15/07/2026
PET OWNER, NANANAWAGAN NG HUSTISYA MATAPOS UMANONG PATAYIN AT GAWING PULUTAN ANG ALAGANG A*O
Nananawagan ng hustisya ang isang pet owner matapos umanong patayin at gawing pulutan ang kanyang alagang a*o na si "Choco" sa Himo-aw, Hilongos, Leyte.
Ayon sa social media post ng may-ari na kinilalang si Serah, espesyal na regalo niya sa kanyang sarili si Choco matapos niyang makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Sa kanyang salaysay, pansamantala niyang ipinagkatiwala ang a*o sa isang kakilala habang may mahalaga siyang pupuntahan. Subalit nang balikan niya ito kinabukasan, nadiskubre umano niyang naibigay ang a*o sa isang kalapit na bahay na may idinaraos na kaarawan, kung saan umano ito pinatay at ginawang pulutan para sa mga bisita.
Dahil sa insidente, labis ang kanyang hinagpis dahil itinuturing nilang bahagi ng kanilang pamilya si Choco. Nananawagan siya na mapanagot ang mga responsable at mabigyan ng hustisya ang kanyang alagang a*o.
📷 Larawan: Serah Jean Sueno Rentosa
04/07/2026
USEC. CASTRO, HUMINGI UMANO NG TULONG SA CANADIAN POLICE MATAPOS HARASIN NG MGA RALIYISTANG PINOY
Humingi umano ng tulong sa mga pulis sa Vancouver, Canada si Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro matapos umanong harasin at sigawan ng ilang Pilipinong raliyista na nagpoprotesta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa mga kumakalat na video, makikitang lumapit umano si Castro sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang tensyon at pagsigaw ng ilang demonstrador.
Isinagawa ang protesta kasabay ng presensya ng delegasyon ng pamahalaan sa Vancouver. Wala pang malinaw na impormasyon kung may isinampang reklamo o ginawang opisyal na aksyon ang mga awtoridad kaugnay ng insidente.
18/06/2026
JIL- Judas is Lord? - Kiko Barzaga
16/06/2026
SARA BALABAGAN, TINAWAG SI ARNOLD CLAVIO NA ‘MAPAGSAMANTALA’
Nagbigay ng reaksyon ang dating singer na si Sarah Balabagan sa mga pahayag ng broadcast journalist na si Arnold Clavio kaugnay kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang social media post, sinabi ni Clavio na umano’y humihina ang popularidad ni Duterte at naapektuhan na rin ang posibilidad nitong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 dahil sa mga isyung kaugnay ng impeachment case.
Ayon pa kay Clavio, unti-unti nang nabubunyag sa publiko ang umano’y mga isyung kinakaharap ng bise presidente habang nasa puwesto.
Bilang tugon, sinabi ni Balabagan na si Clavio umano ang tunay na “mapagsamantala” at hinikayat itong tigilan na ang patuloy na pagbatikos kay Vice President Duterte.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pangalan nina Balabagan at Clavio noong mga nakaraang taon matapos ihayag ni Balabagan ang mga alegasyon laban sa mamamahayag kaugnay ng kanilang umano’y naging relasyon noong siya ay menor de edad pa.
Sa ngayon, wala pang bagong pahayag si Clavio hinggil sa naging tugon ni Balabagan.
16/06/2026
MAS LALO KAYONG MAG-PANIC PAGTUMAKBO ANG MGA TULFO SA HIGHER POSITON.
Nagbigay ng reaksiyon si Atty. Race Del Rosario sa patuloy na kritisismo laban kina Senador Raffy Tulfo at Senador Erwin Tulfo mula sa ilang sektor at mga netizen.
Ayon kay Del Rosario, maaaring magkaroon ng kabaligtarang epekto ang tuloy-tuloy na pagbatikos sa magkapatid na Tulfo, lalo na kung sakaling magpasya ang isa sa kanila na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.
“Sige inisin ninyo sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo. Kapag isa sa kanila ang tumakbo para sa mas mataas na posisyon, baka mas lalo kayong mag-panic,” pahayag ni Del Rosario.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag mula kina Raffy at Erwin Tulfo hinggil sa posibilidad ng pagtakbo sa mas mataas na pambansang posisyon sa mga susunod na halalan.
16/06/2026
ARNOLD CLAVIO SA MGA WHISTLEBLOWER: "MAGKITA NA LANG SA KORTE"
Posibleng magsampa ng reklamo ang broadcaster na si Arnold Clavio laban sa isa sa mga whistleblower sa isyu ng flood control matapos siyang idawit sa umano’y pamamahagi ng pera sa ilang personalidad sa media.
Sa isang press conference noong Hunyo 16, inangkin ni Mario Ceniza Jr., isa sa mga nagpakilalang dating Marines, na nakita umano niya si Clavio na tumatanggap ng sobre mula sa isang PR practitioner.
Mariing itinanggi ni Clavio ang alegasyon at tinawag itong kasinungalingan.
“Nakakatawa. Nakakalungkot. Pero haharapin ko ito nang walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna,” pahayag ni Clavio.
Dagdag pa niya, wala siyang itinatago at handa siyang harapin ang mga paratang sa tamang proseso.
“Magkita na lang kami sa korte,” aniya.
16/06/2026
MGA SASAKYAN SA UMANO'Y PAGDEDELIVER NG MALETA, WALA NA UMANONG REKORD SA LTO
Ibinunyag ni Atty. Levi Baligod na may mga sasakyang umano'y ginamit sa pagdedeliver ng mga maleta ng pera na hindi na umano matunton sa mga rekord ng Land Transportation Office (LTO).
Ang pahayag ay ginawa sa isang press conference kasama ang 18 dating miyembro ng Philippine Marines na naglahad ng umano'y mga ebidensiya kaugnay ng naturang operasyon.
Ayon kay Baligod, kabilang sa mga isyung kanilang inilalantad ang pagkawala umano ng rekord ng ilang sasakyang sinasabing ginamit sa mga transaksyon.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang LTO kaugnay ng alegasyon.
16/06/2026
“MGA SINUNGALING!” — Sharon Cuneta Denies Allegations Linking Her and Kiko Pangilinan to Controversy
Actress-singer Sharon Cuneta has vehemently denied allegations made by individuals claiming to be former bodyguards of Zaldy Co, who linked her and her husband, Senator Kiko Pangilinan, to the ongoing controversy.
In a social media post, Cuneta dismissed the accusations as false and misleading. She cited a documented family visit to Marawi, noting that she had previously shared a vlog of the trip as a way of thanking local officials and their families for their support of Pangilinan.
Cuneta also questioned claims that a suitcase was allegedly handed to them during the visit, stressing that neither she nor her family has benefited from any illicit activity.
“We continue to work hard for everything we have,” she said, maintaining that the allegations are baseless and untrue.