06/03/2026
HAPPY PAMASAYAN FESTIVAL 2026!!
Taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Tagpu NHS Band sa kompetisyon 🥁🥁
Sa aming masipag at dedikadong School Band Coordinator na si Sir Jan Marc Bautista, maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay at pagtuturo. Ang iyong malasakit, tiyaga, at dedikasyon ang tunay na humubog sa matagumpay na performance.
Sa Tagpu NHS Teaching at Non-Teaching Personnel sa pamumuno ni Sir Andrew R. Absalon, maraming salamat sa inyong buong pusong suporta, kooperasyon, at mga pagsisikap sa likod ng mga paghahanda.
Sa mga student performers ng TNHS at sa kanilang mga magulang na walang sawang sumuporta, saludo kami sa inyong sakripisyo, tiyaga, at patuloy na pag-unawa.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Brgy. Captain Dominador Ariola ng Brgy. Tagpu sa kanyang bukas-palad na suporta at sa pagbibigay ng libreng pagkain sa tuwing may mga pagsasanay sa gabi. Kami rin ay nagpapasalamat sa mga taong nagkaloob ng libreng transportasyon para sa aming mga performers at mga instrumento.
Sa lahat ng aming donors at supporters, maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at pagtitiwala.
Sa aming mga trainers, taus-puso naming pinahahalagahan ang inyong husay, tiyaga, at walang pagod na pagsasanay upang higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga miyembro ng band.
Sa buong Tagpu NHS Marching Band, binabati namin kayo! 👏🥁
Maaaring hindi man ninyo nakuha ang kampeonato, ngunit para sa amin, kayo ay tunay na mga kampeon dahil sa ipinakita ninyong husay, sakripisyo, at matibay na dedikasyon.
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat!🫶🏻👏