DepEd Isaac B. Caballero High School

Directions

DepEd Isaac B. Caballero High School Welcome to the Official Page of Isaac B. Tupaz Principal I

Caballero High School (Formerly Bugtong NHS) Mandaon North District - SDO Masbate Province 🏫

SCHOOL ID: 302122
SCHOOL ADDRESS: Bugtong, Mandaon, Masbate
SCHOOL HEAD: Sir Robert P.

On behalf of the entire Isaac B. Caballero High School family, we extend our deepest and most sincere congratulations to...
04/07/2026

On behalf of the entire Isaac B. Caballero High School family, we extend our deepest and most sincere congratulations to our esteemed School Head, Sir Robert P. Tupaz, for successfully passing the National Assessment for School Heads (NASH) 2026.

This milestone is a testament to your unwavering dedication, steadfast leadership, and genuine commitment to the noble mission of education. Your success reflects not only your personal perseverance but also the collective pride and inspiration you bring to our school community.

Sir Robert, your achievement reminds us that true leadership is built on integrity, vision, and service. As you continue to guide us toward excellence, may this accomplishment strengthen your resolve to uplift our learners, empower our teachers, and bring honor to our institution.

With gratitude and admiration, we proudly say
IBCHS FAMILY IS SO PROUD OF YOU! 💗👏🏻

To God be the glory! 🙏

👮🏼‍♀️ BAG INSPECTION 👮🏼‍♀️With everything happening around us, schools must step up and strengthen their security measur...
23/06/2026

👮🏼‍♀️ BAG INSPECTION 👮🏼‍♀️

With everything happening around us, schools must step up and strengthen their security measures. They should remain safe havens, a place of peace, not violence — where every student feels protected and valued.

Source : DepEd Order 6, s. 2026 - page 9

Image made using Google Gemini (June 22, 2026)

NO TO BULLYING!...Here is the guide to report bullying incidents in school..
22/06/2026

NO TO BULLYING!...
Here is the guide to report bullying incidents in school..

Nais po namin magpaabot ng taos-pusong pasasalamat at mataas na pagkilala sa lahat ng mga magulang, tagapangalaga, mga g...
12/06/2026

Nais po namin magpaabot ng taos-pusong pasasalamat at mataas na pagkilala sa lahat ng mga magulang, tagapangalaga, mga g**o, at kawani na nakiisa sa ating General PTA Assembly na ginanap kahapon dito sa ISAAC B. CABALLERO HIGH SCHOOL.

Ang tagumpay ng ating pagtitipon ay patunay lamang ng inyong walang-sawang dedikasyon at malasakit sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
​Naging napakahalaga at produktibo ng ating pag-uusap kahapon dahil sa inyong aktibong pakikibahagi sa mga sumusunod na mahahalagang adyenda na ating tinalakay:

​Kaligtasan at Kapakanan ng mga Mag-aaral: Binigyang-diin natin ang mga alituntunin at hakbang upang masig**ong ligtas ang ating mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. Ang paggabay sa kanila laban sa anumang kapahamakan at ang pagpapanatili ng isang maayos na kapaligiran ay responsibilidad nating lahat bilang katuwang sa kanilang paglaki.

​Progreso sa Pag-aaral (Student Progress): Tiningnan natin ang kasalukuyang takbo ng akademikong pag-unlad ng mga bata upang malaman kung paano pa natin sila mas mapupursigi at matutulungan sa kanilang mga aralin.

​Updates para sa Pagsisimula ng Taong Panuruan (Beginning-of-School-Year Updates): Tinalakay din natin ang mga mahahalagang aktibidad, requirements, at paghahanda na dapat tutukan para sa pormal na klase sa susunod na linggo.

​Naniniwala po kami na ang edukasyon at proteksyon ng mga bata ay isang pagtutulungan isang matatag na ugnayan sa pagitan ng tahanan at ng paaralan. Ang inyong paglaan ng oras, sa kabila ng inyong mga abalang iskedyul, ay isang malaking inspirasyon para sa amin na lalo pang pagbutihin ang serbisyo at paggabay.

