24/08/2026
LIBRENG EYE CHECK-UP AT EYEGLASSES PARA SA TONDO HIGH SCHOOL ๐๐
Isang makabuluhang programa ang isinagawa ng Sarabia Optical para sa Tondo High School, kung saan nagkaroon ng libreng eye check-up at pagkakaloob ng libreng eyeglasses para sa mga mag-aaral at g**ong nangangailangan nito.
Ang programa ay dinaluhan ng mga piling mag-aaral, g**o, at mga department heads ng paaralan.
Nagsimula ang programa sa pambungad na pananalita ni Dr. Elena C. Reyes, na nagbigay ng kanyang suporta at pag-apruba upang maisakatuparan ang proyektong ito. Sinundan naman ito ng makabuluhang mensahe mula kay Dr. Vivian Sarabia.
Bilang pagkilala at taos-pusong pasasalamat sa kanilang serbisyo at malasakit, ginawaran ng mga Certificate of Appreciation si Ms. Vivian Sarabia, ang mga doktorang naging bahagi ng programa, at ilan sa mga miyembro ng team ng Sarabia Optical.
Pinangunahan ang programa ng ating master of ceremony na si Ma'am Marra Cenarillos Pacheco, at sinundan naman ito ng mensahe ng pasasalamat mula sa kinatawan ng mga mag-aaral ng Tondo High School.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng pangwakas na mensahe si Ma'am Gilo.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Sarabia Optical, kay Ms. Vivian Sarabia, sa mga doktor, at sa buong team sa kanilang oras, serbisyo, at malasakit. Malaking bagay ang programang ito para sa ating paaralan at sa mga mag-aaral at g**ong nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng mas malinaw na paningin.
Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at malasakit! ๐๐๏ธ๐
๐ผ๏ธ: Samar (Vice President)
โ๏ธ: Moral (Secretary)