo at buong pagmamalaking sinusuportahan ang inyong pamumuno! 🎉👏

Photos from TEES SELG's post 10/02/2026

Official Result is Out!
TEES SELG ELECTION 2026

CONGRATULATIONS SELG OFFICERS 2026-2027



-2027

05/02/2026

Panoorin ang SWIFT PARTYLIST sa kanilang plataporma. Isang hakbang para sa mas maayos na paaralan!


Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


A. Bautista St., Punta, Sta. Ana
Manila