Sa pamumuno ng aming butihing Punong-G**o Sir Robert Tupaz at sa lahat ng IBCHS personnel sa ​muli po, maraming-maraming salamat po sa inyong tiwala, kooperasyon, at patuloy na pagiging katuwang ng ISAAC B. CABALLERO HIGH SCHOOL. Sama-sama nating akayin ang ating mga mag-aaral tungo sa isang mas ligtas, maliwanag, at matagumpay na kinabukasan!



Isang Matatag na Simula para sa Kinabukasan! 🏫Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, tagapangalaga, at mga g**o ng Isaa...
10/06/2026

Isang Matatag na Simula para sa Kinabukasan! 🏫

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, tagapangalaga, at mga g**o ng Isaac B. Caballero High School para sa ating First PTA Meeting na gaganapin bukas, June 11, 2026, sa ganap na 8:00AM sa TLE Room.

Ang pagpupulong na ito ay isang mahalagang pagkakataon upang talakayin ang mga plano, programa, at adhikain ng paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, mas mapagtitibay natin ang ugnayan ng tahanan at paaralan tungo sa isang mas maayos at matagumpay na taong panuruan.

Naniniwala kami na ang tagumpay ng bawat kabataan ay nakasalalay sa ating pagkakaisa. Kaya naman, ang inyong pagdalo, boses, at suporta ay napakahalaga upang maisakatuparan ang ating layunin na "Stronger Together, Better Tomorrow!" Magtulungan tayo para sa ating mga anak at para sa ating paaralan.

Kitakits po tayo bukas ng umaga!📌

Mahahalagang Paalala para sa mga Dadalo

✅Mangyaring magdala ng sariling ballpen para sa attendance sheet.

✅Dumating nang maaga o bago mag-8:00 AM upang masimulan ang programa sa tamang oras.





📢 OPLAN BALIK ESKWELA 2026Pagbati mula sa Isaac B. Caballero High School!Handa na ba kayo sa Balik-Eskwela? Kami sa IBCH...
04/06/2026

📢 OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Pagbati mula sa Isaac B. Caballero High School!

Handa na ba kayo sa Balik-Eskwela? Kami sa IBCHS ay handang-handa na kayong gabayan at tulungan!

Bilang paghahanda sa Oplan Balik Eskwela 2026, Narito ang Public Assistance Command Center (PACC) team. Upang magbigay-gabay, sumagot sa inyong mga tanong, at duminig sa inyong mga suhestiyon para sa darating na pasukan.

Ang tagumpay ng ating mga mag-aaral ay nangangailangan ng pagtutulungan ng tahanan at paaralan. Kami po ay laging handang maglingkod sa inyo! 💗

Mga Ka-IBCHS Ano tara? 👋🏻🫰🏻

📩 Mag-iwan lamang ng mensahe rito sa ating opisyal page DepEd Isaac B. Caballero High School O mag-email sa: [email protected]



Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa sa unang araw ng ating Brigada Eskwela at Kick-Off Ceremony na gina...
01/06/2026

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa sa unang araw ng ating Brigada Eskwela at Kick-Off Ceremony na ginanap sa DepEd Isaac B. Caballero High School

Isang Malaking Pasasalamat sa lahat ng Barangay Officials sa pamumuno ni Brgy Captain Jason B. Herrera sa walang sawang suporta sa edukasyon.

Sa mga G**o & Non-Teaching Staff at sa pamumuno ng aming School Head Sir Robert Tupaz salamat sa dedikasyon, pagmamahal at pagbibigay ng kalidad na edukasyon para sa mga batang mag-aaral.

Sa mga Magulang, PTA Officers at Stakeholders sa pagkakaisa para sa ating kabataan. Mga Volunteer at Komunidad Salamat inyong oras, lakas, at pagmamahal.

Dahil sa inyong bayanihan, mas handa at mas ligtas ang ating paaralan para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral. Ang inyong kontribusyon ay patunay na walang imposible kapag ang buong komunidad ay nagtutulungan para sa kinabukasan ng ating pag-asa.

