28/03/2022
ANG IYONG BOTO AY ISANG NATATANGING SANDATA PARA SA PAGBABAGO.
Sino-sino ang iboboto sa halalan? Paano ako pipili ng kandidato? Bakit mahalagang piliin ang tamang kandidato sa panahon ng halalan?
Sa darating na eleksyon, marami ang nag-nanais na makakuha ng posisyon, at mamuno sa kanilang bayan. Maraming lilitaw na pangalan na maaaring hindi mo pa kilala, at may iilan din namang kilala mo na, ngunit gaano mo nga ba sila kakilala? Sila ba ay nagtataglay ng kakayahan na mamuno para sa nakararami o sila lang ay tumatakbo para sa sariling interes, para magkaroon ng kapangyarihan, at makaupo sa puwesto?
Ang boto mo ay itinuturing na sagrado kaya mainam na gamitin ito nang tama, nang maayos, at nang makatwiran dahil hindi lang ikaw ang apektado sa magiging desisyon mo.
Bilang botante, obligasyon mong mag-siyasat, mag-saliksik, at mag-masid sa mga taong nanliligaw na nais mamuno. Mahalaga na masuri natin ang bawat kandidato na tumatakbo. Huwag magpadala sa sabi-sabi!
Nasa'yo ang kapangyarihan upang baguhin ang ating bansa. Ang tanging tanong lang ay handa ka na ba para sa pagbabago?