05/01/2024
Para po sa inyong kaalaman mga ka Marino
𝐑𝐄𝐅𝐑𝐄𝐒𝐇𝐄𝐑 𝐎 𝐅𝐔𝐋𝐋 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄?
REFRESHER COURSE:
Kung malapit ng mag-expire ang inyong Certificate of Proficiency (COP), kinakailangan niyo kumuha ng REFRESHER training course kung kayo ay may approved seagoing service na 12 na buwan sa loob ng huling limang (5) taon o tatlong (3) buwan sa huling anim (6) na buwan sa mga barkong 500 GT o higit pa for Deck o 750 kw o higit pa for Engine mula sa petsa ng inyong aplikasyon.
FULL COURSE:
Kung expired naman na ang inyong COPs o kaya’y walang approved seagoing service, kinakailangan niyong kumuha ng FULL COURSE.
🇵🇭