Mabuhay po kayong lahat! Sama-sama nating isulong ang isang matatag at handang Isaac B. Caballero High School!





Tawag sa lahat ng mga Magulang, Alunmi, at Marangal na Mamamayan ng IBCHS! 📢 Brgy Bugtong, Mandaon, Masbate TARA NA SA B...
31/05/2026

Tawag sa lahat ng mga Magulang, Alunmi, at Marangal na Mamamayan ng IBCHS! 📢
Brgy Bugtong, Mandaon, Masbate

TARA NA SA BRIGADA ESKWELA 2026! ✨🏫

Ang paghahanda para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral ay nagsisimula sa isang malinis at ligtas na silid-aralan. 🫶🏻

Magkaisa para sa malinis, ligtas, at maayos na paaralan sa Isaac B. Caballero High School (IBCHS)! Narito ang ating schedule para sa buong linggo ng bayanihan.

🗓️ Lunes (Kick-off): Kgd. Jonald C. Nasol (Purok Pag-asa) & PTA Officers

🗓️ Martes: Kgd. Inocencio Salapar (Purok Pag-ibig) & Kgd. Marilyn M. Narciso (Purok Masagana)

🗓️ Miyerkules: Kgd. Esteban Capinig (Dalampasigan) & Kgd. Gwen Betita (Dangkalan)

🗓️ Huwebes: Kgd. Regan Betita (Masunurin) & Kgd. Divine Cabiles (Sampaguita)

🗓️ Biyernes: SK Officials (Lance Clarence U. Absalon) & 4Ps

Kadi na, malinis kita! Kitakits, mga ka-IBCHS! 🤝💗

Ano nga ba ang Opening Block?Ang Opening Block ay ang bagong itinalagang panahon ng paghahanda (preparation time) sa pin...
23/05/2026

Ano nga ba ang Opening Block?

Ang Opening Block ay ang bagong itinalagang panahon ng paghahanda (preparation time) sa pinakaunang linggo ng pasukan. Ito ay bahagi ng bagong ipinatutupad na three-term school calendar ng Department of Education (DepEd).

Sa loob ng 4 hanggang 5 araw na ito, hindi muna isasabak ang mga mag-aaral sa mabibigat na lesson o akademikong talakayan. Sa halip, nakatuon ito sa pag-aayos ng mga dokumento, oryentasyon, at kahandaan ng lahat bago ang opisyal na pagtuturo.

📋 Ano ang ginagawa sa Opening Block?

Learner Profiling & Assessment: Pagsasagawa ng diagnostic tests para malaman ang antas ng kaalaman ng mga estudyante.

Classroom Routines: Pagpapakilala sa mga alituntunin at sistema sa loob ng silid-aralan.

Psychosocial Support: Mga aktibidad para sa mental at emotional health gaya ng icebreakers at team-building upang masanay muli ang mga bata sa school routine.

School Readiness: Pagsasaayos ng enrollment confirmation, school forms, at mga huling paghahanda sa paaralan.

🎯 Bakit ito gagawin ng DepEd?

1. Smooth Transition: Binibigyan ng sapat na transisyon ang mga bata mula sa mahabang bakasyon pabalik sa seryosong pag-aaral upang maiwasan ang biglaang pagkabigla o stress.

2. Ihanda ang Teachers at Mag-aaral: Upang bago pumasok sa susunod na yugto (ang Instructional Block o panahon ng totoong pagtuturo), alam na ng g**o ang kakayahan ng kaniyang klase at plantsado na ang lahat ng kagamitan.

3. Iwas-Abisong Pagkaantala: Layunin ng three-term calendar na magkaroon ng malinaw na hati ang school year upang maging tuloy-tuloy at walang istorbo ang mga araw ng pagkaklase kapag nagsimula na ang pormal na akademikong talakayan.

Excited na kmi mga Ka-IBCHS! 🤗🫶🏻


-aaralHandangPaaralan

Address

BUGTONG, MANDAON, MASBATE
Mandaon
5411

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Isaac B. Caballero High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category