21/11/2015
Fabella Sisters, naghari sa Sports Fest
Geraldine Ibarra itinanghal na MVP
Pinatahimik ng Jose Fabella Memorial School (JFMS) ang katunggaling Pleasant Hills Elementary School (PHES), 20-25, 25-19, 25-21, 25-9, para makamit ang kampyeon ng kauna-unahang Teachers' Sports Fest noong Biyernes sa Mandaluyong Elementary School (MES).
Pinangunahan ng hinirang na MVP at ng team captain na si Geraldine Marzan Ibarra ang nasabing panalo sa itinala na 15 na laglag.
Nag-ambag naman ang mga kakamping si Mary Jane Antic Cauilan, Madirose Dela Zerna Victorio at Angelica Aborque ng 10, 8 at 6 ayon sa pagkakasunod.
Bagama't lumamang hanggang limang puntos ang taga-Pleasant sa unang set ng laro ay hindi na hinayaan ng Fabella na maungusan ito sa mga susunod na set hanggang sa maipako nito ang 16 na kalamangan.
Samantala, naitanghal man na panalo ang JFMS at si Ibarra bilang MVP, pormal na ibibigay ang parangal sa Mandaluyong Federation of Teachers Christmas Party ngayong Disyembre.