12/06/2026
๐๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ ๐ป๐ผ๐ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ-๐ฝ๐ผ๐๐, ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ ๐บ๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ. ๐ญ๐
(ใฃโโกโ)ใฃ โฅ Happy Birthday, P.R.O.โฅ Ali Kae! ๐๐
Wishing you a day filled with happiness, love, and countless reasons to smile. Thank you for your dedication, hard work, and the positive energy you bring to our committee. May this new chapter of your life be filled with success, good health, exciting opportunities, and unforgettable memories.
Continue being an inspiration to those around you and never stop chasing your dreams. We are grateful to have you as part of the family. Enjoy your special day. You deserve all the love and celebration today and always! ๐โจ
Happy Birthday and best wishes from your LCGDSH Family! ๐๐๐ธ
04/06/2026
๐๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ.
Sa isang mundong madalas magtakda kung sino ang dapat nating mahalin at kung paano tayo dapat mamuhay, ang pagpili na maging tunay sa sarili ay isang anyo ng katapangan. Ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa damdamin. Ito ay tungkol sa pagtanggap, paggalang, at pagbibigay-laya sa bawat isa na mamuhay nang may dignidad at pagkakapantay-pantay.
Ang bawat pagtanggi sa diskriminasyon, bawat pagsuporta sa karapatang pantao, at bawat pagyakap sa ating tunay na pagkatao ay bahagi ng isang patuloy na pakikibaka para sa isang lipunang mas makatarungan at mas inklusibo. Sapagkat kapag ang pag-ibig ay tunay na malaya, walang sinuman ang naiiwan at walang pagkakakilanlan ang kailangang itago.
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang ating mga tagumpay, kundi pati ang tapang ng mga naunang lumaban at ang patuloy na paninindigan ng mga taong nagsusulong ng pagkakapantay-pantay hanggang sa kasalukuyan.
Maging malaya sa pag-ibig.
Maging matapang sa pagiging ikaw.
Sapagkat ang pag-ibig na nagpapalaya ay pag-ibig na ugat sa saya.
Happy Pride Month! ๐ณ๏ธโ๐๐ฉท
๐จ: Ali Kae
๐๏ธ: Claire Dela Torre
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Today, the Legislative Committee on Gender Development and Sexual Health (LCGDSH) formally submitted two important documents to the Gender and Development and Student Development Office (GSDO) in support of creating a safer, more inclusive, and equitable university community.
The first submission contains the narrative report and data-gathering results regarding the recognition of transgender graduating students through the use of their chosen names during graduation ceremonies. This initiative seeks to uphold the dignity, identity, and lived experiences of transgender students as they celebrate one of the most significant milestones of their academic journey.
The second submission concerns reports and supporting documents related to alleged incidents raised by members of the RTU community. Through proper channels, we continue to advocate for accountability, protection, and the welfare of all students.
As student leaders and advocates, we remain committed to promoting inclusivity, safeguarding student rights, and ensuring that every member of the RTU community is treated with respect and dignity.
Together, we build a university where everyone is seen, heard, and valued.
01/06/2026
๐ณ๏ธโ๐ ๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐! ๐ณ๏ธโโง๏ธ
Ang Pride Month ay hindi lamang pagdiriwangโito ay pagkilala sa kasaysayan, pakikibaka, at tagumpay ng komunidad ng LGBTQIA+.
Tuwing buwan ng Hunyo, ginugunita sa iba't ibang panig ng mundo ang Pride Month bilang pag-alala sa mga taong naglakas-loob na manindigan laban sa diskriminasyon at hindi pantay na pagtrato. Nagsimula ito matapos ang Stonewall Uprising noong 1969 sa New York, kung saan sama-samang ipinaglaban ng mga LGBTQIA+ ang kanilang karapatan at dignidad bilang tao.
Sa Pilipinas, may mahalagang bahagi rin tayo sa kasaysayan ng Pride. Noong Hunyo 26, 1994, isinagawa ang kauna-unahang Pride March sa Asya na tinawag na "Stonewall Manila." Pinangunahan ito ng mga organisasyon at indibidwal na nanawagan para sa pagkakapantay-pantay, pagkilala, at proteksyon laban sa diskriminasyon. Mula noon, patuloy na lumalakas ang kilusan para sa karapatan ng LGBTQIA+ sa bansa.
Ngayong Pride Month, ating alalahanin ang mga naunang henerasyong nagbukas ng daan upang mas malayang maipahayag ang ating mga pagkakakilanlan. Ipagdiwang natin ang pagkakaiba-iba, igalang ang bawat identidad, at patuloy na isulong ang isang lipunang ligtas, makatarungan, at inklusibo para sa lahat.
