25/08/2023
๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป
aklat ni Julio T. Avenido Jr.
Sa bawat daan na ating tinatahak mayroong mga kuwento tayong natutuklasan at mga alaalang bumabalik sa kasalukuyan. Sa bawat daan ay mayroong hiwaga na kailangan nating alamin; hiwagang nagbibigay inspirasyong magpatuloy sa anumang bagay.
25/08/2023
๐๐ฑ ๐๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ
aklat ni Domingo A. Ranca Jr.
"Ang mga paghihirap sa pag-abot ng mga pangarap". Hindi ka lalago kung hindi ka nahihirapan sa buhay.
25/08/2023
๐๐ถ๐ต๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ต๐ฎ๐บ
aklat ni Leslie M. Mejia
Subukin nating daanan mga problema ng bawat indibidwal, kung paano tayo sumugal sa mga paraan na walang kasiguraduhan. Ikaw ba ay may lihim na dapat sabihin o itoโy itatago at mananatili na lang sa dilim?
25/08/2023
๐๐๐ธ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ
aklat ni Jonathan T. Barrantes
Ang aklat na ito ay tumatalakay sa pag-asang maaaring matamo mula sa baluktot na sistemang nabahiran ng pagdurusa na walang katiyakan ang paglaya, na kung hindi ngayon, baka bukas makalawa ay maaari at puwede na. Ang mga akdang pampanitikan na nabuo ay naglalaman ng samu't saring serye ng karanasan, malikot na pag-iisip, mga emosyon, kataksilan, pag-ibig, at isyung panlipunan na mag-iiwan sa mambabasa ng kakaibang panlasa, aral at inspirasyon. Layunin ng may-akda na maibahagi ang kaniyang sarili sa kung paano nilaro ang iba't ibang perspektibo ng bawat kuwento.
25/08/2023
๐ฆ๐๐น๐๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ
aklat ni Mark Angelo A. Leyretana
Ang pagsusulat ay nagsisilbing daan upang maipahayag ko ang mga pinakamalalim na hangarin ng aking puso. Ako ay isang manunulat na may pusong puno ng pangarap, kamay na puno ng husay, at salita na puno ng lakas. Ang aking aklat ay isang liham ng inspirasyon, isang salamin ng pag-asa, at isang kahalintulad ng mga pangarap na maaaring abutin ng sinumang magbasa. Sa bawat salita na ibinibigkas, ako ay nagbabahagi ng aking sariling kwento, nagpapakita ng mga damdamin, tagumpay at kasiyahan na bumubuo sa aking pagkatao.
25/08/2023
๐๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ธ๐ถ๐๐ฎ...
aklat ni Jucelle A. Ariola
Sana'y naging masaya ka. Hindi naman kita napabayaan 'di ba? Huwag kang mag-alala; ako'y narito lamang at ihahatid kita.
25/08/2023
๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ข
aklat ni Cyril S. Abad
Layunin ng aklat na ito na makapagbigay ng saloobin tungkol sa dalawang taong nagiibigan sa ngalan ng kanilang magkaibang paniniwala, wika at kulturang pinanggalingan.
25/08/2023
๐๐ฏ๐ฎ! ๐ฌ๐ฎ๐๐ฎ?
aklat ni Jessica A. Abayata
Ang aklat na ito na may pamagat na โAba! Yata?โ ay naglalaman ng mga likhang akda mula sa malikot na pag-iisip ng manunulat at โdi makalilimutang karanasan nito. Ibaโt ibang uri ng panitikan ang nakapaloob sa aklat , gayundin ang tema at paksa na magbibigay ng ibaโt ibang emosyon. Susubukin nito ang paniniwala at paninindigan ng mambabasa sa bawat pahina. Hitik sa aral at kaalaman ang makukuha mula sa bawat suliranin at punto ng akda na inaasahang matutuhan at maisasabuhay ng bawat mambabasa.
25/08/2023
๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ
aklat ni Katrina T. Pangan
patuloy na lumalaban para sa pangarap
25/08/2023
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก
aklat ni Susane V. Ferrer
Magpatuloy lamang sa anumang hamon ng buhay. Walang susuko sa kahit anong laban na mangyayari para sa iyong pangarap na makakamit.
25/08/2023
๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ถ๐๐ผ๐บ
aklat ni Rose Bhabe C. Cagas
Marami sa atin, lalo na sa panahon ngayon ang may kinakaharap na mental health condition tulad ng; Depression, anxiety at marami pang iba. Ngunit sa oras na tayo ay nakakaisip na ng hindi magandang gawain ay wag sana nating makalimutan na sa kahit anong dilim ay may liwanag at ang liwanag na ito ay ang mga taong nakapaligid sa atin at mga mahal natin sa buhay. Ang librong ito ay pinamagatang โLikod sa Pahiyomโ ang salitang Pahiyom ay nagmula sa Cebuano na may katumbas sa tagalog na โngitiโ na ibig sabihin ay โlikod sa ngitiโ o โ Dahilan ng Pagngiti.โ
24/08/2023
๐๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐จ๐
aklat ni April Rose R. Roble
Ang aklat na ito ay may pamagat na "BATIK NG BAUL" na kung saan kahit na anong ganda ng isang bagay kung ito ay may bahid na maaaring matanggal man iyon; ngunit mananatili pa rin nakahulma. Katulad ng mga alaalang kailan man ay hindi na mauulit pa, dahil kahit anong pilit ito'y bahagi na ng nakaraan at mananatiling alaala na lamang.