05/05/2026
CALL FOR TUPAD BENEFICIARIES! 🔉
Inaanyayahan po namin ang mga interesadong aplikante para sa TUPAD Program bilang bahagi ng paghahanda para sa Brigada Eskwela.
Naghahanap po kami ng masisipag at pursigidong indibidwal na nais maging bahagi ng ating sama-samang paglilingkod sa paaralan.
📌 Mga Detalye ng Trabaho:
• 11 slots lamang ang available
• 8 oras na trabaho bawat araw
• 10 araw na trabaho sa paaralan
• 💰 Sahod: ₱455.00 bawat araw
👥Sino ang pwedeng mag-apply?
✔️ Edad 18–75 taong gulang (60–75 yrs old, kailangan ng medical certificate)
✔️ Hindi empleyado ng gobyerno o barangay
✔️ Pwede ang mga estudyante (basta hindi pa nagsisimula ang klase)
✔️ Mas prayoridad kung magulang ng mga mag-eenroll ngayong school year
📄 Mga Requirements:
2 kopya ng valid ID (xerox) tulad ng:
•National ID
•Barangay Certification
•PhilHealth ID
•TIN ID
•Voter’s ID/Certification
📍 Paano mag-apply?
Magtungo lamang po sa Dayao ES at makipag-ugnayan para sa kumpletong detalye ng requirements.
📩 Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa aming Punongguro, Sir Danilo C. Licup Jr. o mag-message sa aming FB page.
Magmadali na! Limitado lamang ang slots!
Sama-sama po nating ihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pasukan! 💪🏫