Kahit Sino Programmer

Kahit Sino Programmer Making coding accessible to non-IT professionals, for work, business, organizations, and everyday problem-solving. Technology should be for and by the people.

Who really benefits? Take note, few years na rent-free.
09/08/2026

Who really benefits?
Take note, few years na rent-free.

WHO REALLY BENEFITS? ⚠️

“Walang nakasulat dito na technology transfer. Walang nakasulat dito na magiging sa atin ’yung mga technologies na nandiyan,” Agham spokesperson Giovanni Tapang said during an interview with Balitanghali.

Scientists’ group Agham is opposing the proposed Pax Silica industrial hub over concerns involving technology transfer, resource consumption, industrial waste, and the long-term benefits for Filipinos.

Tapang argued that the Philippines could provide land and locally sourced minerals without obtaining ownership of the technologies introduced through the project. He also questioned whether the projected 130,000 jobs would remain after construction, particularly if major facilities include data centers requiring fewer permanent workers.

The Bases Conversion and Development Authority maintains that the proposed 1,620-hectare development in New Clark City will be manufacturing-driven rather than primarily composed of data centers. It is envisioned to host semiconductor production, advanced manufacturing, artificial intelligence infrastructure, and critical-minerals processing. BCDA projects more than 130,000 jobs once the hub is fully developed.

BCDA also says each facility must obtain environmental clearances and follow Philippine laws. A proposed rainwater-harvesting system is being studied to avoid relying on groundwater. Contract negotiations remain underway, while construction is targeted to begin in 2028.

The project’s actual benefits and environmental effects will depend on the final agreements, binding safeguards, investment commitments, and publicly available technical studies.

05/08/2026

Simple lang naman ang logic ng , kung talagang maganda 'yan, bakit dito itatayo at hindi sa sarili nilang bansa. At huwag i-compare ang data centers na nag-eexist na rito currently, malayong-malayo ang scale n'yan compare sa 1,600 hectares.

At higit sa lahat, kung ang magsasaka at katutubo natin ang nawawalan ng lupa, anong klaseng kaunlaran 'yan? Kaunlaran para kanino?

22/07/2026

Sa Amerika mismo, kaliwa’t kanan ang mga protesta laban sa pagtatayo ng mga dambuhalang data center. Maging ang New York ay nagpatupad ng pansamantalang moratorium kaugnay ng ganitong mga pasilidad. Kung sa kanilang sariling bansa ay kinikilala na ng maraming mamamayan ang panganib nito sa kalikasan at mga komunidad, lalo tayong dapat magtanong: ano ang magiging epekto nito sa Tarlac, isang lalawigang agrikultural?

Sinasabi ng gobyerno na hindi maaapektuhan ang suplay ng tubig. Ngunit ngayon pa lamang, kahit wala pang Pax Silica, nararanasan na natin ang krisis sa tubig sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila. Paano pa kapag nagtayo ng mga pasilidad na nangangailangan ng napakalaking suplay ng tubig at kuryente?

Hindi rin lamang para sa artificial intelligence at microchip development ang Pax Silica. Kabilang sa mga layunin nito ang produksiyon ng mga piyesa at kagamitang maaaring gamitin sa militar. Ibig sabihin, may panganib na maging bahagi ang ating bansa ng isang industriyang nagpapalawak at nagsusuplay sa makinarya ng digmaan.

Maraming komunidad ng mga magsasaka at katutubo, partikular ang mga Ayta, ang maaaring direktang at di-direktang maapektuhan kapag natuloy ang proyektong ito.

Bilang naging aktibong tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo mula 2016 hanggang 2019, nakita ko mismo kung paano sila napalalayas, tinatakot, at hinaharas sa sarili nilang lupang ninuno. Ang karapatan nila sa lupa ay matagal nang ipinagkakait, at hindi natin dapat hayaang maulit ito sa ngalan ng diumano’y “kaunlaran.”

May ilan akong nakausap na nagsasabing makatutulong sa Pilipinas ang pondong ilalaan ng Amerika para sa naturang mga pasilidad. Magbibigay umano ito ng trabaho at oportunidad sa ating bansa.

