04/04/2026
MANDALEÑO, ORAS NA PARA MAGPAREHISTRO! 🗳️
Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang mga Mandaleño na alamin ang mga lugar at petsa ng Satellite Registration ng Commission on Elections (COMELEC) sa lungsod ngayong buwan ng Abril, upang maging handa at aktibong botante. 🏙️
Kabilang sa mga serbisyong inaalok:
• 🆕 Bagong rehistro
• 📍 Paglilipat ng tirahan
• 🔄 Reaktibasyon ng rekord
• ✏️ Pagwawasto ng mga detalye
Magparehistro, makilahok, at iparinig ang boses ng demokrasya sa araw ng eleksyon.
Posted by: Mandaluyon PIO FB Page
29/12/2025
📣 MAHALAGANG ANUNSYO! 📣
🎉 Tara na, Batang Mauwayans—sama-sama tayong makiisa! 🎉
Inaanyayahan ang lahat ng kabataan edad 15–30 taong gulang na DUMALO, MAKILAHOK, at AKTIBONG MAKIISA sa Pag-uulat sa Ikalawang Quarter ng Taong 2025 ng ating SK Chairwoman, Tatiana Gwyneth A. Rosales.
📅: December 30, 2025 (Tuesday)
🕒: 9:00 AM
📍: Bagong Mauway Ehemplo Covered Court, located at Block 5
Halina’t alamin ang mga naisagawang proyekto, mga hangarin, at iba pang programang inihanda para sa kabataan ngayong 2nd Quarter of 2025.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maging kabahagi ng pagbabago sa ating barangay!
03/12/2025
(FINAL PART) Bright Minds & Excellent Mauwayans Awarding Ceremony for Honor Graduates, Board Passers, Drum & Lyre and LIKDOA
November 30, 2025 at Block 5 Covered Court
A project for the youth of Barangay Mauway funded by Barangay Funds through the initiative of Brgy. Chairman Froilo Achilles Evangelista & Council and SK Chairwoman Tatiana Gwyneth Rosales & Council
03/12/2025
(PART 3) Bright Minds & Excellent Mauwayans Awarding Ceremony for Honor Graduates, Board Passers, Drum & Lyre and LIKDOA
November 30, 2025 at Block 5 Covered Court
A project for the youth of Barangay Mauway funded by Barangay Funds through the initiative of Brgy. Chairman Froilo Achilles Evangelista & Council and SK Chairwoman Tatiana Gwyneth Rosales & Council
03/12/2025
(PART 2) Bright Minds & Excellent Mauwayans Awarding Ceremony for Honor Graduates, Board Passers, Drum & Lyre and LIKDOA
November 30, 2025 at Block 5 Covered Court
A project for the youth of Barangay Mauway funded by Barangay Funds through the initiative of Brgy. Chairman Froilo Achilles Evangelista & Council and SK Chairwoman Tatiana Gwyneth Rosales & Council
03/12/2025
(PART 1) Bright Minds & Excellent Mauwayans Awarding Ceremony for Honor Graduates, Board Passers, Drum & Lyre and LIKDOA
November 30, 2025 at Block 5 Covered Court
A project for the youth of Barangay Mauway funded by Barangay Funds through the initiative of Brgy. Chairman Froilo Achilles Evangelista & Council and SK Chairwoman Tatiana Gwyneth Rosales & Council
29/11/2025
Anunsyo para sa mga Bright Minds Recipient (Honor Graduates at Board Passers)
WHAT: BMEM Thanksgiving Mass and Awarding Ceremony
DATE/ Nov 30, 2025 (Sun)
TIME: 7:00 AM
VENUE: Block 5 Covered Court
Paalala:
1. Attendance is a must. Non-attendance means forfeiture ng Incentive
2. Pls bring Claim Stub
3. Awardees should be accompanied by parents/family
4. Please be in your Sundays Best clothes
Slmat po!
