07/10/2023
I DEPRIVED MYSELF
Few years ago, ganyan ako..
Ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa because of my responsibilities, at breadwinner of the family.
Minsan nakakaiyak, kasi may ife-feed kang inner child, pero i can't do it anyway..
Hindi naman ako nagrereklamo and honestly, I'm deeply grateful dahil naging channel of blessings ako to my family at sa iba.
Pero dumating din ako sa point na sabi ko sa sarili ko na "Ayaw ko na ng ganito, ayaw ko ng dine-deprive yung sarili ko."
Yung tipong gusto kong kumain sa restaurant, pero dahil nagtitipid, sa fastfood na lang or sa bahay nalang.
Naranasan mo din ba?
Yung may gusto kang gawin or bilhin pero di mo magawa kasi may priorities na needs at responsibilities kang kailangan unahin?
Kaya isa sa mga sinabi ko din sa sarili ko nun na lahat ng pwede at gusto kong kainan, kakainan ko talaga pagdating ng panahon..😂 (food addict yarn?)😅
I mean, kung kaya naman natin i-experience yung the best for us, gawin na natin, dba?
Few years back, nagbigay todo sa business ko.. nag fail, bumangon, and fast forward, here am I, starting to enjoy and eat the fruits of my labor.
I have no regrets kasi yung pain na yun yung isa sa mga nagpush sakin to strive and give my best..
Kaya kung nagtitiis ka ngayon to attend your priorities in life, okay lang yan..
Darating ang panahon, you will eat the fruits of your labor too!
Padayon!❤️🔥
——
Join our Community of Entrepreneurs 👇
Filipino Entrepreneurs Mastermind Group