24/08/2022
Does voting matter? Makabuluhan ba ang bumoto?
Katanungan ito ng maraming Pilipino. Bagama’t maraming nagsasabi na wala rin lang itong maidudulot na pagbabago, marami pa rin naman ang naniniwala na bilang at bawat boto, sa ibang salita, makabuluhan pa rin naman ito. Totoo man na katumbas lang ng isang boto, ang isang tao, kapag nagsama-sama ang boto ng mga tao, mas lalong lalakas ito.
At dahil sa pinagsama-sama na boto nating mga Pilipino, nakakahalal tayo ng mga opisyal sa gobyerno, na silang magsisilbi sa atin. Sapagkat tayo ang bumoto sa kanila, kung anumang gawain nila, sa maganda man o hindi, meron tayong responsibilidad roon. Sa ibang salita, ang ating mga boto, ay maaaring maging batayan ng ating bansa, kung makakaranas ba ito ng hinahabgad nating progreso at pagbabago, o hindi.
Tandaan natin mga kababayan, na huwag nating sayangin ang ating karapatan na bumoto. Maliit man ang nag-iisang boses ng isang tao, ngunit pag nagsama-sama tayo, lalakas ang boses natin, maririnig ito, at mararamdaman ng gobyerno ang lakas ng bayan.
Change will ultimately come – whether it will be peaceful or violent will depend on us and how we vote at this moment in history