Ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumugon sa panawagan ng Brigada Eskwela! Sa inyong tulong, muling napagyaman ang ating paaralan, hindi lamang ng ganda, kundi ng diwa ng bayanihan. Sama-sama, kayang-kaya!
JZES Brigada Eskwela
Jacinto Zamora Elementary School
Pandacan Manila
11/06/2025
Day 3: Tuloy ang Tulong sa Ikatlong Araw ng Brigada Eskwela
“Sama-sama para sa Bayang Bumabasa!”
Isinagawa ngayong araw ang isang makabuluhang programa sa pangunguna ng mga g**o mula sa ika-apat at ikalimang baitang. Tampok sa gawain ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad para sa ikauunlad ng ating paaralan at kabataan.
🍔 Ang Jollibee West Zamora ay nag-abot ng kanilang taos-pusong donasyon para sa Paaralang Zamora at nangakong magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga susunod pang programa. Isang patunay na sa bawat pagbasa at pag-aaral, may kasangga ang ating paaralan mula sa pribadong sektor.
🩺 Nagbigay rin ng mahahalagang paalala si G. Raymond Lim, ating school nurse, ukol sa pangangalaga sa kalusugan—tamang hygiene, wastong pagkain, at pag-iwas sa karamdaman upang mapanatili ang sigla at konsentrasyon ng mga mag-aaral sa klase.
🗣️ Sa bahagi ng BE Talks, naging panauhing tagapagsalita si Gng. Raquel M. Gutierrez, isang Social Welfare Officer mula sa Manila Department of Social Welfare. Ibinahagi niya ang mga epektibong pamamaraan ng pagiging responsableng magulang at kung paano makatutulong ang positibong parenting sa tagumpay ng mga bata sa pag-aaral.
🤝 Nagtapos ang programa sa isang mainit na pagtanggap sa mga volunteers mula sa Presidential Security Command at Philippine Coast Guard Ecumenical Chaplain Service na agad ring tumulong sa mga gawaing pangkaayusan at paglilinis sa paaralan. Nagibgay din sila ng mga Reading Sessions kasama ang mga mag-aaral na nagpunta sa paaralan.
Tunay ngang sama-samang pagkilos ng paaralan, komunidad, at mga katuwang mula sa pamahalaan ang susi sa matagumpay na Brigada Eskwela!
10/06/2025
Day 2: K*K: Kaalaman, Kabayanihan at Kaayusan sa Ikalawang Araw ng Brigada Eskwela 2025
📍 Sa pangunguna ng mga g**o ng Ika-anim na Baitang, matagumpay na naisagawa ang ikalawang araw ng Brigada Eskwela sa Jacinto Zamora Elementary School!
👮♂️ Isa sa mga tampok ng programa ay ang pakikibahagi ng ating mga kapulisan, kasama ang mga magulang ng mag-aaral. Layunin ng aktibidad na ito na mapalawak ang kamalayan ng komunidad sa mahalagang papel ng mga pulis sa loob at labas ng paaralan.
🎤 Sa kanyang makabuluhang mensahe, Police Major Geuel P. Capuz ay nagpaliwanag kung paanong mapoprotektahan ng kanilang hanay ang mga mag-aaral, at kung paano sila maaaring makatuwang hindi lamang sa seguridad at kaayusan, kundi maging sa mga programang pangkaunlaran ng paaralan at komunidad.
📝 Bilang pagpapakita ng kanilang taos-pusong suporta, nilagdaan ng ating mga kapulisan at magulang ang Commitment Wall—isang simbolo ng kanilang pangakong makikiisa sa Brigada Eskwela at iba pang mga adhikain ng Jacinto Zamora Elementary School.
Tunay ngang buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating paaralan—katuwang ang bawat sektor ng komunidad para sa ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Zamorians.
09/06/2025
Unang Araw ng Brigada Eskwela
“Sama-sama para sa Bayang Bumabasa!”
Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Brigada Eskwela sa Jacinto Zamora Elementary School ngayong araw!
🎉 Tampok sa unang araw ang makulay na parada na nilahukan ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), Girl Scouts of the Philippines (GSP), mga g**o, opisyal ng barangay, mga magulang, at mga mag-aaral.
💬 Sinundan ito ng isang maikling programa kung saan tampok ang pahayag ng suporta ng mga barangay na sumasakop sa ating paaralan. Nangako ang mga opisyal ng barangay na kanilang titiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral—maging sa loob o labas ng paaralan.
👩🏫 Bahagi rin ng programa ang paalala sa mga magulang ukol sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan na ibinahagi ng ating Guidance Teacher, Gng. Nerisa Pasion. Layunin nito ang pagpapaigting ng disiplina, seguridad, at kaayusan sa buong taon ng panuruan.
📝 Nagtapos ang programa sa makabuluhang paglagda ng mga dumalo sa ating Brigada Eskwela Commitment Wall—bilang simbolo ng kanilang pangakong makikiisa sa pagsasaayos at pagpapanatili ng magandang kapaligiran para sa mga mag-aaral.
🧹 Matapos ang programa, kanya-kanyang paglilinis ng mga silid-aralan ang isinagawa ng mga kalahok. Kasabay nito ay ang flushing o paglilinis ng school grounds na pinangunahan ng ating mga kaagapay mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
🍹 Upang lalong ganahan ang ating mga g**o at volunteers, taos-pusong nagpaabot ng libreng refreshments ang ating mga katuwang:
• BonApartea Café na nagbigay ng 100 Fruit Tea
• SPTA President Gng. Laurente na nagpadala ng masarap na lugaw para sa lahat ng lumahok
Isang matagumpay at makabuluhang pagsisimula ng Brigada Eskwela ang ating nairaos—patunay na buhay na buhay ang bayanihan sa Zamora!
Zamorians, ano na?
Handa na ba kayo? Bukas na ang simula ng ating Brigada Eskwela!
Tara na’t magkaisa para sa mas ligtas, mas maayos, at mas makabuluhang balik-eskwela!
Kita-kits po tayo sa unang araw ng ating Bayanihan para sa Paaralan! 💪📚🌱
Ilang tulog na lang Brigada Eskwela na! Kung nais tumulong sa paghahanda para sa pagbabalik eskwela, magtungo lamang sa ating Paaralang Jacinto Zamora! Tara na! Maki-Brigada Eskwela na!
03/06/2025
Bukas na ang pagsisimula ng Outreach Program ng The LAB Project sa ating paaralan! 🎉
Ito ay para sa 100 piling benepisyaryo na layong suportahan sa pamamagitan ng mga mobile health literacy sessions, study kits, at iba’t ibang aktibidad na nakatuon sa kalusugan at kahandaan para sa pagbabalik-eskwela.
Ang programang ito ay bahagi ng ating adhikain na masig**o ang isang ligtas, malusog, at handang pagpasok ng ating mga mag-aaral ngayong pasukan.
🤝 Sama-sama nating itaguyod ang edukasyong may malasakit at serbisyong may puso!
Sa bawat pinturang ipinahid, upuang inayos, at halakhak na ibinahagi, ang aming mga g**o ay nagpakitang-gilas sa tunay na diwa ng Brigada Eskwela! 💪🏫 Hindi lang sila nagtuturo, sila rin ang unang tumutugon sa pangangailangan ng paaralan. 🙌
Nawa’y magsilbi silang inspirasyon sa bawat magulang, mag-aaral, at miyembro ng komunidad, dahil ang pagpapaayos ng paaralan ay hindi lang tungkulin ng iilan, kundi ng buong sambayanan.
Tara na, makiisa! Sama-sama, sabay-sabay, para sa batang handa sa bagong taon ng pagkatuto! 📚❤️
03/06/2025
📚 Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong SY 2025–2026
Inaanyayahan ang bawat Zamorian na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 na may temang
“Sama-sama para sa Bayang Bumabasa!”
Tayo’y magtulungan upang gawing malinis, ligtas, at maayos ang ating paaralan para sa mas masigla at handang balik-eskwela!
Mula sa mga mag-aaral, g**o at lahat ng bumubuo sa komunidad ng Paaralang Jacinto Zamora...
MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Sa lahat ng aming mga partners from LGU, NGOs and NGAs, Civic Organizations, Private Partners, Parents, Volunteers, SPTA and SPG. Patuloy tayong maki-bahagi, maki-isa at maki-Brigada Eskwela... sa ating ipinagmamalaking PROJECT S.T.I.T.C.H, sama-sama nating tahiin ang isang obra ng pagkakaisa sa komunidad para sa ikauunlad ng ating mga batang ZAMORIANS!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Pandacan
Manila
1011