15/11/2025
Tagumpay ang inuwi sa ating paaralan matapos itanghal si Zandra Caily D. Ortega bilang Kampeon sa ginanap na C.A.L.L.E. (Cup for Academic, Language, and Literacy Excellence) District Level Quiz Bee! Naganap ang kumpetisyon kahapon, Oktubre 14, 2025, sa Sta. Ana Elementary School.
Ipinamalas ni Zandra ang pambihirang sipag, dedikasyon, at kahusayan na naging susi upang pagtagumpayan ang nasabing patimpalak,kasama rin sa tagumpay na ito si John Oliver L. Taylo, ang alternate at katuwang sa paghahanda para sa nasabing patimpalak.
Ang karangalang ito ay nakamit dahil sa pagtutulungan ng buong komunidad ng paaralan. Lubos na pinasasalamatan si Gng. Rodetta E. Estrada bilang G**ong Tagapayo sa kanyang walang sawang paggabay. Kinikilala rin ang dedikasyon at paghahanda ng mga G**ong Tagapagsanay na sina G. Joe Anthony G. Magno at G. Jayson A. Domingo na humasa sa talino ni Zandra. Malaking bahagi rin ng tagumpay ang paggabay ng Puno ng Kagawaran, si Gng. Imee A. Mutia, kasama ang suporta ng lahat ng g**o sa Ika-Siyam na Baitang. Higit sa lahat, pinasasalamatan din ang buong-pusong suporta ng ating Punong G**o, si Gng. Ma. Josefina Bueno Luna.