UP Organization for Shiftees and Transferees

UP Organization for Shiftees and Transferees

Share

University of the Philippines Organization for Shiftees and Transferees (UPOST) is a university-wide (UP Manila), campus-based organization.

University of the Philippines Organization for Shiftees and Transferees (UPOST) is a university-wide, campus-based organization mainly established to serve the prime purpose and ideals of keeping the shiftees and transferees aware of the university’s activities, programs and affairs; providing assistance for academic (buddy system) and extracurricular activities; and promoting an environment of camaraderie, unity and entente cordiale.

11/05/2026

[SHIFTING AND TRANSFERRING]

: The UP Diliman Office of the University Registrar (OUR) has released the updated Shifting and Transferring (S&T) guidelines and requirements for AY 2026-2027.

Application period:
T2: June 1 to June 30, 2026 (5PM)
S1, S2, and T1: Depending on the college

Note:
The Google Form for applications (submission bin) will open starting JUNE 1 (MONDAY). For now, aspiring applicants are advised to complete all the requirements.

------

Submission of Application and Requirements for Second Degree/ Transfer Applications from Other Schools and Universities:https://our.upd.edu.ph/files/announce/T2Process26.pdf

Primer:
https://our.upd.edu.ph/files/PRIMER/2026-2027.pdf

Shifting and Transferring Helpdesk and Directory:
https://ovcsa.upd.edu.ph/shiftntransferhelpdesk/

Application Form: https://bit.ly/UPDOURForm2627

For concerns, please send an email to the Admission Section of the OUR:
[email protected]

Photos from UPD CAL College Secretary's post 05/05/2026
01/05/2026

PAHAYAG NG PAKIKIISA NG UP ORGANIZATION FOR SHIFTEES AND TRANSFEREES SA ARAW NG MANGGAGAWA

123 na taon na ang nakakalipas nang unang magmartsa ang mga manggagawa para iparating ang kanilang mga panawagan para sa mas mapagmalasakit, makatarungan, at makataong mga polisiyang gagabay at puprotekta sa kanilang mga karapatan at kapakanan — mga bagay na hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin sa lansangan. Bakas sa kasaysayan ang iba’t ibang mga pagkilos at unyon na nagsulong ng mga panawagan para sa mas maayos na kondisyon sa paggawa at nakabubuhay na sahod, na siyang paulit-ulit na ipinagkakait ng estado, noon hanggang ngayon.

Higit lalong kailangang marinig ang kanilang mga pagtangis sa panahong ito na umaalingasaw ang samu’t saring isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bayan na sana ay inilalaan na lamang sa pagpapabuti ng kondisyon sa paggawa at mas malawak na mga benepisyo, ang pagtaas ng mga bilihin na hindi man lang matapatan ng angkop na sahod na makatutugon sa pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino, at ang nakapangangambang sigalot sa Kanlurang Asya na inilalagay sila sa kapahamakan. Ang kanilang mga protesta ngayong araw ay hindi lamang katumbas ng mga nakaraang mobilisasyon; ito ay pagkalampag sa pamahalaan para sa madaliang pagtugon sa gitna ng mga krisis na ito.

Kasama ang UP Organization for Shiftees and Transferees sa pakikibaka sa walang-humpay na mga panawagan na nangangalaga sa uring manggagawa. Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi tayo hiwalay sa pinagdaraanan nila. Nakakasalamuha natin sila araw-araw, at ang kanilang mga serbisyo at sakripisyo ang siyang nagpapahintulot sa atin na matuto sa loob at labas ng paaralan. Ang kanilang dugo at pawis ang nagpopondo sa ating libreng matrikula sa pamantasan, at ang kanilang sigasig at lakas ang bumubuhat sa ating bansa. Sa patuloy na panggigipit ng estado sa itinuturing na “backbone” ng ating bansa, mas kailangan nila ng maraming bisig na pagkakapitan at boses na magpapaalingawngaw sa kanilang pinagdaraanan.

Pinapaalala ng araw na ito na ang pagsubok sa mga manggagawa ay hamon din sa mga mag-aaral, hindi lamang sa buong UP System, na patuloy na magsuri at makisangkot. Hindi natatapos sa Mayo Uno ang sigaw para sa katarungan; ang Mayo Uno ang unang araw ng pagpapadagundong nito.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

In every Iskolar and Laborer, we remain.




Photos from UP Manila University Student Council's post 26/04/2026

DEFEND NEGROS! HUSTISYA PARA SA NEGROS 19! HUSTISYA PARA KINA ALYSSA ALANO, RJ LEDESMA, MAUREEN SANTUYO, AT ERROL WENDEL! MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
Noong Abril 19, higit-kumulang 168 na pamilya at 653 na residente ay sapilitang lumikas dahil sa operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines kung saan nagsagawa ng aerial strifing o pagpapaulan ng bala ang 79th Infantry Battalion ng AFP sa Barangay Salamanca at San Jose sa Taboso, Negros Occidental. Ang pamamasismo ng mga militar sa rehiyon ang siyang pumaslang sa 19 na indibidwal, kung saan kasama rito sina Alyssa Alano, isang UP Diliman USC Councilor, RJ Ledesma, miyembro ng League of Filipino Students Negros at isang mamamahayag mula sa Paghimutad, Maureen Santuyo, dating miyembro ng NNARA Youth na naging peasant organizer, at si Errol Wendel, isang peasant advocate na naging organizer at researcher ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura. Ang pagkitil ng mga buhay nila sa kamay ng mga militar ay tahasang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL), na siyang lalo lamang nagpalitaw sa pagiging pasista ng estado sa masang-api.
Isa ang isla ng Negros sa pinakamahirap na mga rehiyon sa bansa kung saan talamak pa rin ang kawalan ng lupa, ang sistemang kasama at naglalakihang mga hacienda. Dahil dito, isa rin ito sa rehiyong pinakamalakas ang paglaban para sa tunay na reporma sa lupa at para sa kapakanan ng mga magsasaka. Kung saan may paglaban nandoon din ang AFP na lumalabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Ang karahasan ng militar sa isla ay lalo pang pinasidhi sa pagpapatupad ng Memorandum Order No. 32 noong 2018, kung saan ang mga rehiyon ng Bicol, Samar, at Negros isinailalim sa “state of lawless violence” na siyang papahintulot sa walang habaa na mga operasyon ng militar at pulis sa isla. Ang mga panukalang ito ay ipinagpatuloy sa programa ng administrasyon ni Marcos na National Action Plan for Unity, Peace, and Development (NAP-UPD) upang lalo pang supilin at busalan ng pasistang rehimen ang mga daing ng mga magsasaka.
Mariing kinokondena ng mga nagkakaisang konseho at organisasyon ng UP Manila ang pagpaslang ng AFP sa Negros 19 at ang pagpapatindi ng militarisasyon sa isla ng Negros. Kailanman ay hindi solusyon ang karahasan sa mga mamamayang nananawagan ng tunay na reporma sa lupa.
Hindi titigil ang taumbayan hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa Negros 19 at sa lahat ng biktima ng pasistang estado, at hangga’t hindi napapanagot ang administrasyong Marcos Jr. na siyang nagpahihintulot sa malawakang pagpaslang at karahasan sa mamamayang Pilipino. Sa halip na maglaan ng pondo para sa serbisyong panlipunan, ito ay napupunta sa pamamasista at pagterorisa ng mga militar sa mga komunidad.
Aming dinadakila sina Alyssa, RJ, Mau, Errol at lahat ng indibidwal na nasawi sa Negros 19 bilang mga huwarang martir ng mamamayan. Taas-kamao nating pagpugayan ang kanilang katapangan sa pagtangan sa hamon na tumungo sa kanayunan, pag-aralan ang lipunan at makipamuhay sa batayang masa ng isla ng Negros. Sila ay inspirasyon sa amin upang tunay na paglingkuran ang sambayanan at patuloy na ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya.
Hustisya para kina Alyssa Alano, RJ Ledesma, Maureen Santuyo, at Errol Wendel!
Hustisya para sa Negros 19!
Hustisya para sa mga biktima ng berdugong AFP!
Militar sa kanayunan, palayasin!
Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!
Signatories
League of College Student Councils
UP Manila University Student Council
UP Manila College of Arts and Sciences Student Council
UP Manila College of Allied Medical Professions Student Council
UP Pharmaceutical Association Student Council
UP Manila Dentistry Student Council
UP Manila Nursing Student Council
UP Manila School of Health Sciences Palo Student Council
UP Manila School of Health Sciences Tarlac Student Council
UP Medicine Student Council
UP Manila College of Public Health Student Council
Coalition of Organizations, Fraternities, and Sororities
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
UPM Development Studies Society
Kabataan Partylist - UP Manila
Sulong UP Manila
UP Sigma Kappa Pi Fraternity - Manila
UP Manila Katilingban
NNARA Youth - UP Manila
UP Vector
Pangkalusugang Lingkod Bayan
Gabriela Youth UP Manila
UP Manila Belle
UP Manila Bahagsari
UP Alpha Sigma Fraternity Manila
UP Manila Pre-Law Society
UP Manila DOST Scholars’ Union
UP Biochemistry Society
Agham Youth UP Manila
UP Organization for Shiftees and Transferees
UP Sigma Alpha Nu Sorority Manila
UP Political Science Society
League of Filipino Students UPM
UP Manila Sining at Kalinangang Lahi
UP Manila Student Assistants Society
UP Manila Alpha Phi Omega Fraternity
UP Sports Alliance of Pharmacy Students
Kabataan Para sa Tribung Pilipino - UP Manila Chapter
UP Manila Biorhythm
Organization of Area Studies Majors
UP Society of Computer Scientists
Google Developers on Campus UP Manila
UP Biological Sciences Society
UP Cine Manileño

