17/07/2026
๐๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐จ๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Nagsagawa ang Addition Hills Integrated School (AHIS) ng "๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐๐ฒ" para sa lahat ng mag-aaral ng JHS simula sa ikaโ16 hanggang ikaโ21 ng Hulyo, sa conference room ng paaralan.
Ayon sa School Memorandum No. 093, s. 2026 ang gawaing ito ay isinasagawa upang maipabatid nang maayos ang DepEd Order No. 006, s. 2026 na naglalayong magbigay ng ligtas at payapang kapaligiran sa pagโaaral.
Ang mga mag-aaral ng ika-7 at ika-8 baitang ay magpupulong mula 10:30 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon, samantala ang ika-9 at ika-10 baitang naman ay mula 1:00 ng hapon hanggang 2:30 ng hapon.
โ๏ธJayciel Ann Rica
11 - Academic Track 2
Inaasahan ang kamalayan at mahigpit na pagsunod sa nasabing gawain upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng lahat sa loob ng paaralan.