24/09/2026
Aguhon Publication
πππππ πππππ | ππ―π¨ π―π’π΄πͺππ’πΊπ’π― π΄π’ π±π’π¨π΄πͺπ¬π’π΅ π―π¨ π’π³π’πΈ
Kayhirap abutan kung kailan sisikat ang araw, kung paano ito aangat at lulubog sa pagsapit ng dilim. Sa kahirapang abutan ito ay nakalimutan ko na kung paano lumiwanag ang mundo kong binalot din ng pighati.
Mahirap pero hindi imposible, kaya't nagpasiya akong alamin muli kung paano ito sumisikat. Doon ay may nasilayan ako, mga manok na ang agahan ay pagtitilaok, mga mumunting bakas ng ulan mula sa kahapon, ang mga kababayan kong hinahabol ang oras para makapasok, at ang sariling kong tinatanaw kung paano sumikat ang araw.
Hindi lamang pala ang araw ang masisilayan ko kundi maging ang mga pagkakataong muntik ko nang hindi maranasan sa oras na sumuko ako. Kasabay pala sa pag-angat ng araw ang pag-usbong ng pangarap kong maranasan muli sa kinabukasan kung paano ko makakamit ang mga inakala kong hindi ko na masisilayan.
Writer | Nicole P. Penados
Layout & Photo | Maria Frances L. Abrena