Photos from UP Manila University Student Council's post 23/04/2026
23/04/2026
23/04/2026

STATEMENT

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.

Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.

Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.

Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.

Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.

Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa “State of Lawless Violence”, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.

Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.

Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.

Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.

Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.

Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayan–ang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.

Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.

Hangga’t hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.

Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!

Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!

Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!

Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!



18/04/2026

1 day left. 👀

Parang kahapon lang… you were hitting replay on that song that made everything feel a little lighter 🎧✨ Like maybe, you’re exactly where you’re meant to be.

Not everything has to make sense right now.
Not every step needs a perfect plan.

Sometimes, it’s about taking the leap. 🚶‍♀️
Trusting the process. 🌱

Because somewhere along the way, you’ll find your rhythm again. 🎶
You’ll meet people who get it. 🫂
And you’ll realize… this path is yours to own. ❤️‍🔥

Konti na lang. We’re almost there.

April 19. 5-7 PM. Zoom. See you? 🧡✨

Register for urPOSTed! on:
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9



17/04/2026

2 days. 😳

That feeling of a fresh start. Like, you’ve “got that sunshine in your pocket” 🎧🎶 and maybe… things are finally starting to fall into place. 🍃

It’s okay not to have everything figured out. It’s okay to feel in between chapters.

What matters is finding your people 🫂 Hearing stories that sound like yours ❤️‍🩹 and realizing you’re not doing this alone. 🤝

This is your moment to begin again! With a little more clarity, and a lot more courage. 💪

We’ll be here when you’re ready.

April 19. 5-7 PM. Zoom. See you? 🧡✨

Register for urPOSTed! on:
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9



14/04/2026

Buffering… buffering… almost there. 💿

“What do you mean?” 🎧🎶

No more second-guessing every step, that leap of faith.

This is your moment to finally understand the path you’re on; with people who’ve been there. Felt that, done that.

A space where you don’t have to pretend you’ve got it all figured out. 🍀

Because sometimes, all you really need is somewhere you belong. 🧡

Maybe… this is it. ✨

Register for urPOSTed! on:
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9
https://forms.gle/SqwvF3jb7Kar7Hoo9



Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila