DepEd Doña Basilisa Yangco Elementary School

DepEd Doña Basilisa Yangco Elementary School This page is the official FB Page of Dona Basilisa Yangco Elementary School

FYI DBYESians! Stay Safe!
09/08/2026

FYI DBYESians! Stay Safe!

PASOK

Base sa rekomendasyon ng ating CDRRMO at sa huling abiso ng PAGASA sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, SUSPENDIDO ang mga KLASE sa LAHAT ng ANTAS sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong bukas, AGOSTO 10, 2026 (Lunes).

Pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (Modular at Asynchronous Learning) ng pagtuturo.

Paalala sa lahat na manatili sa tahanan, mag-ingat, maging ligtas at manatiling nakatutok sa mahahalagang impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon.

Mandaluyong CDRRMD Hotlines:
📱09564277327 09616965141
📞(02)88362632 (02)85332225
🚨911 National Emergency Hotline

📢 MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM (SBFP) PARENTS' ORIENTATIONTaos-pusong nagpapasalamat ang Doñ...
24/07/2026

📢 MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM (SBFP) PARENTS' ORIENTATION

Taos-pusong nagpapasalamat ang Doña Basilisa Yangco Elementary School sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakiisa sa isinagawang School-Based Feeding Program (SBFP) Parents' Orientation noong Hulyo 24, 2026 sa ating School Ground.

Sa pamamagitan ng oryentasyong ito, naipabatid sa ating mga magulang ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagpapatupad ng School-Based Feeding Program, kabilang ang mga layunin ng programa, mga benepisyo para sa mga mag-aaral, at ang mahalagang papel ng bawat magulang sa pagsuporta sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Ang inyong aktibong pakikilahok at suporta ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng programang ito. Sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, masisig**o natin ang maayos na implementasyon ng School-Based Feeding Program at ang patuloy na paghubog ng mas malusog, mas masigla, at mas handang mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong oras, tiwala, at pakikiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng magandang kalusugan at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang DBYES.

💚 Good Nutrition. Better Learners. Brighter Future.

📢 PAALALA MULA SA DOÑA BASILISA YANGCO ELEMENTARY SCHOOLBilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at disip...
24/07/2026

📢 PAALALA MULA SA DOÑA BASILISA YANGCO ELEMENTARY SCHOOL

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at disiplinadong kapaligiran sa ating paaralan, hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na magsuot ng kanilang School ID araw-araw habang nasa loob ng paaralan.

Ang pagsusuot ng ID ay hindi lamang tanda ng pagiging isang mag-aaral ng DBYES, kundi mahalaga rin upang:
✅ Madaling makilala ang mga mag-aaral, g**o, kawani, at mga bisita.
✅ Mapanatili ang seguridad at kaligtasan sa loob ng paaralan.
✅ Maipakita ang disiplina, responsibilidad, at pagmamalaki bilang isang DBYES learner.

📌 Tamang Pagsusuot ng ID
✔️ Isuot ang ID sa leeg gamit ang lanyard.
✔️ Panatilihing nakaharap at malinaw na nakikita ang ID.
✔️ Huwag ilagay sa bulsa o sa loob ng bag habang nasa paaralan.

📅 Simula: Lunes, Hulyo 27, 2026

⚠️ Paalala: Ang hindi pagsusuot ng School ID ay maaaring magresulta sa paalala at kaukulang aksyon alinsunod sa mga patakaran ng paaralan.

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at suporta ng ating mga magulang at mga mag-aaral sa pagpapanatili ng isang ligtas, disiplinado, at maayos na paaralan.

🛡️ Magsuot ng ID. Maging Handa. Maging Tanggap.

LIBRENG SCHOOL ID AT LANYARD PARA SA MGA MAG-AARAL NA MANDALEÑO! Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagsu...
23/07/2026

LIBRENG SCHOOL ID AT LANYARD PARA SA MGA MAG-AARAL NA MANDALEÑO!

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagsuporta sa edukasyon at kaligtasan ng ating mga mag-aaral. Bawat estudyanteng Mandaleño ay makakatanggap ng LIBRENG School ID at Lanyard para sa mas ligtas at maayos na pag-aaral.

Maraming salamat kay Mayor Menchie Abalos sa walang sawang pagtataguyod sa mga programang pangedukasyon para sa mga kabataan ng Mandaluyong!

Pusuan din natin ang pasasalamat sa Schools Division Office (SDO) Mandaluyong, sa pamumuno ni Dr. Margarito B. Materum, pati na rin sa pamunuan ng Doña Basilisa Yangco Elementary School sa pangunguna ni Gng. Joane C. Sugala, sa kanilang patuloy na paggabay at maayos na paglilingkod sa ating mga estudyante.

Salamat po, Mayor Menchie Abalos, SDO Mandaluyong, at sa lahat ng ating mga pinuno! Sama-sama nating itaguyod ang de-kalidad na edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Mandaleño! 💙

DBYES Strengthens School Safety Through Emergency Simulation ExerciseAs part of our continuing commitment to providing a...
21/07/2026

DBYES Strengthens School Safety Through Emergency Simulation Exercise

As part of our continuing commitment to providing a safe and secure learning environment, Doña Basilisa Yangco Elementary School (DBYES) successfully participated in a School Simulation Exercise (SIMEX) conducted by the Mandaluyong City Police Station (MCPS) on our campus.

The activity was led by the Mandaluyong City Police Station under the leadership of PCOL Reynan V. Patam, Chief of Police, with the support of PCPT Cesar Calanoga, SS5 Commander, and PLT Angel Von P. Occeña, Deputy Commander, SWAT.

The simulation engaged our school administrators, teachers, personnel, and learners in realistic emergency response scenarios aimed at enhancing preparedness, strengthening coordination, and reinforcing appropriate actions during critical incidents. Through this exercise, participants gained valuable experience in emergency protocols, effective communication, and collaborative response strategies.

DBYES extends its sincere appreciation to the Mandaluyong City Police Station for their expertise and dedication in promoting school safety. This meaningful collaboration reflects our shared commitment to ensuring that our school remains a safe, prepared, and resilient learning community for all.

Together, we build a culture of preparedness, resilience, and safety.

FYI DBYESIANS! (Parents and Learners)
16/07/2026

FYI DBYESIANS! (Parents and Learners)

Wishing you a Happy Birthday to DepEd Secretary Sonny Angara!Thank you for your dedicated service, leadership, and unwav...
15/07/2026

Wishing you a Happy Birthday to DepEd Secretary Sonny Angara!

Thank you for your dedicated service, leadership, and unwavering commitment to uplifting the quality of education for every Filipino learner. May you have a wonderful and rewarding celebration, surrounded by joy, good health, and continued success in all your noble endeavors for our nation.

Mabuhay po kayo!

HAPPY 1ST YEAR ANNIVERSARY MA'AM JOANNE!
01/07/2026

HAPPY 1ST YEAR ANNIVERSARY MA'AM JOANNE!

DBYESians ADVISORY
26/06/2026

DBYESians ADVISORY

Isang mahalagang paalala para sa lahat ng mga magulang, guardian, mag-aaral, at kawani ng Doña Basilisa Yangco Elementar...
23/06/2026

Isang mahalagang paalala para sa lahat ng mga magulang, guardian, mag-aaral, at kawani ng Doña Basilisa Yangco Elementary School.

Address

C. Castañeda, Namayan
Mandaluyong
1550

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Doña Basilisa Yangco Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Doña Basilisa Yangco Elementary School:

Shortcuts

Share