19/08/2026
๐ฃ๐ฃ ANUNSYO MULA SA RCAMES CLUSTERS 5 & 6
Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat dulot ng masamang kondisyon ng panahon, ipatutupad ang RISE/Online Learning Modality para sa mga klase sa LAHAT ng antas bukas, Agosto 20, 2026 (Huwebes). Ang iskedyul at iba pang detalye ng online classes ay ipaaabot ng mga tagapayo sa kani-kanilang mga mag-aaral at magulang.
Bukas din ang mga opisina para sa mga onsite na transaksyon, mula 8:00 am - 4:00 pm.
Sa mga magulang na nagnanais kunin ang libro ng kanilang mga anak, upang makapaghanda sa darating na lagumang pagsusulit, mangyaring makipagcoordinate muna sa mga tagapayo bago magpunta sa paaralan upang mapagkasunduan ang iskedyul ng pagkuha (depende sa lagay ng panahon).
Maraming salamat sa inyong pakikiisa. Mag-ingat po ang lahat, at pagpalain nawa tayo ng poong Maykapal!
- Fr. Nolan, Fr. Nick, & Fr. XP