06/07/2026
Bilang paggunita sa Ika-10 Anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award- Ang Paaralang Elementarya ng Sulong-Ipil ay nakiisa sa Sabayang Pagtataas ng Watawat bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan.
02/07/2026
Second Quarter Simultaneous Earthquake Drill
June 18, 2026
02/07/2026
Sama-sama Tungo sa Ligtas at Masayang Pagkatuto
MGA ALITUNTUNIN SA PAGPASOK SA PAARALAN
1. Ang kaligtasan ng paaralan ay pananagutan ng lahat; kaya't inaasahan ang pagtutulungan ng mga mag-aaral, magulang, at g**o sa pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng paaralan.
2. Ang mga mag-aaral ay dapat pumasok sa paaralan sa itinakdang oras at agad na magtungo sa kanilang silid-aralan o sa lugar na itinakda ng kanilang g**o.
3. Ang mga magulang at tagapag-alaga na naghahatid o sumusundo ng mga bata ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa g**o kung kinakailangan.
4. Agad na ipagbigay-alam sa g**o o School Head ang anumang hindi pangkaraniwang pangyayari, kahina-hinalang kilos, o bagay na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng paaralan.
5. Bilang isang paaralang nakabatay sa komunidad, hinihikayat ang lahat na igalang ang mga alituntunin ng paaralan at tumulong sa pangangalaga sa kapakanan ng bawat mag-aaral.
SAMA-SAMA TUNGO SA LIGTAS AT MASAYANG PAGKATUTO!
Sa pagtutulungan ng mga mag-aaral, magulang, g**o, at komunidad, maitataguyod natin ang isang ligtas, mapayapa, at masayang kapaligiran para sa pagkatuto.