29/08/2025
Matagumpay na idinaos ng Paaralang Elementarya ng Tabuk ang pagdiriwang ng pagtatapos ng Buwan ng Wika.
Iba’t ibang patimpalak ang isinagawa gaya ng Interpretatibong Pagbasa, Sabayang Pagbigkas, Paggawa ng Islogan, Paggawa ng Poster, at Laro ng Lahi.
Ang naturang gawain ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng ating sariling wika at kultura bilang mahalagang bahagi ng pagkakaisa at pag-unlad ng ating bayan.
Ito ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng mga g**o ng Paaralang Elementarya ng Tabuk na pinangungunahan ng Tagapag-ugnay sa Filipino na si Gng. Jelyn Y. Amigo at sa buong-suportang pamumuno ng aming butihing Punong G**o, G. Reymus Dominick G. Arro.