PUP PhD Filipino

PUP PhD Filipino

Share

Ang FB Page na ito ay para sa diseminasyon ng impormasyon tungkol sa programang PhD Filipino ng PUP.

Photos from PUP Graduate School's post 09/08/2025
07/08/2025

Tumatanggap na ng aplikasyon para sa Entrance Examination para sa Unang Semestre ng 2025 ang PUP Master of Arts in Filipino (MAF)!

Magsisimula ang Unang Semestre ngayong π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„ πŸπŸŽπŸπŸ“!

Kumuha na ng Entrance Examination!
➑️ https://www.pup.edu.ph/iapply/GSEE

07/08/2025

Tumatanggap na ng aplikasyon para sa Entrance Examination para sa Unang Semestre ng S.Y. 2025-2026 ang PUP PhD in Filipino (PhDFil)!

Magsisimula ang Unang Semestre ngayong π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„ πŸπŸŽπŸπŸ“!

Kumuha na ng Entrance Examination!
➑️ https://www.pup.edu.ph/iapply/GSEE

Photos from PUP Graduate School's post 30/04/2025

Bukas na ang PhD Filipino para sa aplikasyon!

!

01/04/2025

Maligayang Buwan ng Panitikan sa lahat!

Ang Buwan ng Abril ay Buwan ng Panitikan!

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at ang Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board - Philippines, at alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating ipinagdiriwang ang National Literature Month o Buwan ng Panitikan ngayong Abril sa temang "Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran".

Ngayong taon, isang dekada simula nang malagdaan ang proklamasyon, binibigyang-diin natin ang pagsikad ng panitikan bilang mahalagang salik sa paghubog ng ating pagkakakilanlan. Higit pa sa sining ng pagsulat, ang panitikan ay nagsisilbing tulay sa mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika. Ito rin ay nagbibigay-daan sa pagbasag ng mga makalumang pananaw at sa pagpapalawak ng kaisipan para sa mas makabago at progresibong lipunan.

Samahan kami sa buong buwang pagdiriwang!

Bisitahin ang https://ncca.gov.ph/nlm2025/ para sa iba pang impormasyon.

----
Para sa downloadable at editable collaterals, bisitahin ang
https://drive.google.com/drive/folders/1gKk7KKet4MIxjWHIRue1X82FZbckXcXi

29/01/2025

Gusto mo bang makapasok sa Master of Arts in Filipino (MAF) program ng PUP? Ito ay isang lehitimong program na napagkalooban ng Certificate of Program Compliance (COPC) ng CHED. Mag-apply na sa Entrance Examination, bisitahin lang ang link na ito: https://www.pup.edu.ph/iApply/gsee o i-scan ang QR Code!

29/01/2025

Gusto mo bang makapasok sa Doctor of Philosophy in Filipino (PhD Filipino) program ng PUP? Ito ay isang lehitimong program na napagkalooban ng Certificate of Program Compliance (COPC) ng CHED. Mag-apply na sa Entrance Examination, bisitahin lang ang link na ito: https://www.pup.edu.ph/iApply/gsee o i-scan ang QR Code!

07/01/2025

Malugod na pagbati kay DR. ROMEO PEΓ‘A sa pagkakatalaga sa kaniya bilang Miyembro ng Advisory Council ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-National Language Skills Center (NLSC).

Padayon Dr. PeΓ±a!

Polytechnic University of the Philippines 17/09/2024

OPEN pa ang MAF at PhD Filipino sa PUP!

Open pa ang aplikasyon para sa PUP Graduate School Entrance Examination (GSEE) sa programang Master of Arts in Filipino (MAF) at PhD Filipino (PhD Fil) hanggang September 20, 2023 (Biyernes). Magtungo lamang kay Ms. Cherubim Gentolizo sa PUP Graduate School, Hasmin Building, Valencia St., Sta. Mesa, Manila.

Visit this link for the application:

Polytechnic University of the Philippines Polytechnic University of the Philippines

09/08/2024

Dr. Romeo PeΓ±a, the Chairperson of the PhD Filipino program of PUP, is one of the Speakers in the Editors Forum of Monolingual Journal in Filipino on August 30, 2024 at De La Salle University Manila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang mga editor ng mga monolingguwal na journal sa Filipino upang mapag-usapan ang mga hamong kinahaharap ng bansa sa paglalathala ng mga pananaliksik gamit ang wikang Filipino.

Upang higit na maging makabuluhan ang gawaing ito sa Buwan ng Wikang Pambansa 2024, malugod kayong iniimbitahan ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pakikipagtulungan sa Sentro sa Pagsasalin, Intelektuwalisasyon, at Adbokasiya (DLSU SALITA), Andrew Gonzalez Philippine Citation Index, at Departamento ng Humanidades at Agham Panlipunan, sa "SÁMAY: Forum ng mga Editor ng mga Monolingguwal na Journal sa Filipino."

Ang "sΓ‘may" ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ay "pagsasama-sama ng mga himay-himay para bumuo ng disenyo." Kung gayon, layunin ng forum na ito na mapag-usap-usap ang mga editor ng mga journal sa Filipino upang makabuo ng mga kolektibong inisyatiba na makapagpapaunlad sa kultura ng publikasyon gamit ang wikang pambansa.

Magsisilbing mga tagapagsalita sina:

Dr. Alvin B. Yapan, editor ng Katipunan Journal ng Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU)
Dr. Danielle P. Ochoa, editor ng Diwa Journal ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP)
Dr. Rowell D. Madula, editor ng Malay Journal ng Pamantasang De La Salle (DLSU)
Prof. Atoy M. Navarro, editor ng Saliksik Journal ng Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan o Bagong Kasaysayan Inc. (BAKAS)
Dr. Rhoderick V. Nuncio, editor ng Dalumat Journal ng Networked Learning PH. Inc. (NLPH)
Dr. Zendel M. Taruc, editor ng Hasaan Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST)
Dr. Romeo P. PeΓ±a, editor ng Filipinolohiya Journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)
Dr. Aurora E. Batnag, editor ng Kawing Journal ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
Dr. Raquel Sison-Buban, editor ng Salin Journal ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)
Dr. Michael Francis C. Andrada, editor ng Daluyan Journal ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman - Sentro ng Wikang Filipino

Magiging tagapagdaloy naman si G. Christian P. Gopez, tagapagtatag na punong editor ng Sinaya Journal at tagapamahalang editor ng Dalumat Journal.

Ang face-to-face na sesyon ay magaganap sa Pamantasang De La Salle sa Agosto 30, 2024 mula 9:00 nu hanggang 12:00 nt, bagaman limitado lamang ito sa mga piling panauhin.

Maaari namang dumalo ang publiko sa live streaming ng gawain via Zoom sa pamamagitan ng pagrerehistro sa link sa ibaba:

https://bit.ly/Samay2024

Itaas natin ang diskurso ngayong Buwan ng Wikang Pambansa tungo sa higit na Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino!

23/03/2024

Buwan ng Panitikan 2024:
Ang Panitikan at Kapayapaan

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2024 na may temang β€œAng Panitikan at Kapayapaan” na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.

Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiriwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, at lalong pinalawak pa sa pamamagitan ng mga opisyal na online platforms. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, patuloy na dumarami pa ang bilang ng mga grupo na nakikiisa sa nasabing pambansang selebrasyon.

Kaya samahan kaming muli sa isang makabuluhang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan.

04/03/2024
Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Sta. Mesa
Manila
1016