13/12/2025
Tunay na naging makulay at puno ng saya ang First Family Day ng Payompon Elementary School kung saan nagsama-sama ang mga mag-aaral, magulang, at g**o sa isang araw ng pagkakaisa at kasiyahan. Iba’t ibang gawain at palaro ang nagbigay-daan upang mas mapagtibay ang samahan ng bawat pamilya at ng buong komunidad ng paaralan.
Ipinakita ng aktibidad na ito na ang Payompon Elementary School ay hindi lamang lugar ng pagkatuto, kundi isang tahanan kung saan ang bawat mag-aaral ay sinusuportahan ng kanilang pamilya at ng paaralan. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na First Family Day.
13/12/2025
Kahapon lang ay matagumpay na naisagawa sa ating paaralan ang pagdiriwang ng Reading Month na tampok ang makulay na Parade of Book Characters, kasabay ng Career Awareness Month. Nasaksihan natin ang masiglang paglahok ng mga mag-aaral na buong husay na gumanap bilang mga tauhan sa aklat at buong kumpiyansang ipinakita ang iba’t ibang propesyong kanilang pinapangarap.
Hindi po magiging ganap ang tagumpay ng programang ito kung wala ang patuloy na suporta at pakikiisa ng ating mga magulang. Maraming salamat po sa inyong oras, tiwala, at walang sawang paggabay sa ating mga mag-aaral. Kayo po ang aming katuwang sa paghubog ng mga batang mambabasa at mga pangarap na propesyonal ng hinaharap.
29/11/2025
Ang Payompon Elementary School, bilang bahagi ng Mamburao Elementary Level Delegation, ay buong pusong nagpapahayag ng pasasalamat matapos nating makuha ang 1st Runner-Up at maideklarang Overall 2nd Best Performing District sa katatapos na 2025 Division Schools Press Conference.
Lubos at taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kay Hon. Glecerio “EK” S. Almero III, Municipal Mayor ng Mamburao, sa kaniyang all-out support sa ating mga batang mamamahayag. Ang suporta mula sa Lokal na Pamahalaan, kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Mamburao, ay nagbigay sa ating mga kalahok ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang maipakita ang kanilang husay.
Pinasasalamatan din namin ang Occidental Mindoro National High School, ang host school, sa pangunguna ng kanilang Principal Ma’am Mavel Aguda, kasama ang buong staff at working committee na nagbigay ng maayos, organisado, at matagumpay na daloy ng kompetisyon.
Ipinapaabot din namin ang pinakamataas na pagpupugay at pasasalamat sa DepEd – Schools Division Office of Occidental Mindoro sa matatag na pamumuno ni Dr. Loida P. Adornado, CESO VI, Schools Division Superintendent; kasama sina Dr. Arnaldo G. Ventura, Assistant Schools Division Superintendent, at Dr. Jhonna I. Tajonera, Chief Education Supervisor–CID, na patuloy na nagtataguyod ng kalidad na programa sa campus journalism.
Lubos din ang aming pasasalamat sa dalawang makisig at masigasig na Journalism Focal Persons ng SDO-Occidental Mindoro — Dr. Adelardo I. Malaluan, EPS in English, at si Dr. Eduardo D. Ellarma, EPS sa Filipino — sa kanilang gabay, oras, at dedikasyon sa pagpapalakas ng kakayahan ng batang mamamahayag sa buong dibisyon.
Isang taos-pusong pasasalamat kay Ma’am Eufemia A. Salazar, ang ating masipag at maalagang District Campus Journalism Coordinator. Ang kaniyang dedikasyon ang nagsilbing ilaw at direksyon ng ating mga batang mamamahayag.
Hindi rin matatawaran ang pamumuno at walang sawang suporta ng aming mahal na Punong-Guro, Dr. Dylene R. Eje, na patuloy na nagtataguyod ng kahusayan at paghubog sa mga batang manunulat ng Payompon Elementary School.
At higit sa lahat, isang napakalaking pasasalamat sa ating mga magulang na walang sawang sumusuporta, gumagabay, at nag-aambag sa tagumpay ng ating mga mag-aaral. Kayo ang tunay na lakas at inspirasyon ng aming paaralan.
Ang mga natamong parangal ay hindi lamang medalya o tropeyo, kundi patunay ng pagkakaisa, dedikasyon, at pusong Mambureño sa pagtataguyod ng kalidad at integridad ng campus journalism.
Mabuhay ang batang mamamahayag! Mabuhay ang Mamburao District! Mabuhay ang Payompon Elementary School!
24/11/2025
As of 11PM, November 24, 2025, ORANGE RAINFALL WARNING ang buong Occidental Mindoro at may Typhoon Signal dahil sa Bagyong Verbena, dahil dito SA ESKWELAHAN ALL LEVELS SA BAYAN NG MAMBURAO. Martes, November 25, 2025.
MAG INGAT mga at iwasan gumala. tayo mga kids at gumawa ng assignment.
Ingat! 💚🤙🏼
—
22/11/2025
A Big Thank You to SK Payompon! 💚🙌
Payompon Elementary School extends its sincerest gratitude to Brgy. Payompon SK Chairperson Clarck Garret Alvarez and the entire Sangguniang Kabataan leadership for generously donating industrial garbage bins to our school.
This initiative greatly supports our efforts in maintaining a clean, organized, and environment-friendly campus. Your leadership sets a strong example of youth involvement, responsibility, and genuine concern for the community—values our learners can look up to.
Maraming salamat po,Payompon SK Chairman Mr. Clarck Garret Alvarez, for helping us build a cleaner and safer learning environment for our pupils. Your support truly makes a difference! 🌱💛
22/11/2025
A Heartfelt Thank You to LGU Mamburao! 🙌💙
Payompon Elementary School extends its deepest gratitude to the Local Government Unit of Mamburao, headed by Mayor EK Almero, for the successful repair and improvement of our school’s drainage system.
This initiative brings a safer, cleaner, and more learner-friendly environment for our pupils—especially during the rainy season. Your swift action and continued support uplift the quality of education and well-being of our learners.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at responsableng paglilingkod.
“Kami Naman, Mamburao Naman.” 💛💙
Mayor EK Almero, salamat ng marami poh at sa buong LGU Mamburao!
Mula sa puso Payompon Elementary School!