14/08/2026
Wika, kasaysayan, pamana, at Araling Pilipinoโsama-sama nating tuklasin at talakayin.
Inaanyayahan ang lahat sa ๐๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐, ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ฆ๐๐ง๐, ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ngayong ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM sa Resource Room, 2nd Floor, NHCP Apolinario Mabini Shrine, PUP Main Campus, Sta. Mesa, Manila.
Tampok sa kaganapan ang dalawang mahahalagang talakayan:
- MAF and PhD Filipino Internationalization Lecture Series: "Ang Wikang Filipino sa Kalakhang Los Angeles"
- "Kasaysayan at Sistema ng Paniniwala sa Bundok Banahaw sa Dokumentaryong 'Bahala na si Bathala sa mga Banal na Bata'"
Pangunahing tagapagsalita si Dr. Nenita Pambid Domingo ng Department of Asian Languages and Cultures, University of California, Los Angeles (UCLA), USA. Makikibahagi rin sa malayang talakayan si Reuben T. Domingo.
Halina't makinig, makilahok, at higit pang kilalanin ang yaman ng ating wika, kasaysayan, at kultura. Kitakits!
#๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ #๐๐๐๐๐ด๐ก๐พ๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ #๐๐๐๐ถ๐ผ๐ฟ๐
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Lektura sa Wika, Kasaysayan, Pamana, at Araling Pilipino, isang makabuluhang kaganapan na magtatampok sa mayamang wika, kasaysayan, at kulturang Pilipino. Magaganap ito sa darating na Agosto 19, 2026, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM sa Resource Room, 2nd Floor, NHCP Apolinario Mabini Shrine, Polytechnic University of the Philippines (PUP Main Campus, Sta. Mesa, Manila).
Dalawang mahahalagang aktibidad ang nakahanay para sa kaganapang ito. Una ay ang MAF and PhD Filipino Internationalization Lecture Series na tatalakay sa paksang "Ang Wikang Filipino sa Kalakhang Los Angeles." Ang ikalawang aktibidad naman ay nakatutok sa paksang "Kasaysayan at Sistema ng Paniniwala sa Bundok Banahaw sa Dokumentaryong 'Bahala na si Bathala sa mga Banal na Bata'."
Tatayo bilang pangunahing tagapagsalita si Dr. Nenita Pambid Domingo mula sa Department of Asian Languages and Cultures ng University of California, Los Angeles (UCLA), USA. Makakasama rin sa malayang talakayan si Reuben T. Domingo upang magbahagi ng karagdagang kaalaman at pananaw. Kitakits!