Arsenio H. Lacson Elementary School-Manila

Arsenio H. Lacson Elementary School-Manila

Share

Official Page of Arsenio H. Lacson Elementary School

16/05/2026

πŸ“£ OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Malugod pong ipinababatid ng ating paaralan na ang Enrollment para sa Incoming Kindergarten at Transferees para sa Taong Panuruan 2026–2027 bilang bahagi ng ating Oplan Balik Eskwela ay gaganapin mula:

πŸ—“οΈ Mayo 18–Hunyo 5,2026
⏰ 8:00 AM – 2:00 PM
πŸ“ Arsenio H. Lacson Elementary School

Inaanyayahan po namin ang mga magulang ng mga Incoming Kindergarten, Incoming Grade 1 -6, Transferees, Balik-Aral, at mga Out-of-school youth na magpatala nang maaga upang maging maayos ang paghahanda para sa pagbubukas ng klase. πŸ’™

πŸ“Œ Mangyaring dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa mas mabilis na proseso ng enrollment.

Maraming salamat po at sama-sama nating ihanda ang ating mga mag-aaral para sa panibagong taong panuruan! βœ¨πŸŽ’

19/04/2026

ANNOUNCEMENTπŸ“’

In view of the memorandum from the Office of the President, all transactions will be conducted from Mondays to Thursdays only. Please be guided that every Friday is a Work from Home (WFH) day.

Please be guided accordingly. Thank you very much.

Cecilia Ona-Barnachia
Principal IV

Basahin ang opisyal na memorandum ng DepEd hinggil sa pagpapatupad ng Work-from-Home arrangement tuwing Biyernes para sa school-based personnel mula April 10 hanggang June 5, 2026, bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya ng Kagawaran.

Photos from DepEd Philippines's post 16/04/2026

Heads up, Lacsonians!πŸ“’
Ating alamin ang tungkol sa

Kapag malinaw ang oras, mas nagiging posible ang mas maayos na pagtuturo. πŸ—“οΈπŸ§‘πŸ»β€πŸ«

Ang ay bahagi ng mas malawak na reporma para sa mas maayos at malinaw na sistema sa edukasyon. Sa halip na madalas na maputol ang klase dahil sa iba’t ibang gawain, mas nagkakaroon ng mas mahabang instructional periods kung saan mas nakakapag-focus ang g**o at learners.

Photos from Arsenio H. Lacson Elementary School-Manila's post 03/03/2026

πŸ“šArsenio H. Lacson Elementary School successfully held the turnover ceremony for the "Reading to Rise" Reading Nook Program, an initiative of the DepEd - National Capital Region and Schools Division Office (SDO) Manila.

Headed by our School Principal, Ma'am Cecilia Ona-Barnachia, and our SLRMDS Coordinator, Sir Reymund G. Reyes.

12/02/2026

SELG NEWLY ELECTED OFFICERS!

πŸŽ‰Congratulations to the newly ELECTED Supreme Elementary Learner Government for SY 2026-2027. Your commitment to leadership and service will surely inspire your fellow students.
We look forward to your initiatives and the positive impact you will make in our school community. Embrace this opportunity to lead with integrity and dedication, fostering an environment where every learner can thrive. Together, let us build a brighter future!

31/01/2026

πŸšΆβ€β™‚οΈπŸŽΆ Sa bawat hakbang, may baong pangarap!
Early Registration Parade SY 2026–2027 βœ¨πŸ“š

Photos from Arsenio H. Lacson Elementary School-Manila's post 31/01/2026

Sama-samang tagumpay para sa edukasyon! ✨

Masaya naming ibinabalita ang matagumpay na Early Registration ng Arsenio H. Lacson Elementary School para sa Taon ng Panuruan 2026–2027. πŸŽ‰

Lubos po naming ipinahahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng magulang at tagapag-alaga na nakiisa at nagtiwala sa aming paaralan. Dahil sa inyong pakikiisa, mas naging handa at mas maayos ang paghahanda para sa darating na pasukan. Lalo’t higit sa mga nagpaabot ng suporta at tulong upang mas maging masaya at organisado ang lahat.πŸ‘πŸ“š

πŸ“£ PAANYAYA SA MGA HINDI PA NAKAPAGPAPALISTA!
Inaanyayahan pa rin po namin ang mga magulang na may mga anak na pasok sa itinakdang edad para sa Kindergarten at Grade 1 na magpalista na at makiisa sa Early Registration.