Sa ating Unibersidad Mahalaga ang Papel ng LGBTQIA+ dahil sila ay mga G**o, Mag-aaral, Kabataan, Leader Studyante na nag sisilbing tanda na sila ay nariyan at Patuloy na nagsusulong ng pantay at pagiging inklusibo.
๐ Ang Pride ay hindi lamang tungkol sa kung sino tayo. ito ay tungkol sa karapatang mabuhay nang malaya, may dignidad, at may paggalang.
Happy Pride Monthch, mga Rizalianos! Patuloy nating ipaglaban ang pagkakapantay-pantay, pagtanggap, at pagmamahal para sa lahat.
๐ณ๏ธโโง๏ธ๐ณ๏ธโ๐โจ
31/05/2026
๐จ๐ณ๏ธโโง๏ธ ๐๐๐ฆ๐ง ๐๐๐๐ | ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ก๐๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆ ๐จ๐
This is the FINAL CALL for transgender graduating students of Academic Year 2025โ2026 to answer our Sensing Form for Graduation Recognition.
Your participation is vital in helping us identify concerns, experiences, and recommendations regarding:
๐ณ๏ธโโง๏ธ Use of affirmed names
๐ณ๏ธโโง๏ธ Gender expression and presentation during graduation activities
๐ณ๏ธโโง๏ธ Respectful recognition of gender identity
๐ณ๏ธโโง๏ธ Other concerns related to inclusivity and dignity
As we continue to advocate for a graduation experience that is safe, respectful, and affirming for all, your voice matters.
โฐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐: Tuesday, 11:59 PM
If you have not yet responded, we highly encourage you to accomplish the form before the deadline.
Registration Form:
๐ https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
๐ https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
๐ https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
Together, let us work towards a graduation ceremony where every student's identity is recognized with dignity and respect. ๐ณ๏ธโโง๏ธ๐
๐๐ณ๏ธโโง๏ธ ๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ข๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ก๐๐๐ฅ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆ (๐ฆ๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ)
As part of our commitment to inclusivity, dignity, and equal recognition for all students, we are conducting a sensing form for transgender graduating students for the Academic Year 2025โ2026.
This initiative aims to identify the concerns, experiences, and needs of transgender students regarding graduation recognition, including:
โข Use of affirmed names
โข Gender expression and presentation
โข And other matters related to respect and identity recognition
Graduation is a celebration of achievement and hard work. Every student deserves to experience it in a safe, respectful, and inclusive environment free from discrimination.
We highly encourage all transgender graduating students to participate and let your voices be heard as we continue to advocate for a more inclusive academic community. ๐ณ๏ธโโง๏ธ
Registration Form Link:
https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
https://forms.gle/V4ExR173sHx8t2tBA
29/05/2026
๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Mariing kinikilala ng RTU SSC โ Legislative Committee on Gender Development and Sexual Health (LCGDSH) ang mga kumakalat na ulat, hinaing, at usapin sa social media hinggil sa umanoโy hindi angkop na relasyon ng ilang g**o sa kanilang mga estudyante, gayundin ang mga insidente ng panghuhusga, pangmamaliit, at hindi makataong pagtrato ng ilang student leaders sa kapwa mag-aaral.
Bilang komiteng nagsusulong ng gender sensitivity, safe spaces, at karapatan ng bawat estudyante, naninindigan ang LCGDSH na ang anumang uri ng abuso sa kapangyarihan, harassment, diskriminasyon, at hindi propesyonal na pakikitungo ay walang puwang sa loob ng akademikong institusyon.
Nais din naming ipaalala na nakapaloob sa Student Manual ng Rizal Technological University ang pagsunod sa mga umiiral na special laws at implementing rules na nagbibigay proteksyon sa mga estudyante laban sa pang-aabuso, harassment, at diskriminasyon. Kabilang dito ang:
โข Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act
โข Republic Act No. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995
โข Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC)
โข Mga probisyon ng Anti-Discrimination Ordinance (ADO) at iba pang gender-sensitive policies na umiiral sa loob at labas ng pamantasan
Ang relasyon sa pagitan ng g**o at estudyante ay may kaakibat na power imbalance at responsibilidad. Dahil dito, ang anumang sitwasyon na maaaring magdulot ng discomfort, coercion, favoritism, exploitation, o conflict of interest ay dapat seryosohin at mabigyang agarang aksyon ng mga kinauukulang opisina.
