03/09/2025
Buwan ng Wika 2025: Isang Pagdiriwang ng Wika, Sining, at Diwang Makabayan! โจ๐ต๐ญ
Isang makulay at makabuluhang paggunita sa Buwan ng Wika ang isinagawa ng World Light Giver Academy noong Agosto 28, 2025 na may temang โPaglinang sa Filipino at mga Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng bansa.โ
Sa natatanging pagtatanghal ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 muling naipadama ang kahalagahan ng wika sa pagbubuo ng isang matatag at makataong lipunan:
๐ Baitang 7โ Ipinamalas ang kagandahan ng makalumang sayaw at awitin, na sumasalamin sa ating mayamang kultura at tradisyon.
๐๏ธ Baitang 8โ Sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, sabay-sabay na isinatinig ang damdamin ng bayan at kapangyarihan ng wikang Filipino.
๐ Baitang 9โ Ipinakita ang liksi, galing, at disiplina sa sayaw na Tinikling, sagisag ng katatagan ng kulturang Pilipino.
๐ญ Baitang 10โ Muling binuhay ang kabayanihang Pilipino sa dula-dulaan ukol sa buhay ni Jose Rizal, na nagpapaalala sa kapangyarihan ng wika bilang sandata ng pagbabago.
Ang mga pagtatanghal na ito ay hindi lamang aliw at galing, kundi patunay na ang kabataang Pilipino ay tagapagdala ng pag-asa, tagapagtaguyod ng sariling wika, at tagapag-ingat ng ating pambansang pagkakakilanlan.
๐ *Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang kabataang makabayan!