Batang Bibo At Aktibo

Batang Bibo At Aktibo

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Bibo At Aktibo, Educational Research Center, Manila.

25/03/2022

Magandang Araw sainyo! ☀️🤗

Ayon sa Raising Children, ang iba't-ibang klase ng paglalaro ay nakatutulong sa mga bata matuto na:

1. magpahayag ng kanilang mga damdamin
2. gumawa ng iba't-ibang sining
3. makaisip ng mga solusyon sa problema
4. makitungo sa ibang tao

Interesado ba kayong makaalam pa? I-fill up ang forms na ito: https://tinyurl.com/BatangBibo 🤩

18/03/2022

Magandang Araw sa inyong lahat!

Ayon kay Dr. Fiona Bull ng World Health Organization (2019), mapapalakas ang pisikal at mental na kalusugan ng mga bata kung mayroon silang sapat na tulog, sapat na lebel ng pisikal na aktibidad, at kung babawasan ang kanilang sedentary time o ang mahabang oras na pag-upo.

Interesado ka bang malaman ang time-use, play behavior at media-use ng inyong anak na edad 3-4? I-click na ang link sa ibaba!
https://tinyurl.com/BatangBibo

15/03/2022

Magandang Hapon! 👋🏻✨

Alam niyo ba na ang pag iskedyul ng mas matagal na oras sa paglalaro at ang pagbabawas ng “screen time” ay mahalaga sa pagsibol ng pagkamalikhan ng isang bata (Gavin, 2021). 📚🎨

Interesado ka pang malaman ang tungkol dito? I-click na ang link sa ibaba! 🤩

https://tinyurl.com/BatangBibo

11/03/2022

Magandang Hapon sainyong lahat! 👋🏻

Alam niyo ba na ang paglalaro ay nakatutulong sa paglaki ng mga bata? Inihahanda nito ang pisikal at intelektwal na aspeto, pati na rin kung paano sila natututong makitungo sa ibang tao. Ito rin ay mahalaga sa pagsasanay ng mga abilidad na kanilang kakailanganin 'pag sila'y lumaki na (Walker et al., 2010; Nijhof et al., 2018).

Interesado ka pang malaman ang tungkol dito? I-click na ang link sa ibaba! 🤩

https://tinyurl.com/BatangBibo

09/03/2022

Ayon sa pananaliksik, nagreresulta rin ang matagal na pagtutok sa screen sa mas mataas na tiyansa na maging overweight at mas kaunting pakikipag-ugnayan sa aktibong paglalaro sa labas at sa malikhaing paglalaro. (Australian Government DOH, 2012)

Kung gusto mo malaman ang time-use, play behavior at media-use ng anak niyong 3-4 years old, paki-click itong link: tinyurl.com/batangbibo

06/03/2022

Greetings! 🤗

We are researchers from the University of Santo Tomas, and we are currently conducting 2 studies for our undergraduate thesis entitled, “Associations of Physical Activity, Screen time, and Sleep with Health and Developmental Outcomes among Filipino Preschool Children” and “Media Use Survey of Filipino Parents with Preschool Children During the COVID-19 Pandemic”.

Please refer to the picture below with the qualifications we are looking for in our participants. If interested, please fill up this form: https://tinyurl.com/BatangBibo 🤩👧🏻👦🏻

And, don’t you worry! By filling out this form, it only means you are interested in joining but does not yet mean you agree to participate. We will further discuss to you the specific details of our study before you make a decision.

If there are any questions, you may contact us directly here on Facebook Messenger, or please do not hesitate to contact us through the contact details listed below.

Thank you so much, and have a good day! 🥰

05/03/2022

Kamusta po kayong lahat? Magandang Hapon sainyo! 🤗

Ayon sa isang pag-aaral, 84% ng mga batang Pilipino ay pinipili ang internet kaysa sa telebisyon. Ang mga bata ay naglalaan ng average na 82 oras sa internet bawat buwan, karaniwan sa pamamagitan ng kanilang mga smartphone, tablet, at telebisyon (Business World, 2019).

04/03/2022

Magandang Hapon! Kamusta kayo? 😄

Alam niyo ba na tuwing naglalaro ang mga bata, malalaman natin kung paano sila mag-isip? Ayon sa Knox Preschool Play Scale, ang mga batang nasa edad tatlo hanggang apat na nahihilig sa mga bagong laro at maliliit na bagay tulad ng beads, string, at iba pa ay kasabay ng kanilang interes matuto ng mga bagong salita (Espino et. al., 2018).

03/03/2022

Magandang Araw sa lahat!

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang tamang paggamit ng oras ay makakatulong upang maiwasan ang mga sakit na pwedeng magdulot ng kapansanan at magresulta sa mga hadlang tungo sa partisipasyon ng mga bata sa mga araw araw nilang gawain (Arufe-Giráldez et al., 2020).

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Culinary Team

Attire

Website

Address


Manila