Japinoy Update 日比日報
Translation of documents used for administrative and legal procedures in Japan (for a fee) / Free guidance on administrative procedures in Japan
Japinoy Update is a venue for exchange of information and consultation about life, work, culture, customs, family, marriage, administrative and legal procedures, rules and laws in Japan.
ジャピノイの情報交換。日本における日常生活、就職、文化、習慣、家庭、結婚、行政及び法的手続き、法律に関する最新情報交換及び相談。
Click here to claim your Sponsored Listing.
Our Story
Bilang isang dating naninirahan sa Japan sa loob ng mahigit 20 taon--kasama na ang pag-aaral sa graduate school ng University of Tsukuba, pagiging “sarariman” at pagpapatakbo ng sariling kompanya--naging bahagi ng trabaho ko ang pagsasalin (translation at interpretation) at paggawa ng dokumento para sa mga kapwa Pilipino at ibang foreign residents doon. Sa pamamagitan ng 8 taon na pag-aaral sa Japanese university, masasabi kong naging dalubhasa ako sa wikang Japanese. Sa pamamagitan ng self-study at pagkababad sa trabaho, napag-aralan ko rin ang kanilang Civil Code (minpou) kaugnay sa nationality, family registry o “koseki” at Immigration.
Iba’t-ibang kuwento ng buhay ang natunghayan ko sa bawat legal, administrative o technical procedures na inilapit sa akin para sa Bureau of Immigration, Legal Affairs Bureau, Philippine Embassy, korte, paaralan, ospital, atbp. May mga simpleng proseso na kailangan lamang isalin sa wikang Japanese. Pero ang karamihan ay kumplikado na sinasalamin ang masalimuot na buhay ng mga Pilipino sa Japan. May mga hawig na kuwento, pero walang ganap na magkapareha, kaya magkakaiba pa rin ang tugon na proseso.
Ngayong nasa Pilipinas na ako for good, nilalapit pa rin sa akin ang mga problema ng mga inabandonang anak ng Japanese na ang iba ay may sapat na papeles, ngunit karamihan ay wala. Ganundin ang problema ng mga Japanese descendant o “nikkeijin”, mga nabiyuda o diniborsyong asawa ng Hapon (na malimit hindi nila alam). Karamihan sa mga problemang ito ay nag-ugat sa dekada 80 at 90, na kasagsagan ng entertainment boom kung kailan halos taun-taon may 100,000 talentong pumupunta sa Japan.
Sa pamamagitan ng Japinoy Update, nais kong ibahagi ang mga natutunan ko sa bawat kuwento ng buhay at ang mga hakbang o procedure kung saan naging parte ako sa pagtugon sa problema. May mga hakbang na naging matagumpay, ngunit ang karamihan ay walang kalutasan sa kasalukuyang batas ng Japan at Pilipinas.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Address
AC Cortes Avenue, Alang-alang
Mandaue City
6014
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |