06/08/2026
PAUNAWA SA LAHAT NG MAG-AARAL NG MARIANO MARCOS
Magandang araw sa inyong lahat!
Bilang bahagi ng ating layunin na mapanatiling ligtas at maayos ang ating paaralan, mahigpit na ipinapaalala na ang pagdadala, paggamit, pagbebenta, o pamamahagi ng ipinagbabawal na droga sa loob at labas ng paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal at may kaukulang pananagutan alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran ng paaralan.
Hinihikayat ang bawat mag-aaral na maging responsable sa kanilang mga desisyon, umiwas sa masamang impluwensya, at makiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran para sa lahat.
Kung may nalalaman o pinagdaraanan na may kaugnayan sa usaping ito, hinihikayat kayong lumapit sa inyong g**o, guidance office, o school administration upang makakuha ng nararapat na suporta at tulong.
Tandaan: Ang kinabukasan ay nakasalalay sa mga tamang desisyong ginagawa natin ngayon. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan, edukasyon, at kinabukasan sa pamamagitan ng pagpili ng isang drug-free na pamumuhay.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.