Dagdag pa rito, nais din naming paalalahanan ang lahat ng student leaders at miyembro ng komunidad na ang pagiging lider ay hindi lisensya upang manghusga, manlait, o maliitin ang pagkatao, identidad, at personal na buhay ng kapwa estudyante. Ang pamumuno ay dapat nakabatay sa respeto, integridad, at malasakit.
Simula sa darating na linggo, ang LCGDSH ay makikipag-ugnayan na sa mga kaukulang opisina ng unibersidad upang mabigyang pansin, maimbestigahan, at mabigyan ng kaukulang aksyon ang mga kumakalat na usapin at mga sumbong na natatanggap mula sa mga estudyante.
Hinihikayat namin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at tiyaking ang bawat pahayag at aksyon ay hindi nakakasira sa dignidad at kaligtasan ng iba. Kasabay nito, patuloy naming hinihikayat ang mga estudyanteng may hinaing o nais magsumbong na dumaan sa tamang proseso at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang masig**o ang maayos, ligtas, at makatarungang pagresolba sa bawat usapin.
Ang LCGDSH ay mananatiling kaisa ng mga estudyante sa pagsusulong ng ligtas, inklusibo, at makataong pamantasan para sa lahat.
27/05/2026
Ang Eid Al-Adha ay paalala na ang tunay na pananampalataya ay naipapakita sa pamamagitan ng sakripisyo, malasakit, at pagkakaisa.
Malugod na binabati ng Legislative Committee on Gender Development and Sexual Health ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha.
Nawaโy magdala ang banal na okasyong ito ng kapayapaan, pag-asa, at biyaya sa bawat pamilya at komunidad. Patuloy nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba ng kultura at pananampalataya habang isinusulong ang respeto, inclusivity, at pagkakaisa sa loob ng ating pamantasan.
Eid Mubarak mula sa LCGDSH ๐๐
25/05/2026
๐ฆ๐๐ผ๐ฝ ๐๐ผ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ฆ๐ต๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ดโผ๏ธ
โPeople remember how you made them feel. Choose kindness.โ
Ang body shaming at face shaming ay hindi simpleng biro lamang. Words can deeply affect a personโs confidence, mental health, at self-worth. Walang sino man ang dapat husgahan base sa kanilang kasarian, itsura, katawan, kulay, timbang, o physical appearance.
Sa panahon kung saan laganap ang criticism at unsolicited comments, piliin nating maging maingat at makatao sa ating pananalita. Respect costs nothing, but it can mean everything to someone struggling silently.
LCGDSH encourages everyone to promote compassion over judgment, empathy over mockery, at inclusivity over discrimination. Dahil ang bawat tao ay deserving mahalin at respetuhin nang walang kondisyon.
Stop normalizing insults disguised as โjokes.โ
Kindness will always look better on everyone.
25/05/2026
โผ๏ธ๐ฅ๐ฎ๐ฝ๐ฒ ๐ถ๐ ๐ก๐ผ๐ ๐ฎ ๐๐ผ๐ธ๐ฒโผ๏ธ
โRape jokes donโt create laughter, they normalize violence.โ
Ang sexual violence ay hindi kailanman dapat gawing katatawanan, content, o entertainment. Every insensitive remark about r**e contributes to a culture that invalidates survivors and tolerates abuse.
LCGDSH strongly condemns the disturbing r**e joke allegedly delivered by a broadcaster from K5 News FM 101.5 toward a fellow reporter. Remarks like these are not โjust jokesโ โ they normalize sexual violence, reinforce r**e culture, at nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga survivors ng abuse at harassment.
Sa isang lipunang patuloy na lumalaban para sa gender sensitivity at safe spaces, dapat mas maging responsable ang mga taong may public platform sa kanilang mga salita. Media personalities hold influence, at anumang uri ng biro tungkol sa r**e ay maaaring magdulot ng takot, discomfort, at invalidation sa mga biktima ng sexual violence.
Bilang kabataan, may tungkulin tayong labanan ang r**e culture at itaguyod ang respeto, consent, at accountability sa lahat ng espasyo. online man o personal. Ang tunay na humor ay hindi nakakasakit at hindi nangmamaliit ng trauma ng iba.
LCGDSH stands in solidarity with survivors and continues to advocate for safe spaces, gender sensitivity, at zero tolerance sa anumang uri ng pambabastos at sexual harassment.
Maging responsable sa salita.
Maging parte ng pagbabago, hindi ng problema!