05/04/2022
Kabataang manunulat ng LNHS, sumasabak sa 19th Word Cup
Laping-apat na manunulat mula sa Labogon National High School (LNHS) ang sumabak sa 19th Word Cup Philippines noong Marso 26-27, 2022 na ginanap via Facebook at YouTube Live, GoTo Meeting at Zoom Video Conference.
Lumahok sina Qharissema Tenampay, Ferrylen F. Botilla, Almera Delos Reyes, Fate Aicon Botilla, Jerian Poster, Gilmar Obiso, Irish Limpiado, Honey Shane Tein, Claire Joy Fatima, Jamella Mondares, Sweet Regine Gulay, Marie Pepito, Jenyfer Ramirez, at Vince Edward Blaya, mga mag-aaral mula sa ika-walo hanggang ika-labing dalawang baitang, na may gabay ni Gng. Dorothy C. Seno, School Paper Adviser ng LNHS.
Isang Opening Program ang naganap sa unang araw ng patimpalak na pinangunahan ni G. Eugenio Sonny O. Calapit, ED.D.,LPT.,EN.P., Executive Director ng Edcalibre International.
Sumunod naman ang Press Conference na may paksang "Prospects for the Education Sector in Light of the Pandemic and Economic Crisis," na kung saan iminungkahi ng dalawang partido, Koop Kampi Partylist, na pinamunuan ni Chrissan D. Bravo, Partylist Representative at 1-Ang Edukasyon Partylist, na pinamunuan ni Hon. Atty. Salvador Belaro Jr. , Partylist Former-Representative, ang kani-kanilang mga plataporma.
Tinapos ang nasabing pagpupulong sa isang pangwakas na pahayag ni G. Calapit.
Mahigit kumulang 800 na mga kabataang manunulat at SPAs mula sa iba't-ibang parte ng Pilipinas ang lumahok sa 19th Word Cup.
Taon-taong ginaganap ang Word Cup Forum sa pamumuno ng EdCalibre International. Ito ang ikalawang beses na lumahok ang LNHS sa nasabing patimpalak at pangalawang beses na sa isang birtual format ito ginanap bilang pagsunod sa new normal set-up.
by: Irish Limpiado