Ngunit sapat ba ang mga trabahong ito bilang kabayaran sa ating likas na yaman? Sapat ba ito kung ang kapalit ay murang lakas-paggawa at mababang pasahod? Gaano ba karaming pangmatagalang trabaho ang tunay na malilikha? At sino ang makikinabang sa mga ito?

Sapat ba itong kabayaran sa dagdag na pasanin sa ating suplay ng kuryente, na ngayon pa lamang ay hindi na sapat sa ilang probinsiya, at sa suplay ng tubig na patuloy nang nagiging suliranin ng maraming komunidad?

Hindi ito panawagang itigil o ipagbawal ang paggamit ng AI. Hindi tayo laban sa teknolohiya. Ang hinihingi natin ay isang makatarungan at sustenableng imprastraktura, isang sistemang hindi naninira ng kalikasan, hindi umaagaw ng lupa, hindi nagsasamantala sa mga manggagawa, at hindi naglalagay sa mga komunidad sa alanganin.

Ika nga ni Heneral Luna sa pelikula: “Huwag kayong maniwala sa matatamis na salita ng mga Amerikano.”

Bilang isang nasa sektor ng tech education, hindi ko maaaring itikom ang aking bibig. Ang teknolohiya ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng code, paghahanap ng trabaho, pagkita ng pera, o pagkakaroon ng maalwang buhay.

Naniniwala ako na ang teknolohiya ay dapat magsilbi sa lahat, hindi lamang sa iilang korporasyon at makapangyarihang bansa. Higit sa lahat, hindi ito dapat gamitin upang palawigin ang pagsasamantala, pang-aagaw ng lupa, pagkasira ng kalikasan, at karahasan.

Ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat may naiiwan, naaapi, o isinasakripisyo.

Sa mga mahilig mag-comment na mahal or mas mura sa iba ‘yong courses. Ito libre!Honestly, you don’t need to pay to learn...
14/07/2026

Sa mga mahilig mag-comment na mahal or mas mura sa iba ‘yong courses. Ito libre!

Honestly, you don’t need to pay to learn programming. But what you are paying in my course is the curriculum I’ve built in my years of teaching and practice.

Anyway, here is a free tutorial from DICT para sa mga mahilig sa libre.

07/07/2026

“Bad programmers worry about the code. Good programmers worry about data structures and their relationships.”
—Linus Torvalds

Hindi paramihan ng tech stack ang programming.

Mas mahalaga ang malalim na pag-unawa sa fundamentals: paano gumagana ang data, paano ito ino-organize, paano nag-uugnay ang mga bahagi ng system, at paano ito naaapektuhan ng bawat decision sa code.

Learn the fundamentals deeply first. The tools and technologies can follow.

Marami ang agad sumasabak sa “war room” ng frameworks, libraries, at AI tools nang hindi pa handang lumaban. Hindi masama ang gumamit ng modern tools, but without strong foundations, mahirap gumawa ng systems that are reliable, maintainable, and scalable.

Paano kung hindi mo kailangang maging Computer Science or IT graduate para makagawa ng sarili mong web application?Paano...
02/07/2026

Paano kung hindi mo kailangang maging Computer Science or IT graduate para makagawa ng sarili mong web application?

Paano kung ang idea mo para sa small business, organization, classroom, passion project, o future startup ay puwede mong gawing totoong working website or system?

That is why I’m opening this upcoming course.

Hindi lang ito tungkol sa pag-copy ng code o pag-asa nang todo sa AI. Matututuhan mong intindihin kung paano binubuo ang isang web application, from planning your idea, writing code, using AI responsibly, hanggang sa pag-deploy ng project mo online.

Ready ka na bang simulan ang sarili mong tech journey?

Check the full course guide here:
https://drive.google.com/file/d/16py_WTzECVZ8MH7a7Cr28ILeCjPw7t4u/view?usp=sharing

It's the era of AI, at hindi na dapat para lang sa mga nagtapos ng Computer Science o IT ang programming.Five years ago,...
01/07/2026

It's the era of AI, at hindi na dapat para lang sa mga nagtapos ng Computer Science o IT ang programming.

Five years ago, nang magsimula akong gumawa ng coding courses dahil malinaw ang goal ko, gawing mas abot-kaya at mas madaling maintindihan ang programming para sa mas maraming tao.

Naniniwala ako na ang coding ay dapat para sa lahat.

Ang isang magsasaka ay puwedeng gumawa ng simpleng app para sa kanyang trabaho sa farm. Ang isang teacher ay puwedeng bumuo ng sariling organizer na tugma sa paraan niya ng pagtuturo, hindi laging nakaasa sa paulit-ulit na spreadsheets. Ang isang small business, orgs, estudyante, o career shifter ay puwedeng gumawa ng tool para sa sarili nilang pangangailangan.
Mas posible ito ngayon dahil sa AI.

Pero real talk: kung ang hinahanap mo ay kursong magpapangako ng instant job o six-figure income, hindi ito iyon. Hindi ko iyon kayang ipangako, at walang course ang dapat mangako nito. Naranasan ko ring ma-layoff, kaya alam kong may uncertainty talaga sa tech industry.

Pero marami pa ring oportunidad sa tech, lalo na para sa mga taong marunong makakita ng problema, magplano ng solusyon, at gumawa ng bagay na may tunay na silbi.

Hindi mo kailangang maging senior software engineer agad. Pero kapag may nakita kang problema at kaya mong gumamit ng code para gumawa ng solusyon, nagsisimula ka nang maging programmer sa sarili mong level.

That's my goal here at AI-Powered Full Stack Development: From Scratch to Deployment.

It's a16-week asynchronous course for beginners, students, and career shifters na gustong matutong bumuo ng praktikal na web applications, hindi lang manood ng tutorials o gumawa ng mga proyektong walang totoong gamit.

You will learn:
✅ The Foundations of Computer Science (most learners skip this part!)
✅ Web Development gamit ang React.js at Python
✅ MVC Architecture
✅ Polyglot Persistence o paggamit ng iba’t ibang database sa iisang app
✅ Pagde-deploy ng web application
✅ Responsible at maayos na paggamit ng AI sa pagko-code

Higit sa lahat, gagawa ka ng totoo at portfolio-ready na project.
Puwede kang magdala o maghanap ng sariling client, at bumuo ng maliit, but useful na web app para sa kanilang pangangailangan. Sisiguraduhin nating malinaw, realistic, at kayang tapusin ang scope sa loob ng 16 na linggo, hindi malaking project na hindi matatapos.

I will guide you from olanning to deployment.
No one should monopolize programming nowadays. Sa tamang pundasyon, disiplina, at responsableng paggamit ng AI, kaya mong gumawa ng app na may purpose, and with your own style.

📅 This batch will start on Hulyo 27, 2026
💻 16 weeks| Asynchronous in Google Classroom
💰 Course Fee: ₱3,500

Sinadya kong panatilihing abot-kaya ang course fee habang sinusuportahan ang mga gastos sa paghahanda at pagpapatakbo ng klase.

Mag-message sa page or read the full course guide here: It's the era of AI, at hindi na dapat para lang sa mga nagtapos ng Computer Science o IT ang programming.

📅 This batch will start on July 27, 2026
💻 16 weeks| Asynchronous in Google Classroom
💰 Course Fee: ₱3,500

Sinadya kong panatilihing abot-kaya ang course fee habang sinusuportahan ang mga gastos sa paghahanda at pagpapatakbo ng klase.

Mag-message sa page or read the full course guide here to join:
https://drive.google.com/file/d/16py_WTzECVZ8MH7a7Cr28ILeCjPw7t4u/view?usp=sharing

Ito na 'yong sagot sa paulit-ulit na tanong.
22/03/2026

Ito na 'yong sagot sa paulit-ulit na tanong.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kahit Sino Programmer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Kahit Sino Programmer:

Shortcuts

Share