16/07/2024
Linangan 2024: Pagsasakatutubo ng Panukat at Pagtatasa
1-2 Agosto 2024
Bulwagang Lagmay 304
Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon
Inihahandog ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at UP Personality and Individual Differences Research Lab (UPIRL).
Ang dalawang araw na workshop ay naglalayong makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng pagsasakatutubo ng sikolohikal na panukat at pagtatasa. Sa partikular, layon nito na: 1. talakayin ang mga batayang kaisipan at usapin sa pagsasakatutubo ng sikolohikal na panukat at pagtatasa at 2. magbahagi ng mga karanasan at kasanayan sa pagsasaktautubo ng mga sikolohikal na panukat at pagtatasa.
Workshop Fee
• Php3,000 (Kasapi--Kasaping Panghabambuhay ng PSSP o Nagbayad ng membership fee para sa taong 2024; Di-Gradwadong Mag-aaral)
• Php3,500 (Di-kasapi)
• Php4,000 (May kasamang PSSP membership sa taong 2024. Kailangang sagutan ang PSSP Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform.)
Mga Target na Kalahok
• Mga g**o at mag-aaral ng Sikolohiya
• Mga Psychometrician at Psychologist
• Mga naghahanda para sa BLEPP
Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpatala online sa https://bit.ly/4bHEsA1 hanggang 31 Huly 2024 ngunit maaaring isara ang rehistrasyon bago dumating ang araw na ito kapag napuno na ang 30 slots.