NAIMBAG NGA ADLAW, MGA KA-LAHI! | KAARAWAN NI?
Manuel Luis Quezon y Molina
“Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas. Isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika” - Manuel L. Quezon
Isang marahuyo at kaiga-igayang kaarawan, Pangulong Manuel Luis Quezon y Molina! Ang Samahan ng Lahing Kayumanggi ay nag-uumapaw sa kaluguran nang iparating namin ang maalimpuyong paggunita sa ika-146 na paglalayag mo sa kaluluwa ng ating Wikang Pambansa.
Bagaman siya’y matagal nang sumakabilang-buhay, ang dilaab ng kaniyang legasiya ay patuloy na lumililok at nagpapaliyab sa ating kaluluwa at kasaysayan. Hindi kailanman matatangay ng habagat o amihan ang bakas ng kanyang mga likha't hangarin kahit pa’t mauhaw ang dalampasigan. Kundi'y mananatiling tanglaw ito sa mga susunod na salinlahi.
Sa pagkakataong ito, bigyang-daan natin ang paggunita sa makabuluhang papel na ginampanan ni Manuel Quezon sa kapanganakan ng ating pambansang wika. Sa usaping ito, ipinasa ang Commonwealth Act 184 na bumuo ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng Kapulungang Pambansa o National Assembly—ang lehislatura sa panahon ng Philippine Commonwealth upang magsagawa ng pag-aaral sa iba’t ibang dialekto sa Pilipinas sa paglalayong magpaunlad at magpatibay ng isang Wikang Pambansa ng Pilipinas, hango sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Ayon sa kanilang pag-aaral, ang wikang 'Tagalog' ang pinakamalapit na makatutugon sa mga pangangailangang itinatakda ng batas para sa pagpili ng isang Wikang Pambansa. Ito ay dahil ang Tagalog ay malawak na ginagamit ng nakararaming mamamayan, pati na rin sa mga lokal na pahayagan, publikasyon, at ng mga indibidwal na manunulat.
Buhat ng resulta ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon ng SWP, INIHAYAG ni Pang. Quezon ang pag-apruba sa pagpili sa wikang ‘Tagalog’ bilang batayan sa pagbuo ng isang Wikang Pambansa, sa paggunita ng araw ng kamatayan at pagka-martry ni Dr. Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1937. Ang proklamasyong ito ay nasasaad sa kanyang Executive Order No. 134 at kanyang binigkas sa radio mula sa Palasyo ng Malacañan.
MALIGAYANG KAARAWAN, AMA NG WIKANG PAMBANSA!
Kapsyon ni: Jared Agosto
Dibuho ni: Seth Dimaano
Samahan ng Lahing Kayumanggi - LDHS
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Lahing Kayumanggi - LDHS, Public School, 2252 Daang Juan Luna, Tundo, Maynila, Manila.
Ang SAMAHAN NG LAHING KAYUMANGGI ay organisasyon sa Mataas na Paaralang Lakan Dula na naglalayong linangin at payabungin ang mga kaalaman, mga kasanayan sa paglikha at pagganap ng mga mag-aaral na kasapi sa larangan ng Wika at Panitikan.
Operating as usual
Mabuhay, mga ka-Lahi!🤎
Lugod kaming nagpapasalamat sa mga lumahok at naghandog ng mainit na pagsuporta sa mga patimpalak na ginanap noong Agosto 16, 2024. Ang inyong pagpapakitang-gilas ay isang regalong maituturing sa pagtatagumpay ng ating samahan. Sa bawat pagsisikap at talinong ipinamalas ninyo, lalo nating napatunayan ang lakas ng ating pagkakaisa.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat! Abangan na lamang ang aming mga anunsyo para sa mga mananalo.
-
Kapsyon ni: Elaiza Marie Ramos
Lente nina: Almhira Nepumucemo, Jamilla Makiling, Joshua Orallo at Ellyssa Jhen Jiao
Magandang gabi, mga Ka-Lahi!
Muli, para sa karagdagang kaalaman para sa mga manlalahok ng Sulat-Bigkas ng Talumpati
Ang patimpalak na sulat-bigkas ng talumpati ay magaganap po sa Agosto 16, 2024 Biyernes ng linggong ito.
Para naman sa oras, 8:30 am - 9:30 am (oras ng pagsusulat), 9:30-10:00 (oras ng pagkabisa, ngunit maaari pa rin hawak-hawak ang ginawang talumpati sa pagbigkas para maging gabay), 10:00-11:00 (oras para sa pagtanghal ng talumpati, hindi baba sa 3 minuto at hindi lalagpas sa 5 minuto).
May mga flaglets habang nagbibigkas:
Green - Simula na
Red - time is up ( limang minuto lamang kada mag-aaral, kaya dapat na mabilis pero polido at may tindig ang pagbigkas ).
Naimbag a rabii, mga ka-Lahi!
Nakahanap ka na ba ng patimpalak na nababagay sa'yo? Tiyak siguraduhin na nakapagrehistro na sa mga namamahala. Ang mga sumusunod ay mga patimpalak na gaganapin sa Agosto 16. Aasahan namin kayo mga ka-Lahi! 🌻
Ka-Lahi, ikaw ba'y mahilig rumampa? O hindi kaya'y pumorma? Ikaw ba'y nahuhumaling sa mga karakter mula sa ating pambansang panitikan? Kung oo, ito na ang perpektong pagkakataon upang ipakita ang husay mo!💥
Sumali na sa CosPinoy at ipakita ang iyong galing sa pagporma't pagrampa bilang isa sa mga paborito mong Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Pilipino!🌟
Para sa mga may nais na sumali, sagutan lamang ang form na ito:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdecN3JzQAVOg2R4BTCQ6Pd415vnOoPaqbLLZxWT_jV-GBS4A/viewform?usp=pp_url
At kung may iba pang katanungan o bagay na gusto pang malaman, makipag-ugnayan lamang kina:
Gng. Lillien Cruz | https://www.facebook.com/lillien.mendoza?mibextid=ZbWKwL
Gng. Michelle Angela Sarabia | https://www.facebook.com/michelleangela.suarez?mibextid=ZbWKwL
G. Laurence Manucom |
https://www.facebook.com/ramncm
G. Russel Ryan Caranto |
https://www.facebook.com/profile.php?id=100082885090403
Bb. Elaiza Marie Ramos | https://www.facebook.com/eliriee?mibextid=ZbWKwL
Bb. Ayumi Justine Mendoza | https://www.facebook.com/ayumijustine.mendoza?mibextid=ZbWKwL
Magandang araw mga ka-Lahi! Mahilig ba kayo sa mga lumang kanta at mga bagong sayaw? Bakit hindi niyo ito pagsamahin? Lumang kanta, bagong sayaw?
Halina at makilahok sa aming patimpalak na Lumang Tugtog, Bagong Yugyog! Ipakita ang iyong galing sa pagsayaw gamit ang mga lumang kanta.
Narito ang google form link upang makapag resgister ang mga kalahok:
https://docs.google.com/forms/d/17egApWSkY2bubFVY9l8D1bDcfHp-Nr1ud9MrwJsES3I/viewform
Makipag-ugnayan kina, G. Jayboy Piano, G. Ferdinand Tinao, Gng. Corazon Vasquez at mga opisyales ng SLK; Mel Olivares at Seth Dimaano.
Narito ang kani-kanilang mga FB Accounts:
• G. Jayboy Piano
https://www.facebook.com/jayboy.piano.9?mibextid=ZbWKwL
• G. Ferdinand Tinao
https://www.facebook.com/ferds.tinao?mibextid=ZbWKwL
• Gng. Corazon Vasquez
https://www.facebook.com/corazonvasq?mibextid=ZbWKwL
• Mel Mikhail
https://www.facebook.com/profile.php?id=100082063997757&mibextid=ZbWKwL
• Seth Dimaano
https://www.facebook.com/seth.dimaano.94?mibextid=ZbWKwL
Ano pa ang iyong hinintay ka-lahi?! SUMALI NA AT MAGYUGYUGAN NA!
Hilig mo ba ang kumanta? O 'di naman kaya ay makinig sa talaga namang nakakakilig na musika? Hali na't sumali sa aming patimpalak na ito, iyong ipakita ang iyong tunay na talento sa pagawit sa bawat taong manonood mo.
Maging bida, makiisa sa "WIKANTAHIN: Awiting Pinoy, Isahimig mo" talento ay hindi tinatago kaya ipakita ito! Ano pa ang inyong hinihintay magaling na batang Lakan Dulan? Tara at ikaw ay makiisa na!
Naririto ang Google Drive link kung saan ipapasa ang mga bidyo ng nais lumahok:
https://drive.google.com/drive/folders/1TjUksAbXI5kw28NM3iqyXuq0uh9hOhkY
Makipag-ugnayan kina G. Richard Bartolata, Gng. Mondido Vanessa, Mel Mikhail at Eros Troy Maglantay.
Narito ang kani-kanilang mga FB Accounts:
• G. Richard Bartolata
https://www.facebook.com/richard.bartolata.165?mibextid=ZbWKwL
• Gng. Mondido Vanessa
https://www.facebook.com/vanessa.mondid?mibextid=ZbWKwL
• Mel Mikhail
https://www.facebook.com/profile.php?id=100082063997757&mibextid=ZbWKwL
• Eros Troy Maglantay
https://www.facebook.com/eros.maglantay?mibextid=ZbWKwL
Sa sining ng pagkukuwento, ang bawat salita ay nagiging sulyap sa isang mundo na puno ng mahika at kababalaghan. Ang bawat kwento ay isang paglalakbay na sumasalamin sa ating mga pangarap, takot, at pag-asa
Ang mga tauhan ay bumubuhay sa ating mga imahinasyon, at sa bawat pagsasalaysay,
binubuksan natin ang pintuan sa isang bagong dimensyon.
Sa bawat detalye at tunog, natutuklasan natin ang sarili at ang mga kuwentong sumasalamin sa ating mga karanasan. Ang pagkukuwento ay hindi lamang paraan ng pagpapahayag, ito ay isang sining na nagbibigay buhay sa ating mga alaala at pangarap.
Ito ay isang pagkakataon na ipakita ang kagandahan ng ating wika at kultura, at sa bawat kuwento, ang ating mga puso ay nagkakaisa sa isang paglalakbay ng pagkamalikhain at pagkakaugnay. Ito ay gaganapin sa ika-16 ng Agosto, 2024 sa ganap na ika-11 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali sa Multi-Purpose Hall
Makipag-ugnayan kina:
Gng. Bacera
https://www.facebook.com/profile.php?id=61559437717383
Bb. Oliva
https://www.facebook.com/kiet.oliva.71
G. Agosto
https://www.facebook.com/jaredjasper.agosto
Bb. Jiao
https://www.facebook.com/ysallysepatriciaaubrey
Magandang Araw, mga ka-Lahi!
Malugod naming inaanyayahan ang lahat na makibahagi at sumaksi sa aming taunang Tagisan ng Talino! 🎉
Sa patimpalak na ito, muling magtatagisan ang pinakamahuhusay na mag-aaral mula sa iba't ibang baitang upang ipamalas ang kanilang natatanging galing at talino. Ang Tagisan ng Talino ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi isang pagkakataon upang maipakita ang husay ng ating kabataan sa kanilang pag-aaral.
Hinihikayat namin ang lahat na sumali dahil ang inyong partisipasyon ay hindi lamang magpapalawak ng inyong kaalaman, kundi magbibigay rin ng pagkakataon upang makilala ang inyong talino at kakayahan!
Kung interesado makipag-ugnayan kina:
Gng. Ma. Paula Mariss D. Insoy : https://www.facebook.com/paulamariss.deguzman?mibextid=ZbWKwL
G. Rustom John Cruz : https://www.facebook.com/profile.php?id=100012652635255&mibextid=ZbWKwL
Bb. Ayumi Suzuki : https://www.facebook.com/bernayumi?mibextid=ZbWKwL
Sagutan rin ang Registration Form upang makalahok: https://forms.gle/aQkmXVRPHiqbRF2t8
Mga ka-Lahi! Ang Sulat-Bigkas ng talumpati ay isang patimpalak na susubok sa kasanayan at husay ng mag-aaral mula baitang 9 at 10 sa pagsusulat ng sanaysay at pagtanghal ng isang talumpati.
Ipamalas ang husay sa pagsulat ng isang sanaysay at pagtatalumpati tungkol sa temang Filipino: Wikang Mapagpalaya. Magparehistro na mga ka-Lahi!
Makipag-ugnayan kina:
Gng. Celestiano
https://www.facebook.com/eloi.cruz1
G. Galicha
https://www.facebook.com/jep.galicha
G. Lucina
https://www.facebook.com/john.arc.L
Bb. Delos Santos
https://www.facebook.com/lizmeir.delossantos
Pagpopost ba ng bidyo sa internet ay iyong interes? O kaya nama'y panonood ng reels ay iyong kinalilibangan. Nais mo bang maibahagi ang iyong kaalaman sa wika ng Pilipinas? Ito ang tiyak na nababagay sainyo!
Ang Wika-Reels ay pagsasagawa ng 1 minuto na bidyo na nakapanghihimok sa mga manonood upang maisulong ang iba't ibang wikain at panitikan sa Pilipinas. Magparehistro na sa mga namamahala! Bukas ang pagpaparehistro simula Agosto 11 hanggang Agosto 15.
Makipag-ugnayan kina:
G. Sia
https://www.facebook.com/virgilio.sia.5
Gng. Belmin
https://www.facebook.com/wengbelmin
Bb. Makiling
https://www.facebook.com/jamillastephanie.makiling.3
Sa bawat salitang binibigkas, may naglalakbay na damdamin. Ang spoken poetry ay isang sining na sumasalamin sa mga lihim ng ating mga puso’t isipan, isang tula na buhay at humihinga sa harap ng madla. Dito, ang bawat taludtod ay isang himig, bawat bantas ay isang pagsasabi ng katotohanan. Sa bawat tula, isang bagong mundo ang lumalantad; isang mundo na puno ng mga kwento, pangarap, at kabiguan.
Bawat pagbigkas ay may sariling ritmo, isang pag-ibig na ibinubuhos sa bawat pangungusap. Ang mga tono ng boses, ang lakas at hina ng mga salita, ay nagiging bahagi ng mensahe.
Ang sining na ito ay nagbibigay ng puwang para sa mas malalim na pagninilay-nilay. Ito ay isang pagdiriwang ng ating pagkamalikhain, isang pagsasalamin ng ating tunay na mga sarili. Ito ay gaganapin sa ika-16 ng Agosto. Magparehistro na!
Makipag-ugnayan kina:
Gng. Alang
https://www.facebook.com/gina.alang
Bb. Capangpangan
https://www.facebook.com/rheapearl.capangpangan.1
Bb. Jiao
https://www.facebook.com/ysallysepatriciaaubrey
Bb. Makiling
https://www.facebook.com/jamillastephanie.makiling.3
Mga ka-lahi, naghahanap ka ba ng isang kakaibang kompetisyon? Tulad ng pagsulat ng slogan at pagguhit? Kung ikaw ay mahilig sa pagguhit at paggawa ng slogan, huwag mag-atubiling lumahok sa paligsahang "Paggawa ng Poster-Islogan" na magpapahayag ng iyong mga ideya gamit ang ating katutubong wika.
Huwag ng palampasin at makipag-ugnayan na sa mga namamahala!
Gng. Versoza
https://www.facebook.com/iza.b.verzosa
Bb. Rea
https://www.facebook.com/rachele.rea.9
G. Carpio
https://www.facebook.com/sdrlenin
G. Orallo
https://www.facebook.com/joshuagabriel.orallo
NAIMBAG NGA ALDAW, MGA KA-LAHI!
Nagmistulang paraiso ang Quadrangle 1 kahapon, ika-9 ng Agosto, nang mamukadkad ang mga marahuyong disenyong ploral na pinagtagpi-tagpi ng kabihag-bighaning kulay na nagbigay-buhay sa takbo ng programa. Matagumpay na inilunsad ng Samahan ng Lahing Kayumanggi at Kagawaran ng Filipino ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” na nag-iwan ng euporikong impresyon sa pagbabadya ng bagong ekspedisyon.
Asahan ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga paligsahan sa opisyal na page ng Samahan ng Lahing Kayumanggi.
Ating ipagbunyi ang Filipino at mga Katutubong Wika!
-
Kapsyon ni: Jared Agosto
Lente nina: Almhira Nepumucemo, Cireesh Max Valenzuela, Ceanne Castillo at John Kazzel Oreta
Ilang bukang-liwayway na ang lumubog, tanan ang ligaya’t lumbay sa rumaragasang batis ng buhay. Kapighatian na galing sa nakalulunod na hagupit ng unos na nakakubli sa bawat pag-agos. Ngunit, sa kabila ng mga hamon, tayo ay mananatili bilang isang Pilipino. Mga Ka-Lahi, ang bawat dapit- hapon ay nagbabadya ng bagong simulain, at ang silahis ng araw na tanging matatanglawan sa paghinahon ng patak ng ulan ang gabay sa pilapil na daraanan. At sa bawat makulimlim na takipsilim, indikasyon ito ng bagong pagkakataon.
Pormal na binubuksan ng Kagawaran ng Filipino at ng Samahan ng Lahing Kayumanggi ang tabing upang malugod na idaos ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” para maipamalas muli ng bawat batang Lakan ang kani-kanilang natatanging mga talento at kakayahan sa iba’t ibang larangan. Para sa mga bagong-bihis sa Mataas na Paaralang Lakan Dula, halika na’t salubungin ang pagkakataong ito at ibandera ang inyong husay at galing.
Inaasahan namin ang inyong mga suporta, mga Ka-Lahi!
Maayong adlaw, mga ka-Lahi!
Noong Mayo 23, 2024 ay pormal na idinaos ang Seremonya ng Pagsasalin ng Tungkulin at Gampanin sa mga susunod na pamunuan ng Samahan ng Lahing Kayumanggi para sa panuruang taong 2024-2025.
Pinangunahan ng mga dating pamunuan ng SLK ang programa at kasama rin sa dumalo ang Puno ng Kagawaran na si Gng. Zenaida G. Evangelista, ang tagapayo at kaagapay na tagapayo ng SLK na sina G. Jayboy T. Piano at Bb. Mari Rose E. Mosuela, at ang mga dalubgurong sina G. Virgilio G. Sia, Gng. Gina V. Alang at G. Ferdinand Tinao.
Mula sa bagong pamunuan ng Samahan ng Lahing Kayumanggi 2024-2025, kami ay lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng Samahan ng Lahing Kayumanggi 2023-2024 sa lahat ng inyong mga nagawa para sa ating organisasyon, aming ipagpapatuloy ang mga magagandang nagawa ng mga naunang pamunuan sa amin at mas lalo namin na ipagbubuti ang samahan.
Nawa'y magtagumpay kayo sa daan na inyong tatahakin, muli maraming salamat at padayon pamunuan, Samahan ng Lahing Kayumanggi 2023-2024!
- Pamunuan, Samahan ng Lahing Kayumanggi 2024-2025
𝟏𝟐𝟑𝟏𝟐𝟑 : 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧, 𝐋𝐚𝐤𝐚𝐧𝐝𝐮l𝐚𝐧𝐬! 🎆
Sa pagdating ng Bagong Taon ng 2024, salabungin natin ito ng may pagmamahal at ngiti sa ating labi. Tayo'y binibigyan ng pagkakataon na muling magdiwang at magpahayag ng pasasalamat sa mga biyayang ating natanggap sa nakaraang taon.
Sa bawat pagpasok ng Bagong Taon, tayo'y nagbibigay-pugay sa mga tradisyon at kultura na nagpapalakas sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ang mga salu-salo, paputok, at mga pailaw ay nagbibigay ng kulay at sigla sa ating mga puso't isipan. Sa gitna ng mga kasiyahan, tayo'y nagkakaisa sa pag-alala sa mga minamahal nating nawala at sa mga hamon na ating nalampasan.
Sa taong 2024, tayo'y magkakaroon ng pagkakataon na maging mas matatag, mas mapagmahal, at mas mapagkalinga. Ang mga pagkakamali ng nakaraan ay maging aral at inspirasyon para sa ating pagbabago at pag-unlad.
𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧, 𝐤𝐚-𝐋𝐚𝐡𝐢! 🎉
Ang mga sumisigaw na "itigil ang kasal!" kahapon pero pag-ibig pa rin ang nanaig.🫶🫶💜💒👰🤵💍
Mabuhay ang mga bagong kasal! Mag- renewal of vows kayo next year!💜🌻🫶
Mabuhay ang bagong kasal!💍🤵👰💒
Salamat, Lakan Dulans sa suporta!🌻💜
Tuloy ang kasal! Kitakits sa ating tagpuan.💍🤵👰💒
Save the date.
12-07-23
Walang kinikilalang kasarian ang pag- ibig. Maging sino ka man, deserve mo ang poreber!🌻🌻💜🫶🌈
Tanggap ka.
Minamahal ka.
Pipiliin ka.
Pakakasalan ka.
Mga Ka-Lahi, may poreber nga ba? Patunayan natin 'yan sa aming Wedding Booth sa Disyembre 7, 2023.💍👰💒🤵
Mapagpalang araw mga ka-lahi!
Ikaw ba ay may talento sa pagdidisenyo?
Ikaw ba ay malikhain?
Nais mo ba maipamalas ang iyong kakayahan sa pamamaraan ng sining?
Kung oo, ang patimpalak na ito ay para sa iyo! 🤎
Halina at makiisa sa darating na programa ng Samahan ng Lahing Kayumanggi na “Fili-Pintuan”. Ano nga ba ito?
Ang Fili-Pintuan ay isang patimapalak na bukas para sa lahat ng baitang (baitang 7, 8, 9 at 10.) Ang bawat pintuan sa isang silid ay maaring disenyuhan batay sa nasabing tema.
Pindutin ang mga larawan na nasa ibaba para sa iba pang impormasyon👇🏼🤎
At makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
•https://www.facebook.com/gina.alang?mibextid=2JQ9oc
• https://www.facebook.com/kiet.oliva.71?mibextid=2JQ9
•https://www.facebook.com/profile.php?id=100012652635255&mibextid=2JQ9oc
• https://www.facebook.com/jep.galicha?mibextid=2JQ9oc
——-
•https://www.facebook.com/Natasha.almhira32?mibextid=2JQ9oc
•https://www.facebook.com/zyrillekeith.yoldi.1?mibextid=2JQ9oc
Halina't sagutan ang Registration Form upang makasali!
https://forms.gle/Wj8RndpXt197uTP19
Maraming salamat! 🤎
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Location
Category
Website
Address
Manila
1013
Opening Hours
Monday | 6:30am - 7:15pm |
Tuesday | 6:30am - 7:15pm |
Wednesday | 6:30am - 7:15pm |
Thursday | 6:30am - 7:15pm |
Friday | 6:30am - 7:15pm |
Saturday | 6:30am - 7:15pm |
Sunday | 6:30am - 7:15pm |
Juan Luna Street , Gagalangin
Manila, 1012
Admins: Chito Caballero, Anne Ampong, Al Mendoza, Elisa Roxas
Pedro Gil Street Paco
Manila, 1007
SCHOOL'S OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF GUIDANCE SERVICES
INTRAMUROS MANILA
Manila
This is the official page of Manila HS SPED Learning Resource Center - Silahis ng Pagkakaisa
Ipil-Tayuman Sts. , Sta. Cruz
Manila
... where culture of excellence begins!
1 Taliba Street San Rafael Village
Manila, 1485
The pioneering Technical Vocational High School in the City of Navotas School ID: 305454
Manila, 4024
Pagbibigay ng kaalaman para sa Lahat hindi galing sa libro at internet
Alvarez Street , Sta. Cruz
Manila, 1003
Official page Home of the Champions since 1916 #tatakBalagtas Where Excellence Begins