Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG

Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG, Education Website, mandaluyong city.

MLHG is a registered local academic-historical organization and accredited by the Local Historical Committees Network (LHCN) of the National Historical Commission of the Philippines.

๐๐€๐€๐๐Ž ๐๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐‹๐”๐๐†๐’๐Ž๐ƒ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐‹๐”๐˜๐Ž๐๐†?Noong panahon ng Kastila, ang Mandaluyong ay kilala bilang isang payak na bayan na ...
10/10/2026

๐๐€๐€๐๐Ž ๐๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐‹๐”๐๐†๐’๐Ž๐ƒ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐‹๐”๐˜๐Ž๐๐†?

Noong panahon ng Kastila, ang Mandaluyong ay kilala bilang isang payak na bayan na napapaligiran ng malalawak na bukirin, makakapal na mga kagubatan, matatayog na batong adobe at matataas na talahiban. Dahil sa mala-probinsya nitong kaanyuan, idagdag pa ang kakulangan ng maayos na kalsada, ay naging mabagal ang pag-unlad ng bayang ito.

Sa panahon ng Amerikano ay nagsimulang itayo sa Mandaluyong ang mga modernong subdibisyon, riles ng tren, mga pasilidad ng pampublikong serbisyo, at mga pabrika at industriya. Nagsimula na ring dumami ang mga maayos na kalsada dahilan upang mapaunlad ang komersyo at ekonomiya ng Mandaluyong simula noong dekada 50. Hindi naglaon, mula sa โ€œfourth-classโ€ ay naging โ€œfirst-class municipalityโ€ ang Mandaluyong bunga ng pag-usbong ng mga industriya at komersyo sa bayan. Noong Nobyembre 7, 1975 ay naging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Mandaluyong.

Bagamat nagtuloy-tuloy ang kaunlaran ay nananatili pa rin itong isang munisipalidad. Naging tanyag din ang Mandaluyong dahil sa biruang โ€œTaga-loobโ€ o โ€œTaga-labasโ€. Tumutukoy ito sa National Center for Mental Health na matatagpuan sa Mandaluyong. Idagdag pa ang pagsubok na kinaharap ng bayan matapos ang batas militar โ€” dumami ang mga informal settlers, mahinang ekonomiya, pagbaba ng piso kontra dolyar, pagdami ng populasyon, kakulangan ng silid aralan, suliranin sa basura, at iba pa.

Ang naging katanungan noon ay โ€œposible bang maging lungsod ang Mandaluyong?โ€

Isa sa naging agam-agam ay ang maliit na sakop ng Mandaluyong kung ikukumpara sa karatig-lungsod na Maynila, Caloocan, Pasay, at Quezon City. Idagdag pa ang mababang bilang ng populasyon at ang kita ng bayan.

Hanggang sa nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang Republic Act No. 7160 o ang โ€œLocal Government Codeโ€ noong Oktubre 10, 1991. Ayon sa batas, upang maging โ€œhighly urbanized cityโ€ ang isang bayan, kinakailangang makuha nito ang mga sumusunod na pamantayan: (1) populasyon na may 200,000 at pataas at (2) ang taunang kita na Php 50 milyon pataas. Hindi nabanggit ang lawak ng teritoryo ng lungsod.

Nagkaroon ng pag-asa ang Mandaluyong.

Noong 1990, ang populasyon ng bayan ay umabot sa 267,756 at noong 1993, ang naging taunang kita ng bayan ay umabot sa mahigit โ‚ฑ500 milyon. Malaking tulong ang mga investors sa Mandaluyong at gayundin ang pagpapatayo ng mga shopping malls, dahilan upang kilalanin noon ang bayang ito bilang โ€œShopping mall capitalโ€ ng bansa.

Kaya naman ay gumawa ng hakbang ang pamahalaang bayan upang simulan ang proseso ng pagsasalungsod. Kinausap ni Alkalde Benjamin Abalos ang ibaโ€™t ibang sektor upang talakayin ang mabuting dulot nito sa bawat mamamayan. Nagpanukala rin si Kinatawan Ronaldo B. Zamora ng San Juan-Mandaluyong ng House Bill No. 4629 na naglalayong gawing lungsod ang Mandaluyong. Ito ay naipasa sa Mababang Kapulungan noong Disyembre 17, 1993. Inakyat ang panukalang batas sa Senado na kung saan ang naging principal sponsors ay sina Senador Vicente โ€œTitoโ€ Sotto at ang tubong-Mandaluyong na si Neptali Gonzales. Noong Enero 24, 1994 ay nagkaroon ng motion si Senador Alberto Romulo upang pagbotohan ang House Bill No. 4629.

Sa botong 22 pabor, 0 tutol, at 0 abstain ay tuluyang naipasa ang HB 4629 sa Senado. Ito ay na-transmit sa Malacaรฑang upang lagdaan ng Pangulo. Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos ang panukalang batas sa isang seremonya sa Malacaรฑang noong Pebrero 9, 1994 kasama ang mga senador, kongresista, at mga opisyal ng Mandaluyong sa pangunguna ni Alkalde Ben Abalos. Ito na ang Republic Act No. 7675. Nilagdaan ito kasabay ng ika-49 anibersaryo ng liberation day ng Mandaluyong.

Upang maging epektibo ang RA 7675, kinakailangan itong sang-ayunan ng Mandaleรฑo. Kaya naman naging pursigido ang lokal na pamahalaan na ikampanya upang bumoto ng โ€œYesโ€ sa plebesito. Sa kabilang banda ay mga grupo rin na tumututol sa pagsasalungsod ng Mandaluyong. Pangunahinh dahilan nito ay ang pangamba ng mataas ng pagbabayad ng buwis, mas mabigat na trapiko, at ang potensyal na karagdagang termino ng punongbayan.

Noong Abril 10, 1994 ay bumoto ang 18,621 Mandaleรฑo pabor sa pagiging lungsod. Samantalang 7,911 ang bumoto kontra sa pagsasalungsod. Tuluyan nang naging lungsod ang Mandaluyong โ€” ang ikalima sa buong Kamaynilaan at kauna-unahan sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Hindi naging madali ang landas na tinahak ng Mandaluyong tungo sa pagsasalungsod. Maliban sa mababang turnout votes noong plebesito ay mayroon pang naghain ng petisyon sa Supreme Court PH upang kuwestiyunin ang nasabing batas. Gayunman ay pinaboran ng Kataas-taasang Hukuman ang nasabing batas at napatunayang legal ito.

Ang pagiging lungsod ng Mandaluyong ay naging inspirasyon ng karatig-bayan upang maging lungsod noong Dekada 90 gaya ng Pasig (RA 7829), Makati (RA 7854), Muntinlupa (RA 7926), Marikina (RA 8223), Las Piรฑas (RA 8251), Paraรฑaque (RA 8507), at Valenzuela (RA 8526).

Bunga ng pagiging lungsod, tumaas pa ang naging kita ng Mandaluyong dahilan upang kilalanin ito bilang โ€œTiger Cityโ€ ng Pilipinas dahil sa pambihirang paglago ng ekonomiya. Ang mga ito ay nagamit sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, pagsasaayos ng mga kalsada at pagtugon sa serbisyo publiko.

Ngayong Oktubre 10 ay ang ika-35 anibersaryo ng Local Government Code.

Sinaliksik ng Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG bilang ambag sa pagtataguyod ng Local Historical Committees Network ng National Historical Commission of the Philippines.

Sanggunian:

โ€ข Journal: Senate of the Philippines, Journal of the Senate, 9th Cong., 2nd Sess. (Jan. 24, 1994).

โ€ข Andaya, Marivic, and Titus Filio, Benjamin "Ben" S. Abalos, Sr., n.p., 1998.


๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐š๐›๐š๐ง๐  ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐ Itinatag noong 1901 ang kauna-unahang pampublikong paaralan ng Sa...
09/10/2026

๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐š๐›๐š๐ง๐  ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐ 

Itinatag noong 1901 ang kauna-unahang pampublikong paaralan ng San Felipe Neri (dating pangalan ng Mandaluyong) sa ilalim ng mga Amerikano. Sa gusaling tinatawag na "Tribunal" (na naging lokasyon kalaunan ng lumang munisipyo sa Kalye F. Blumentritt) ay nagsimula ang mga klase sa hapon (1:00-9:00 pm) sa pamumuno ng isang Amerikanong sundalo na si Mr. Looker, na sinundan ni Mr. Blasรฉ matapos ang anim na buwan. Si Blase ang nagtuturo noon sa panggabi na klase para sa mga kabataang nasa mataas na baytang, samantalang si Victorio Sta. Ana naman ang nagturo sa mga mas bata sa buong maghapon.

Sa sumunod na taon ay nagkaroon pa ng mga hiwalay na klase sa iba't ibang bahagi ng San Felipe Neri (dahil sa kawalan ng permanenteng paaralan) sa pamumuno ng mga gurong sina Miss F***y Dankling, Mr. Eastman, at ang magkapatid na sina Clemente Fernando ("Maestrong Enteng") at Agatona Fernando o โ€œMaestrang Tona.โ€ Si Clemente Fernando ay itinalaga bilang punong-guro (principal) noong 1904. Kalaunan, si Fernando ay naging Presidente Municipal ng Mandaluyong.

Matapos ang 11 taon ay nagkaroon ng sariling lupa para pagtayuan ng isang paaralan sa tulong ni Presidente Municipal Marcelo Lerma noong 1912. Bumili siya ng lupain mula sa Hacienda de Mandaloya. Matatagpuan ito sa Poblacion o โ€œbayanโ€, ang sentro ng San Felipe Neri. Noong 1918 ay itinayo sa panahon ni Presidente Municipal Mariano Castaรฑeda ang isang gusali na may apat na silid-aralan at pinangalanan itong "San Felipe Neri Primary School."

Noong 1926 ay nadagdagan pa ng dalawang Annex school house kaya't naging 17 silid-aralan ito sa ilalim ng termino ni Presidente Municipal Gregorio Pedro.

Ayon sa mga matatanda at gayundin sa mga dokumento, ang lumang Mandaluyong Elementary School ay may isang palapag na Gabaldon-type school house na yari sa kahoy. Ito ay mala-U ang hugis kung pagmamasdan mula sa kalangitan. Ang paaralan ay may silong na may taas na apat na metro mula sa lupa na tinayuan sa pamamagitan ng mga haliging kahoy na nakapatong sa mga pundasyong semento. Ang mga dingding ay gawa sa kahoy at ang bubong ay gawa sa galvanized-iron sheets. Ang mga bintana sa bawat silid-aralan ay gawa sa kapis kaya mayroong bentilasyon sa mga silid-aralan. Mayroong isang malawak at sementadong hagdan na may limang baytang sa harapan ng paaralan. Ang tuktok ng hagdan na kapantay ng pasilyo sa harapan ay nagsilbi ring entablado para sa mga programa ng paaralan. Sa harapan ng paaralan ay may monumento ni Jose Rizal na itinayo noong 1927, na itinuturing na pinakamatandang bantayog ni Rizal sa Mandaluyong.

Sa paglipas ng panahon ay nanatili ang paaralan bilang sentro ng edukasyon ng Mandaluyong hanggang sa nadagdagan pa ang iba pang paaralan sa bayan. Kalaunan ay napalitan ng konkretong gusali ang MES noong 2001.

Ilan sa mga mag-aaral noon sa โ€œBayanโ€ ay sina Senador Neptali Gonzales, mga alkalde na sina Benjamin Ben Abalos, Isaac C. Lopez, Pedro P. Cruz, Ernesto S. Domingo, at Kinatawan Neptali โ€œBoyetโ€ Gonzales II.

Noong Oktubre 2001 ay ipinagdiwang ng DepEd Mandaluyong Elementary School ang ika-100 anibersaryo.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ? ๐ˆ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ‘‡

Sinaliksik ng Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG bilang ambag sa pagtataguyod ng Local Historical Committees Network ng National Historical Commission of the Philippines.


Noong Marso 1986 ay nagkita ang taga-Mandaluyong na si Pangalawang Pangulo Salvador โ€œDoyโ€ Laurel at Punong Ministro Cesa...
02/10/2026

Noong Marso 1986 ay nagkita ang taga-Mandaluyong na si Pangalawang Pangulo Salvador โ€œDoyโ€ Laurel at Punong Ministro Cesar Virata.

Makikita sa larawan ang pagsasalin ng kapangyarihan nina Laurel bilang Punong Ministro at kapalit ng dating Punong Ministro Cesar Virata. Naganap ang kanilang pagkikita sa tanggapan ng Punong Ministro sa dating Executive House, ngayon ay National Museum of the Philippines sa Maynila.

Si Cesar Aguinaldo Virata ay ipinanganak noong Disyembre 12, 1930, sa Kawit, Cavite, at apo sa pamangkin ng Pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ay nagtapos ng kursong Engineering at Public Administration sa University of the Philippines at kumuha ng Master's degree sa Business Administration sa University of Pennsylvania, Amerika. Bago humawak ng posisyon sa pamahalaan, nakilala siya bilang dekano sa UP College of Business Administration at nagtrabaho rin sa SGV & Co.

Noong 1970, hinirang siya ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang Ministro ng Pananalapi (Department of Finance). Kalaunan ay naging Punong Ministro at nanungkulan mula 1981 hanggang 1986. Isa si Virata sa naging technocrat at gabinete ni Marcos noong panahon ng batas militar. Ilan sa kanyang nahawakang posisyon ay National Economic Development Authority (ngayon ay Department of Economy, Planning, and Development), Fertilizer Corporation of the Philippines, miyembro ng Metro Manila Transit Corporation, Presidential Steel Committee, National Security Council, Landbank of the Philippines, Philippine Ports Authority, National Housing Authority at tagapangulo ng Fertilizer Corporation of the Philippines.

Matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986, ay muli siyang nagbalik sa pribadong sektor, partikular sa RCBC.

Si Virata ay aktibo rin sa pagtataguyod ng local history at heritage sa lalawigan ng Cavite. Ibinigay niya ang bahay ng kanyang lolo na si Baldomero Aguinaldo, pinsan ng Pangulong Emilio Aguinaldo sa Binakayan, Kawit, Cavite bilang donasyon sa National Historical Commission of the Philippines. Malaki rin ang kanyang suporta sa pananaliksik, pangangalaga, at pagpapalaganap ng lokal na kasaysayan ng Cavite, kung saan pinamunuan niya ang Cavite Historical Society.

Si Virata ay namatay ngayong Oktubre 2, 2026 sa edad na 95.

Nakikiramay ang Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG sa pamilyang Virata.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฒ๐Ÿฒ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡Si Pedro Cruz y Pascual ay isinilang noong Enero 1, 1896 sa Hagdan Bat...
01/10/2026

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฒ๐Ÿฒ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡

Si Pedro Cruz y Pascual ay isinilang noong Enero 1, 1896 sa Hagdan Bato, Mandaluyong. Noong panahong iyon ay nasa kasiglahan ng pagtatatag ng Katipunan sa Mandaluyong. Ang kanyang ama ay si Francisco de la Cruz na isang labandero at ang kanyang ina ay si Nicolasa Pacual. Siya ay bunso sa sampung magkakapatid.

Bagamat nakaranas ng kahirapan ay likas naman kay Cruz ang katalinuhan at kasipagan sa pag-aaral. Sa gulang na 6 taon ay natuto na siyang bumasa ng Cartilla, Caton, at catecismo. Siya ay nakapag-aral sa Mababang Paaralan ng San Felipe Neri hanggang ikalawang baytang. Nang sumapit siya ng ikatlong baytang ay lumipat sa Mababang Paaralan ng Sta. Ana sa Maynila. Matapos ang isang taon ay lumipat muli si Cruz sa Paco Intermediate School. Tinapos niya ang sekundarya sa Rizal Provincial School noong Marso, 1914.

Si Cruz ay nag-aral ng kolehiyo sa Philippine School of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the Philippines) hanggang sa ikalawang taon noong 1915. Siya rin ay nakapasa sa pagsusulit ng Serbisyo Sibil. Sa nasabing taon ay maagang nagpakasal si Cruz kay Dionisia Emmanuel at biniyayaan ng labindalawang mga anak. Dahil dito ay nagtrabaho na si Cruz bilang kawani ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue Philippines). Si Cruz ay nagtrabaho rin sa ibaโ€™t ibang pagawaan ng bordados hanggang noong 1921 nang magtrabaho naman siya sa Henry W. Peabody & Co., isang bahay-kalakal. Nang magsara ito ay lumipat siya sa Smith Bell & Co., Ltd. hanggang 1923. Hanggang sa naging kontratista at negosyante si Cruz ng kanyang sariling labanderya (laundry shop) noong 1937. Nakilala siya bilang isang mabuting amo para sa kanyang mga empleyado.

Nagsimula sa larangan ng pulitika si Cruz sa tulong ng tubong-Mandaluyong at dating Katipunero na si Florencio Inocentes. Siya ay kinuha ni Inocentes bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Mandaluyong noong 1937 sa ilalim ng partidong โ€œBuklodโ€, ngunit siya ay natalo kay Isaac Lopez. Sa kanyang muling pagtakbo sa ilalim ng Partidong Nacionalista noong 1941 ay nahalal si Pedro bilang punongbayan ng Mandaluyong.

Matinding pagsubok ang kinaharap ni Pedro bilang ama ng bayan dahil sa kanyang unang panunungkulan ay sinakop ng mga Hapon ang Mandaluyong noong Enero 2, 1942. Sinikap niya na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bayan nang walang napapahamak na sinumang mga kababayan. Kanyang tinutukan ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga Mandaleรฑo sa kabila ng krisis na kinahaharap. Hindi rin niya kinalimutan ang kanyang obligasyon bilang Pilipino kaya palihim niyang tinulungan at sinuportahan ang mga gerilya ng Mandaluyong kabilang na ang Javierโ€™s Regiment ni Bonifacio I. Javier at ang Mandaluyong Sabotage ni Juan V. Franco. Tinulungan rin ni Mayor Cruz na mapalaya ang mga sundalong taga-Mandaluyong na nabilanggo sa Capas, Tarlac matapos ang Death March noong Abril 1942.

Nang sumapit ang digmaan noong Enero 1945 ay napilitang umalis si Mayor Cruz at kanyang pamilya sa Mandaluyong dahilan upang pansamantalang humalili sa kanyang katungkulan ang bise-alkalde na si Primo Guzman mula Abril 4 hanggang Agosto 31, 1945. Bago si Guzman ay naging Military Mayor ng Mandaluyong sina Amado T. Reyes (Pebrero 9-11, 1945) at Valente B. Garcia (Pebrero 11-Abril 1945). Noong panahon ng liberasyon ay ipinagpatuloy niya ang pagtulong sa mga kababayan. Muling nakabalik sa katungkulan si Pedro Cruz bilang alkalde noong Setyembre 1, 1945 hanggang Hunyo 1946 nang mapili ni Pangulong Manuel A. Roxas si Bonifacio Javier bilang bagong alkalde ng Mandaluyong.

Sinubukang tumakbo sa pagkaalkalde si Cruz noong 1951 ngunit natalo siya ni Bonifacio Javier. Matapos ang tatlong taon ay muling tumakbo si Cruz noong halalan ng 1955 at nagwagi. Sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ay kanyang tinutukan ang pagpapaunlad ng bayan ng Mandaluyong. Tiniyak niya na maayos ang pagpopondo sa mga kapulisan at binigyan ng programa sa pagtitipid para sa mga kabataan. Kanya ring pinalakas ang mga gawaing pansibiko tulad ng Binibining Mandaluyong at mga paliga sa basketball. Kanyang pinagpatuloy ang pagpapatayo ng bagong munisipyo ng Mandaluyong sa lupain ng Plainview na nagmula sa donasyon ni Don Francisco Ortigas Jr. Patuloy ang pagtaas ng kita ng bayan dahil sa pagpapatayo ng ilang pabrika sa pinaayos na โ€œHighway 54โ€ na ngayon ay kilala EDSA na napalitan sa bisa ng RA 2140 noong 1959. Naitala sa kanyang katungkulan ang 132 mga silid-aralan at 113 pansamantalang mga silid-aralan (1960). Dahil sa patuloy na pag-unlad ng Mandaluyong ay hindi nakapagtataka na may panukala na noong 1957 na maging lungsod ito.

Naging tagumpay din ang pagtugon ni Mayor Cruz sa paglaganap ng epidemya ng sakit ng influenza sa Mandaluyong noong Dekada 50.

Maliban dito ay miyembro rin si Mayor Cruz ng ibaโ€™t ibang samahan katulad ng Mandaluyong Lions Club, Boy Scouts of the Philippines at Rotary Club of Manila. Kanya ring sinuportahan ang mga samahan katulad ng Pureculture for Women, Metropolitan Health Council, at maging ang simbahan ng Iglesia Filipina Independiente.

Kilala si Mayor Cruz bilang โ€œpinakamapagkumbabang alkalde ng Mandaluyongโ€ dahil sa kanyang matapat na paglilingkod.

Si Cruz ay pumanaw noong Oktubre 1, 1960 sa edad ng 64 dahil sa sakit ng kanser. Siya ay inihimlay sa Mandaluyong Public Cemetery.

Bilang pagpupugay ay ipinangalan ang dating Mababang Paaralan ng Mauway bilang Mababang Paaralan ng DepEd - PPCES 136670 Mandaluyong noong Oktukbre 2, 1989 sa panahon ng Punongbayan Ben Abalos. Ipinangalan din ang lansangang Pedro Cruz sa Barangay New Zaniga, Barangay Old Zaniga, at San Jose na isa sa mga kilalang lansangan ng Mandaluyong.

Malaki ang gampanin ni Pedro P. Cruz sa pagpapanday tungo sa pagsasalungsod ng Mandaluyong. Isang pagpupugay at pasasalamat mula sa kanyang mga kababayan.

Sanggunian:
โ€ข _____. (1971). A Profile of the Municipality of Mandaluyong 1971. National Library of the Philippines.
โ€ข Jacobo, Marie Fe., Datuin, Jennifer M., & Ocampo, Arcedita P. (2019, September). Talambuhay ni Pedro P. Cruz.
โ€ข Domingo, Nicanor S. (1956). Maiksing Talambuhay ni Mayor P. Cruz. Mandaluyong Memorial Book.
โ€ข Affidavit of Mayor Pedro P. Cruz dated January 18, 1946.

Saliksik mula sa Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG para sa pagtataguyod ng Local Historical Committees Network ng National Historical Commission of the Philippines.

28/09/2026
Noong Enero 10, 1964 ay naganap ang isang luncheon kay Pangulong Achmed Soekarno (Sukarno) ng Indonesia na pinangunahan ...
28/09/2026

Noong Enero 10, 1964 ay naganap ang isang luncheon kay Pangulong Achmed Soekarno (Sukarno) ng Indonesia na pinangunahan ni Pangulong Diosdado Macapagal sa Villa Pacencia, Mandaluyong. Ito ay bahagi ng limang araw na โ€œworking visitโ€ ni Sukarno sa Pilipinas. Si Sukarno ay ang kauna-unahang pangulo ng Indonesia.

Ngayong Setyembre 28 ay ang ika-116 anibersaryo ng kapanganakan ni Diosdado Pangan Macapagal, ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas (1961-1965).


28/09/2026

PANOORIN: Programa ng paghawi ng tabing ng historical marker ng dating Asilo de Mandaloya, ngayon ay Don Bosco Technical College kasama ang National Historical Commission of the Philippines.


๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐€๐–Nakakalungkot na isipin na may ilang pages na sa halip na magpaalam o kahit maglagay man...
27/09/2026

๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐€๐–

Nakakalungkot na isipin na may ilang pages na sa halip na magpaalam o kahit maglagay man lang ng proper credit upang gamitin ang ating larawan para sa kanilang mga posts ay tahasan pang tinanggal ang watermark at nai-post sa kanilang page na parang sila ang orihinal na may-akda.

Katulad na ginawa ng isang Facebook account ni Jun Candido (nasa 1k followers). Masasabing hindi ito pumasa sa โ€œfair use policyโ€ dahil tahasang tinanggal ang waterwark ng nasabing pubmat at kinopya ang caption na ang orihinal ay gawa ng Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa binubura ang nasabing larawan sa kabila ng pagbibigay ng babala sa kanya. (https://www.facebook.com/share/p/1EDCtKaTYs/?)

Para sa kaalaman ng lahat, ang bawat post na ginagawa natin dito ay nagmula sa malalim na pananaliksik at pinaglalahanan ng oras at sakripisyo upang mapanatili ang โ€œaccuracyโ€ nito. Sinisiguro rin na ang bawat na larawan at konteksto ay may wasto na pagkilala mula sa mga pinagmulan nito o sa pag-mamay-ari.

Mariin na kinukundena ng Mandaluyong Local Historians Guild ang anumang paraan ng pagnanakaw ng orihinal na likhang pubmat at teksto nang walang wastong pagkilala (proper credit) sa orihinal na patnugot nito para sa pansariling interes. Ito ay labag sa batas partikular sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o ang โ€œIntellectual Property Codeโ€. Ang kaparusahan nito ay may pagkakakulong ng tatlong taon at multa mula sa P50,000 hanggang P150,000 para sa first offense.

Hinihimok ang lahat na maging responsable sa pagkuha ng larawan lalo na kung ito ay may mag-mamay-ari. Hinihikayat ang pag-repost ng orihinal na akda kaysa ang pag-copy paste at pagbura ng watermark nang walang pahintulot.

UPDATE (9/28/26): Nabura na ang nasabing post.



๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿด๐Ÿฌ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ดNakapag-filter ka na ba na pang-80s? Hindi lang ito filter kundi legit na mga larawan sa Bayan ...
25/09/2026

๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿด๐Ÿฌ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด

Nakapag-filter ka na ba na pang-80s? Hindi lang ito filter kundi legit na mga larawan sa Bayan ng Mnadaluyong noong 1982. Balikan natin ang ilan sa mga larawan na kung saan kakaunti pa lamang ang mga gusali at kung gaano kapayak ang buhay noon sa Mandaluyong.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ? ๐ˆ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง. ๐Ÿ‘‡

Kuha mula sa Ulat ng Mandaluyong noong 1982 at kinulayan gamit ang Google AI.


23/09/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging saksi sa isang makasaysayang pagtitiponโ€”ang Paghahawi ng Tabing sa Panandang Pangkasaysayan ng Kumbentong Agustino ng Mandaluyong.

Sama-sama nating parangalan at alalahanin ang makulay na kasaysayan, kultura, at pamanang iniwan ng makasaysayang pook na ito sa ating lungsod.

Maaari rin masubaybayan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng Facebook Live Coverage sa mismong FB Page na ito.

Address

Mandaluyong City
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Mandaluyong Local Historians Guild - MLHG:

Shortcuts

Share