22/11/2025
PAGBATI SA MGA NATATANGING MAUWAYANS!
Narito ang mga Mauwayans na nakapasa sa kani-kanilang Board Examinations na nag-qualify sa Board Bassers Incentive Program
Ang mga constituents na ito ay talagang natatangi at angat sa lahat at maipagmamalaki ng Barangay Mauway.
Sila ay makakatanggap ng mga sumusunod:
* Board Passer ng 4-year course - ₱10,000.00
* Board Passer ng 5-year course - ₱15,000.00
Ang lahat ng mga Recipients ay matatanggap ang Incentives sa Awarding Ceremony na gaganapin sa Linggo, November 30, 2025 sa ganap na 7:00 ng Umaga pagkatapos ng Thanksgiving Mass.
Ang mga Recipients at kanilang magulang ay kailangang dumalo.
Mainit na pagbati at ipagpatuloy ang pagiging Ehemplong Mamamayan ng Mauway!
Programang Pang-edukasyon para sa mga MAUWAYANS mula sa pondo ng Barangay sa inisyayibo nina Brgy Chairman Froilo Achilles L. Evangelista & Council at SK Chairman Tatiana Gwyneth A. Rosales & Council
21/11/2025
PAGBATI SA MGA NATATANGING KABATAANG MAUWAYANS!
Narito ang Official List ng mga Kabataang Mauwayans na nakapasa sa Bright Minds and Excellent Mauwayans Honor Graduate Incentive Program.
Ang mga kabataang ito ay nakapasa sa documents assessment ng kanilang academic performance at sa masusing oral and written assessment upang masigurado na ang mga Honor Graduate Incentive ay talagang natatangi at angat sa lahat at maipagmamalaki ng Barangay Mauway.
Maliban sa pagiginging qualified ay magiging automatikong miyembro rin sila ng Bright Minds and Excellent Mauwayans
Sila ay makakatanggap ng mga sumusunod:
Elementary Honor Graduates:
--With Honors: ₱ 5,000
--With High Honors: ₱ 10,000
--With Highest Honors: ₱ 15,000
Senior High School Honor Graduates:
--With Honors: ₱ 10,000
--With High Honors: ₱ 15,000
--With Highest Honors: ₱ 20,000
College Honor Graduates:
--Cum Laude: ₱ 10,000
--Magna Cum Laude: ₱ 15,000
--Summa Cum Laude: ₱ 25,000
Ang lahat ng mga Recipients ay matatanggap ang Incentives sa Awarding Ceremony na gaganapin sa Linggo, November 30, 2025 sa ganap na 7:00 ng Umaga pagkatapos ng Thanksgiving Mass. Ang mga Recipients at kanilang magulang ay kailangang dumalo.
Paalala, gaya nang nabanggit sa FB Live, ang hindi pagdalo sa Awarding ay nangangahulugan ng forfeitude ng Award
Mainit na pagbati at ipagpatuloy ang pagiging Ehemplong Kabataan ng Mauway!
Programang Pang-edukasyon para sa mga Kabataang MAUWAYANS mula sa Pondo ng Barangay sa inisyatibo nina Brgy Chairman Froilo Achilles L. Evangelista & Council at SK Chairman Tatiana Gwyneth A. Rosales & Council
13/11/2025
Magandang araw mga Mauwayans!
Kagabi (November 12, 2025) ay isinagawa sa Brgy Mauway Hall - Old SOCO Building ang Interview and Assessment stage ng mga applicants para sa 4 na natatanging Mauwayans na nakapasa sa kani-kanilang mga Board Examinations ng kanilang kursong kinuha sa Kolehiyo.
Ito ay sa ilalim ng Board Passers Incentive Program ng Bright Minds and Excellent Mauwayans. Ang interview ay isinagawa ni Teacher Rhyan Medina
Malalaman ang resulta ng Interview sa mga susunod na araw
Good luck natatanging Mauways!