Ang maagang pagpaparehistro ay malaking tulong upang:
βœ… masig**ong handa ang paaralan
βœ… sapat ang g**o at pasilidad
βœ… at maibigay ang de-kalidad na edukasyon sa bawat bata

πŸ“ Magtungo lamang sa Arsenio H. Lacson Elementary School at dalhin ang mga kinakailangang dokumento.

✨ Sama-sama nating ihanda ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral! ✨

Maraming salamat po at mabuhay ang ating paaralan! 🩡🀍

31/01/2026

πŸ“’ PAALALA | CONTINUOUS ENROLLMENT

Ang Arsenio H. Lacson ay patuloy na tumatanggap ng mga nais magpalista para sa mga sumusunod na antas:

πŸ‘Ά KINDER
πŸ“Œ Focal Person: Ma’am Clarisse Anne S. Dela Cruz
⏰ 11:00 – 12:00 ng tanghali

πŸ“˜ GRADE 1
🌞 Pang-umaga: Ma’am Bernadette Jugador
🌀️ Pang-hapon: Ma’am Catherine A. De Asis
⏰ 11:00 – 12:00 ng tanghali

πŸ“š ALS
πŸ“Œ Focal Person: Ma’am Alicia Hadlocon

πŸ‘‰ Mangyari lamang na hanapin at makipag-ugnayan sa mga nabanggit na focal person para sa karagdagang detalye.

Maraming salamat po! 🩡🀍

Photos from Arsenio H. Lacson Elementary School-Manila's post 29/01/2026

Muling nag-uwi ng karangalan ang mga batang Lacsonian sa ginanap na English at EPP-TLE Festival of Talents 2026 (District Level)

Sa kanilang sipag, talino, at dedikasyon, ipinamalas nila na ang galing ng isang Lacsonian ay tunay na maipagmamalaki.

Malugod namin kayong binanabati at ipinagmamalaki!πŸ‘πŸŽ‰

πŸ… ELIYAH JANE P. PAMARON
Kinder-Yellow
2nd Place ,District Level
Y-Prep Coloring Contest
Trainer: Krisgell E. Almazar

πŸ… JYLER HORNILLA
Grade 5 – Krypton
3rd Place, District Level
Block Coding (EPP-TLE)
Trainer: Raymond N. Aguillon

πŸ… ANDREA CELYN DANABAR
Grade 6 – Sapphire
3rd Place, District Level
English Story Ender
Trainer: Livian O. Flores



26/01/2026

Pagbati sa Iyong Kamangha-manghang Tagumpay! πŸŽ‰

RG CHRISSNA G. LAMOR
Regional Meet Qualifier

Ang iyong sipag at dedikasyon ay tunay na nagbunga ng tagumpay. Ang buong AHLES Family ay proud sa iyo!✨️
Patuloy kang maging inspirasyon sa iba at huwag tumigil sa pag-abot ng iyong mga pangarap.


23/01/2026

πŸ“£ OFFICIAL ANNOUNCEMENT
EARLY REGISTRATION β€” SY 2026–2027 πŸ“

Ipinababatid po sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na ang Early Registration para sa Kindergarten ay gaganapin sa January 31, 2026 (Sabado) sa AH Lacson Elementary School.

⏰ 7:00AM - 2:00PM

Inaanyayahan po ang mga magulang o guardian na nagnanais ipa-rehistro ang kanilang mga anak sa Kindergarten na personal na magtungo sa nasabing paaralan sa itinakdang petsa.

πŸ“Œ PAALALA:
Mayroon po tayong targeted o limitadong bilang ng registrants para sa Kindergarten, kaya ang pagpapatala ay:

βœ… FIRST COME, FIRST SERVED BASIS

Kapag naabot na po ang itinakdang bilang ng enrollees ng AH Lacson Elementary School, ang mga susunod na magpaparehistro ay iri-refer na po sa kalapit na elementary school.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

See you on January 31, 2026! 🩡🀍

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Younger Street , Balut, Tondo
Manila
1012

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm