Anestisya

Anestisya

Share

Pighati

17/07/2025

"Bituin sa ibabaw ng lilim
Kumikinang paglipas ng takipsilim
Nais kong humiling
Na ikaw ay makapiling"

21/06/2024

"Nilisan ang mapang-aping daigdig
Tagla'y malungkot na himig
At nagsimulang lumuha ang tala
Sa panibagong araw na dala"

10/06/2024

"Lugar ng kalungkutan"

Binaybay ang pampang ng pighati patungo sa dagat ng mapang-api
Sa gitna ng katubigan at kalangitan doon ay nakakapangilabot na matamlay
Sumisid pailalim ng walang katiyakang makakaahon sa problemang dala, nang biglang hilahin ako paibaba ng nilalang na kakaiba

Pasensya at di nakilala kayo po pala, kasunod ng mga luhaang guwardiya
Andun at nagtipon tipon ang mga may karamdamang kalungkutan, bakit sila naparito? Walang tiyak na kasagutan

Sila'y nababalot ng lumbay, nagtataglay ng p**t kaya't matamlay
Sakit, utay-utay silang pinapatay, walang lunas ang kanilang taglay

Uhaw sila sa panremedyo, ubos na ang medisinang gawang siyentipiko
Pero may isang solusyon sa daluyong ng pighati
Ito'y magiwan ng salapi

Ngunit hindi para muling mabuhay, ito'y kabayaran sa pagkitil ng buhay na walang kulay
Isa sa nakakapanlumong desisyon, para sa hindi pumapabor na panahon

18/05/2024

"Berde ang mga dahon ngunit maitim ang mga ugat maliwanag ang kapaligiran ngunit madilim ang kalangitan"

27/03/2024

Hanggang sa'n ka dadalhin ng pagkalungkot? tila tahimik ang kape sa taglamig dahil sa pagbaba ng temperatura sumasabay lang ako sa agos ng buhay ngunit sa dire-diretsong pag agos 'di ko namalayan natisod na pala ako ng pighati at doon pinasok ang diwa sinamantala ang kahinaan

16/03/2024

"Walang tigil na gulong ng damdamin kaakibat ay kalungkutan
Puro negatibong sambit kaya't kalooban'y walang kaluwagan
Nakasuksok sa sulok taglay nito'y anestisyang may tusok
Sa nakakaiyak mong kwento magbibigay pahinga sa sulok"

17/08/2023

Katawa'y nangangaligkig kasabay ay pagbalong ng luha sa batis
Kasing lungkot ng madilim na kalangitan ang puso kasunod ang ulang walang mintis,
Na sa bubong ay kumakaluskos sa pagbaba ng alulod
Sa pagpatak ay di mabilang sa pagiyak ng pagkalunod

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila